Chapter 52 Traffic kaya kinailangan nina Max at Gabriela gumamit ng motor. Napapikit na lang si Max at napakapit sa bewang ni Gabriela ng mahigpit dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng babae. Feeling niya anytime lilipad motor na sinasakyan nila kasama sila. "Pwede ba bagalan mo ng kaunti pagpapatakbo mo? Bumabaliktad sikmura ko," reklamo ni Max. Nakikipagsabayan pa sina Cronus sa motor daig pa nila nagkakarera. Hinawakan ni Gabriela hita ni Max bago pumreno at lumingon, tiningnan niya mga kumpulan ng tao sa unahan at putukan ng baril. Mahilo hilo si Max na bumaba at sumuka. Hindi siya pinansin ni Gabriela at inutusan sina Cronus na maiwan doon. Naglakad ang babae palapit sa kumpulan ng mga tao habang suot ang helmet. "Tumatakbo siya! Bilisan niyo paputukan niyo!" sigaw ng mga p

