Wind's POV “What's the problem with you, Maria Lukresia? Bakit iniiwasan mo ako? Bakit pati tawag at text ko ay hindi mo sinasagot?! Talk to me, Cresia! Explain to me why you are suddenly acting like that?” Galit at matigas ang boses na sita ko kay Cresia isang hapon nang sadyain ko siya sa HNU. Sapilitan ko siyang dinala sa loob ng sasakyan ko at dito ay gusto ko na siyang makausap ng masinsinan. Dapat doon sana sa condo unit ko ngunit hindi na ako nakatiis na magtanong. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang dahilan niya kung bakit niya ako iniiwasan. Paano, nagpupumilit siya na lumabas at hayaan ko na raw na makauwi siya sa bahay. Mabuti na lang at si Josh ang nahila ko para ipagmaneho ako, siya lang ang mapagkakatiwalaan ko sa sikretong ito kaya kampante ako na hindi lalabas ang s