Chapter 28 Malalim ang gabi 'nong nagising si Max. Pagkamulat niya ng mata una niya hinanap si Gabriela. Nakita niya si Gabriela na nasa tabi niya tapos yakap ang mga kamay niya. Natutulog ang babae sa kabilang side niya. Kinuha ni Max ang kamay niya at lumapit sa higaan ng babae. Niyakap niya ang katawan ni Gabriela at sumiksik sa dibdib nito. Rinig na rinig ni Max ang t***k ng puso ng babae at ang paghinga nito na siyang sandali nagpakalma sa lalaki. Maya-maya lang ay niyakap ni Gabriela ang ulo ni Max at humilig sa lalaki. Hindi namalayan ni Max na nakatulog siya at umaga na ulit 'nong nagising. Pagkamulat niya ng mata nasa tabi niya si Gabriela. Bagong shower ang babae at kasalukuyang pinaglalaruan ang buhok niya habang nakapako ang tingin sa libro na binabasa. "May mga

