Cresia's POV “Ah, okay. I thought you two were fighting.” Ate Sunny said then looked at my way. Matiim niya akong tinitigan na tila mababasa niya sa mga mata ko ang sagot sa hinala niya. Wala siyang mapapala kay Kuya Wind dahil poker face lang itong nakatingin sa kaniya habang humihigop ng kape sa kaniyang tasa. Saglit kasi akong tumingin kay Kuya Wind kaya nakita ko ang reaksyon niya habang nakatingin sa aming kapatid. “H-Hindi nga, Ate. Bakit naman kami mag-aaway ni Kuya? ” Sabi ko na umiiling. Hindi ko alam kung tonong defensive ako pero parang ganoon na nga. “Cresia is right, sis. We're not fighting. You just misunderstood us. You see, bagong gising lang ang kapatid natin kaya malamang wala sa mood kaya ganiyan na nakasimangot at hindi ako pinapansin.” Wika ni Kuya Wind sa tonong p