Chapter 39 Hindi alam ni Gabriela ang gagawin. Iniuwi nila si Max at naghire ng mapagkakatiwalaan na doctor galing sa mga Nicastro. Ang problema ngayon nilalagnat si Max at hanggang sa mga oras na iyon hindi pa din nila alam paano maibabalik sa dati ang katawan ni Max. To make it worst pa malapit na ang reunion ng mga Lambordi at kailangan nila makahanap ng paraan para magawa maibalik sa dati katawan ni Max. "Gabby?" Napatigil si Gabriela at lumingon. Agad na umalis si Gabriela sa harapan ng gwapong doctor at lumapit kay Max. Gumusot mukha ni Max after makita ang doctor na agad siya binati. Tinanong ano nararamdaman niya. Nagpakilala ang lalaki bilang doc Freya. Sumampa si Gabriela sa kama tapos hinarang mukha niya mula sa pagkakatingin ni Max sa doctor. "Master, pansinin mo

