Chapter 26 Lumingon si Sebastian na hawak sa kwelyo ang isa sa mga armado na lalaki. Isa sa mga ito ang nakabangon at itinutok sa kaniya ang baril. Nasa gitna siya at wala matataguan. May tama din siya ng baril sa hita kaya sigurado hindi agad siya makakatakbo. Napatigil si Sebastian after may bulto ng babae siya nakita sa likuran ng lalaki na iyon at bago pa nito magalabit ang gatilyo— may humawak sa leeg nito at walang kaanu-ano na binali. Binitawan ni Sebastian iyong lalaki na hawak niya and diretso nakatingin kay Gabriela. "Pinakita mo din tunay mo na anyo, Gabriela." Balot ng dugo si Gabriela na umabot hanggang sa maganda nito na mukha. Walang kulay ang mga mata na tiningnan si Sebastian. "Kilala mo ako?" tanong ni Gabriela. Sumagot ng no si Sebastian. "May alam lang ako

