Cresia's POV Binaba ko ang bintana ng kotse na kinalululanan ko nang tumigil ako sa di kalayuan, malapit sa gate ng bahay na pakay ko. Antok na antok pa ako sa totoo lang at parang gusto ko na lamang matulog dito sa loob ng kotse ko ngunit kailangan kong maging gising ang diwa ngayon para makausap ang mga taong pakay ko sa lugar na ito. Wala pa akong alam na lugar na nais puntahan ngayon, gusto ko muna ng karamay, iyong makakaintindi sa akin kaya nagpasya ako na rito muna tumuloy. Akala ko nga ay magkakandaligaw-ligaw ako ngunit nang maisip kong may GPS naman, ginamit ko ito para mahanap ang lugar na siyang pakay ko. Tinanaw ko ang isang modernong mansion na nasa di kalayuan na labis na nagpapanganga sa akin. Ngayon lamang ako nakapunta sa lugar na ito, ilang beses na yatang naanyayaha