Wind's POV Kabanata 78. Wind's POV Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko while looking at her way. She was busy talking to her friends. Anak ito ng mga kaibigan nina Daddy at Mommy. Wala naman kasi kaming ibang naging close friends kun ‘di ang mga anak ng mga ninong ko na naging ninong din ng mga kaibigan ko. Usapan kasi nila ito bago sila nagkaniya-kaniyang asawa. Na wala silang ibang kukunin na ibang ninong kun ‘di sila-sila lang din. Wala nga raw kasing iwanan kaya pati hanggang sa mga anak ay gusto nilang ipamulat ito. Kaya naman wala kaming ibang naging kaibigan kun ‘di ang mga anak din ng mga kaibigan ni Daddy. May nagkagustuhan at nagmahalan pa nga kaya naman tuwang-tuwa ang mga matatanda. Isa rin ito sa pangarap nila, ang maging balae ang isa’t isa. “Gusto mo bang matunaw si C

