Cresia's POV "I love you, Kuya. I love you so much. Sana maintindihan mo ako sa gagawin ko. Sana huwag kang magalit sa akin. Ginagawa ko lang kung ano ang tama. Inaayos ko ang gusot na ginawa ko," mahina kong sabi habang nakatunghay sa gwapong mukha ng aking kapatid. Malungkot na hinaplos ko ang mukha ni Kuya Wind bago ako nagpasyang bumangon paalis sa kaniyang tabi. Mabagal na nagbihis ako habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. Ayaw kong maging dahilan ng kabiguan ni Ate Dorina dahil sa makasarili kong pagmamahal. Sila naman talaga ang unang nagmamahalan noon pa man. Sumingit lang ako dahil sa kabaliwan ko kay Kuya. Kaya habang hindi pa lumalalim ang pagmamahal na nadarama ko sa aking kapatid, ako na iiwas. Ako na ang gagawa ng paraan para