Wind’s POV Mabagal akong kumakain habang panaka-naka ay pasilip-silip ako sa laptop na nasa gilid ko. Sinisilip ko sina Daddy at Mommy sa monitor ko kung umakyat na ba sila para matulog o naroon pa rin sila sa veranda at patuloy na nagkukwentuhan. Nakita kong naroon pa sila kaya nag-concentrate na lang muna ako sa aking kinakain. Beef mami na may sahog na gulay, nilagang itlog, steam korean tofu, at fried liempo ang napili kong dinner para hindi mabigat sa tiyan at mabilis akong matunawan. Need ko rin kasi ng sabaw sa katawan dahil lately puro grilled at fried ang diet ko. Hindi healthy sa katawan ang palaging inihaw at prito kaya naisipan kong magpaluto na lang kay Manang Salve ng beef mami. Para kahit papaano ay may lakas ang mga tuhod ko sa binabalak kong unli kana kay Cresia. Iyon