Chapter 27 Nakita ni Gabriela si Max sa sariling kwarto ng lalaki. Nakaupo ito sa ibaba ng kama at nakatingin sa kawalan. "Gusto ko magphinga," bulong ni Max. Lumapit si Gabriela tapos umupo sa tabi ng lalaki. Ipinatong ni Max ang ulo sa lap ni Gabriela at tumagilid. Inangat ni Gabriela ang isang kamay at bahagya hinawakan ang ulo ni Max. "Kapag maayos na ang lahat malaya ka na kay Maxine. Ano gusto mo unang gawin master?" tanong ni Gabriela. Sinabi ni Max na gusto niya mag-travel. "Gusto ko pumunta sa isang lugar na may dagat na tayong dalawa lang nandoon." Tinanong ni Gabriela kung hindi ba nagagawa iyon ni Max dati. "Hindi ko nagagawa iyon ng walang mga mata na nanonood sa akin." Napatigil si Gabriela after marinig iyon. "Sigurado na natatakot ka." Tinanong ni Max paano

