Chapter 53 "Ang babae na iyon! Isa siyang infected!" Hinampas ni Maxine ang table at galit na tiningnan si Max. Bakas sa mukha ng babae ang sobrang pagkabahala sa idea na may connection ang babae na iyon kay Max at kukunin ng H5 si Max sa kaniya. "Huwag mo siya igaya sa mga puppet niyo. Hindi siya halimaw," unbothered na sambit ni Max at nag act na walang alam bakit nagpapanic si Maxine. "Gusto mo ba iexplain miss Lambordi bakit hindi mo nireport na nasa iyo ang partner ni Gabriela," ani ng isang matanda, bahagya lumingon si Max. As usual nakasuot ang mask ang lalaki at ngayon diretso nakatingin sa kaniya. Bahagya pa nagulat ang lalaki matapos makita si Max. Kumunot ang noo ng lalaki and bahagya tumaas ang gilid ng labi. "Hindi ko iniexpect muli tayo magkikita at sa ganito pa na

