Wind's POV “f**k! It's already afternoon! Where are they? Did they really find her?” Bubulong-bulong na sabi ko habang hindi ako mapakali na palakad-palakad dito sa kinaroroonan ko. Ilang beses akong tumanaw sa labas ng bintana at sinulyapan ang oras sa wristwatch ko. Pagabi na actually, thirty minutes lang ay magtatakip-silim na. “Wind! Please!” Sigaw ni Rain dahilan para mapapitlag ako. “What the hell?!” Ganting sigaw ko. Hindi ako galit, nagulat lang ako kaya parang medyo galit ang dating ng tono ko. “Pwede ba? Tigilan mo nga iyang kakalakad mo riyan! Ako ang nahihilo sa iyo! Maupo ka kaya?” Sita sa akin ni Rain na nakapamewang at masama ang tingin sa akin. Napilitan tuloy akong tumigil at marahas na nagpakawala ng buntong-hininga bago ko pabagsak na hinimlay ang katawan ko sa sofa