Cresia's POV “C-Cresia…M-My little princess,” sabi ni Mommy sa garalgal na boses. Siya ang bumasag ng nakakabinging katahimikan na bumalot sa buong hapag-kainan. Akala ko ay magtititigan na lang kami hanggang sa lumamig ang mga pagkain ngunit hindi pala dahil bumuhos na ang kaniyang damdamin. “M-Mommy…” Iyak ko. Gusto kong tumakbo patungo sa kaniya para siya ay mahigpit na yakapin ngunit para akong napako sa aking kinatatayuan dahil hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Gusto kong umatungal ng iyak sa totoo lang dahil miss na miss ko na sila ngunit naisip ko ang batang nasa loob ng aking sinapupunan. Natatakot ako na baka kapag sobrang naging emosyonal ako ay madamay pa siya. Kaya naman nagkasya na lang ako sa tahimik na pagtangis habang pinagmamasdan sila ni Daddy na mangiyak-ngiyak na

