Wind's POV “Ano ba kasi ang totoo? Ano ba ang problema ninyong dalawa at hindi natutuloy ang matagal na naming inaasam ni kumpare? Nakakahiya naman sa mga magulang niya kung hindi pa matuloy ang kasal ninyo ngayong taon. Engage na kayo and living in one house na parang mag-asawa. Kalat na rin sa buong lugar natin ang balita tungkol sa pagpapakasal ninyong dalawa, tapos biglang off ang wedding? Tell me, totoo ba ang sinabi ni Dorina sa amin ng Mommy mo na may mahal ka ng iba at iyon talaga ang pakakasalan mo?” medyo mataas na ang tonong tanong ni Daddy. Halatang ayaw niya akong pasingitin dahil na tinapos niya ang dialogue niya. I don't know what to say. Shocked din ako na malaman ito kay Daddy. Hindi rin third party ang dahilan lalo na at wala namang alam si Dorina sa relasyon mayroon k