Chapter 25 After nila mag-alay ng dasal sa ina ni Max at mag-stay doon ng halos tatlong oras nagpasya na din sila umuwi. Walang humarang or may nangyari na kakaiba habang nasa biyahe sila pero hindi magawa ni Gabriela makampante. Pagdating nila sa mansion nagkaayaan ang lahat na pumunta sa playroom. Meron iba't ibang klase ng sports doon na pwede nila laruin, may video game tapos videoke room. Nagkaayaan ang girls pumasok sa videoke room tapos nagdala ng ilang foods. "Hindi ka sasama Gabriela?" tanong ni Anais. Nakita nila kasi na nasa labas si Gabriela tapos nakatingin sa mga lalaki sa kabilang side ng playroom. Lumingon si Gabriela kay Anais at napakamot sa pisngi sinabi na gusto niya makausap si Max. "Okay," ani ni Anais tapos pumasok sa videoke room. Kalaunan pinanonood

