Cresia's POV “You can stay here as long as you want, Cresia. Feel at home ka lang at huwag na huwag kang mahihiya na magsabi ng gusto mo. Narito lang ako o kaya si Manang ang sabihan mo kapag may gusto kang kainin o puntahan dito sa parte ng bahay namin. Marami kang pwedeng gawin dito, pwede kang maligo sa pool, manood ng movie doon sa entertainment room, mag-billiard at kung ano-ano pa.” Wika ni Ate Vinneah nang makarating kami kung saan ako pansamantalang tutuloy na kwarto. Hindi maitago ang pagiging hospitable niya, parang siya pa ang excited na manatili ako ng ilang araw dito. Siguro ay dahil sabik din siya sa kausap. Naalala ko kasi iyong sinabi ng guard nila, taong bahay lang siya at mas nais pang alagaan ang kaniyang mga anak kaysa ang maglakwatsa. Siguro dahil kaunti lang ang mga