Wind's POV I didn't obey what she said. Ginawa ko pa rin ang gusto ko. Umuwi ako sa bahay ng hindi niya nalalaman. Hindi rin ako mapakali sa condo ko kung doon lang ako kaya nagpasya akong umuwi ng mga bandang alas-nuebe na para hindi niya malaman. Hindi lang din ako makatulog ng maayos sa condo ko kaya minabuti ko na sundin ang puso ko at dito tumungo. I wanted to see her and be with her all night. Gagawan ko na lang ng paraan kung paano makakapasok sa kwarto niya. Pakikialaman ko na lang saglit ang mga cctv para wala akong iwan na bakas bukas. Madali na lang iyon sa akin dahil may access na ako nito. Nagpaturo na rin ako ng mga tricks kay Steven para hindi mahalata ni daddy na may nakikialam sa mga ito. “Good evening, dad… mom…” bati ko sa mga magulang ko na halatang nag-aabang sa pag