Wind's POV Sambakol ang mukha ko nang makarating kami ng mansion nina Josh. Halos ibalibag ko ang pinto ng sasakyan ko pasara dahil sa inis ko sa pag-indiyan sa akin ni Cresia. Gigibain ko nga sana ngunit naisip ko mahal ito, kahit may insurance ang sasakyan na ito ay sayang naman kung sa repair lang mapupunta ang ilang libong magagastos. Bawat sentimo pa naman ay pinapahalagahan ko. Hindi kasi biro ang kumita ng pera ngayon. Bawat segundo pa naman ay mahalaga. Tapos konting maling galaw mo lang o kaya ay desisyon ay pwedeng maapektuhan ang buong kumpanya. Kaya naman lahat ng gamit bigay man o binili ko ay sobrang iniingatan ko. Turo ito sa amin nina Daddy at Mommy kaya naman hanggang lumaki kami ay dala-dala namin ito. Tsaka hindi na dapat bago sa akin ang ganitong sitwasyon. Ilang bes