Chapter 49 May appointment siya kay Maxine para sa araw na iyon kaya before umalis may ini-inject si Max sa katawan niya. Hanggang kasi sa mga oras na iyon hindi pa din nakakarecover katawan niya sa side effects ng drugs na pinatake sa kaniya ni Maxine. Iniimbestigahan pa din nina Bree kung anong klaseng drugs iyon. "Ano iyang iniinject mo sa katawan mo?" tanong ni Gabriela na nakaupo sa gilid ng kama. "Vaccine," sagot ni Max. Nagdududa siya tiningnan ni Gabriela. Nagkibit-balikat si Max tapos sinara ang lalagyan. "Huwag ka aalis dito." "Bakit kita susundin?" tanong ni Gabriel. Inayos ni Max ang necktie at tiningnan ang sarili sa salamin. "Kunin mo iyong phone na nakapatong sa table. If ever na aalis ka at hindi ka makauwi tawagan mo ako." "Make sure din na kapag aalis ka wag k

