Wind's POV Epilogue Si Dorina nga ang may pakana ng naging aksidente ni Cresia na muntikan ng maging mitsa ng buhay niya at ng aming mga anak. Ginawa ng pamilya ko ang lahat para siya ay mapunta sa bilangguan. Nangyari naman ito, nakulong siya ng halos isang buwan ngunit dahil isa ring maimpluwensiyang pamilya ang kinabibilangan ng kanilang pamilya, nakalaya rin siya. Nakakasama ng loob oo ngunit hindi kami kagaya nila. Hindi namin bibilhin ang batas para lang makamit namin ang hustisya. Ang importante ay alam na namin ang taong iiwasan at pwedeng ituro kapag may ginawa na naman itong kabalbalan. Wala talaga kaming magagawa kahit gaano pa karami ang koneksyon ni Daddy. Lalo na at nagtago na ang pamilya niya sa ibang bansa nang makalaya siya. Ang ginawa na lang namin ni Daddy ay mag-ing
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


