Chapter 40 "Hanapin ba namin master?" tanong ng isa sa lima na nasa kusina at may kinakain na junk foods. Itinaas ni Max ang kamay sumagot ng no. Sigurado siya nasa tabi-tabi lang si Gabriela. Umalis ang lalaki at naglakad palabas ng mansion. Isa sa lima ang nagkakamot sa ulo na sinundan si Max. Bubuksan ni Max ang pinto noong kusang bumukas iyon. Agad na naitabi ng lalaki si Max ngunit sa mukha niya tumama ang pinto. "Putangina." Nakatingala si Max ngayon na nakatingin sa lalaki na hawak ang mukha. Gusot ang mukha ni Gabriela na tinanong ang lalaki ano ginagawa doon. "Inii-spy mo ba ako?" tanong ni Gabriela. Napamura ang lalaki sinabing hinahanap siya ng master. Hinawakan ni Max ang kamay ni Gabriela. Napatigil si Gabriela at naibaba ang tingin. Nakita niya si Max na tinano

