Wind's POV “Goddamnit! Puro kayo mga walang silbi! Binabayaran ko kayo pero wala akong napapala sa inyo! Get lost or I will shoot you all!” Sigaw ko sa mga tauhan ko na nahuli para alisin ang mga media na kumuha sa akin ng larawan at nag-interview kanina. Para silang mga basang-sisiw na nagsiyuko ng ulo habang humihingi ng paumanhin. I hate being talked of the town. Bakit hindi sina Korei, Steven, Harvey, Jelo, Fire, at Ice ang pag-initan ng mga report na ‘yon? Bakit lagi na lang ako ang natitiyempumhan ng mga gunggong na ‘yon? Nananahimik ako, itong mga tanga naman na 'to, hindi ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho! Kailangan yata muna nilang dumaan sa matinding training? Iyong halos gumapang na sila pagkatapos ng mga mahihirap na training na ipapagawa ko sa kanila. Mabuti na lan