Chapter 50 Hinawakan ni Gabriela ang ulo niya. Mga patak ng tubig, mga paghinga, pagtibok ng puso at mga yabag. Naririnig niya lahat ng iyon— para siyang mababaliw. Pagmulat niya ng mata parang biglang naging maliit ang kwarto— mas naging masikip at hindi siya makahinga. "Gabby?" Napakurap si Gabriela and napalingon. Nakita niya si Max na naglalakad palapit sa kaniya at iba na ang suot na damit. "Nawala sa isip ko pagtake ng gamot. Natakot ka ba?" Napabuga ng hangin si Gabriela at paunti-unti kumalma ang babae. Naka-focus ito ngayon sa gwapong mukha ni Max at malakas na pagtibok ng puso ni Max. Iyong paghinga nito at natural scent. Hindi siya naiirita. Sinabi ni Bree na aalis na siya. "Bree, wala sana makaalam about dito." Sinabi ni Bree na as long as hindi magiging nuisance

