Chapter 2
"Screw you, Lambordi. Wag mo sabihin natulog ka sa room ng girls," ani ni Sebastian at tumatawa siniko si Max na mukhang kakagising lang at sinapok si Sebastian. 
"Ano pinalalabas mo?"
Pabiro sinakal ni Max ang kaibigan. Nailing na lang si Aslan at Jun matapos makita nagre-wrestling iyong dalawa sa living room pagbaba nila. 
"Ano nangyari?" tanong ni Anais na kinukusot ang mata na bumaba. Natutuwa naman si Peri na naghihintay sa asawa at agad na lumingkis sa babae. 
"Pumasok ka ba sa room namin kagabi? Parang nakita kita," ani ni Anais at nilingon ang asawa. Antok na antok siya at akala niya panaginip iyon 'nong nakita niya si Peri na nilalagyan siya ng kumot tapos nakaupo sa tabi niya. 
"Yes, hinahanap namin si Max kagabi. Umupo lang ako sandali sa tabi mo tapos umalis na din ako," ani ni Peri. Wala din naman siya mahigaan kahit gusto niya tumabi sa asawa. Napaggigitnaan ito ni Lumina at Winny. 
Isang malaking no way na sisingit siya doon para makatabi ang asawa. 
"How is your sleep princess?" tanong ni Garan sa kapatid habang nakayuko at nakatungkod ang dalawang braso sa tuhod para pantayan ang kapatid na buhat kanina ni Max pababa. Sinabi ni Gemma na the best. Itinaas ni Gemma ang kamay at natutuwa sinabi na hinug siya ni Gabriela at Max kaya hindi siya gaano nakaramdam ng lamig. 
Suot ni Gemma pagbaba iyong coat ni Max. Bahagya napangiti si Garan after makita iyon. Binuhat niya ang kapatid at sinabi na magbreakfast na sila. 
"Medyo malamig dito, Gemma. Huwag mo kalimutan magsuot ng makakapal na damit mamaya okay?" bilin ni Gabriela. Nagulat sila kagabi pagdating ng madaling araw sobra ng lamig. 
"Ano nangyari sa mga mata mo, Win? Natulog ka ba?" tanong ni Aslan. Kaharap nia si Winny na agad napapitlag after magsalita si Aslan at tinatanong siya. 
Napatingin si Winny sinabi na nahirapan siya matulog ng kaunti. Nanatili lang nakatingin si Aslan. 
Then after ng breakfast habang nagpeprepare ang lahat nasa baba si Max kausap si Garan. 
"I think successful naman iyong  ginawang presentation ng mga pinadala kong representative sa Iraq," ani ni Garan. May ilang investors na kasi ang pumira sa kontrata at kinompirma iyon ng executive na pinadala niya para mag-attend ng board meeting since wala nga sila ni Max. 
"Max?"
Napatigil si Max at lumingon. Nakita niya si Winny. 
"Pwede ba kita makausap?" tanong ni Winny na may pag-aalalang  expression. Bahagya lumingon si Max kay Garan at sinabi na mamaya na nila ituloy iyon. 
Tumango lang si Garan. Inaya ni Winny si Max sa garden. 
Nakatalikod si Winny 'nong tinanong ni Winny si Max kung may feelings pa ang lalaki sa kaniya. 
"Madami na nagbago Winny at masyado na matagal."
Napatigil si Winny tapos humarap kay Max. Hindi makatingin si Max— nakagat ni Winny ang labi. 
"Max, mas naging matagal tayo nagsama compare sa naghiwalay tayo? Bakit hindi ka makasagot?"
Bumuga ng hangin si Max at napahawak sa likod ng ulo. Diretso niya tiningnan si Winny. 
"Oo Winny may feelings pa ako sa iyo— bumibilis pa din ang t***k ng  puso ko kapag nandiyan ka. Gandang-ganda pa din ako sa iyo. Nandito pa din, Winny," ani ni Max. Napatigil si Gabriela paglapit kay Max after marinig iyon. 
Nakita siya ni Winny at napalingon si Max. Hindi ngayon alam ni Gabriela ano expression ang nagawa niya ng mga oras na iyon. 
"Gabby."
Alanganin tumawa si Gabriela at nag-sorry. Naistorbo niya ang dalawa. Mabilis na umalis si Gabriela at pumasok sa living room. 
Aalis si Max nang hawakan siya ni Winny sa braso at tinanong siya nito kung pwede pa nila ayusin iyon. 
"Max pareho tayo nagkamali hindi ba? May feelings pa tayo sa isa't isa. Mahal pa din kita Max— all this years hindi pa din nagbabago iyon," puno ng expectation na sambit ni Winny. Gusto pa din siya ni Max as expected. Mahal pa din siya nito. 
"You misunderstand something, Winny."
Nagulat si Max 'nong alisin ni Max ang kamay ni Winny sa pagkakakapit sa braso niya. 
Nilingon siya ni Max sinabi na hindi iyon pwede maging dahilan para maibalik pa nila ang lahat sa dati. 
"Katulad ng sinabi ko madami na nagbago. Mahal kita Winny but— hindi na ikaw iyong babae na nakikita ko makasama," ani ni Max. Napatigil si Winny. 
"Wa-why?  Kasi dahil may nangyari sa amin ni Declan? Hindi na ako malinis na babae! Bakit Max! Madami ka din na kinama na babae hindi ba?  Ilan? Dalawa? Tatlo? Bakit ako na isang beses lang nagkamali tapos—"
Doon umiyak si Winny. Naiyukom ni Max ang kamao. Hindi niya maintindihan bakit lahat ng bagay need ng rason. Bakit sila lahat may nasasabi? 
Bawal ba siya magsabi ng opinyon niya ng hindi siya nahuhusgahan. 
Tumalikod si Max. Nanginginig si Max sa galit at sobrang pagkadismaya. Gusto niya magtago, umalis at lumayo. 
Pagkapasok niya sa living room sinalubong siya ni Jun ngunit agad siya nilampasan ni Max. Kailangan niya lumayo at nakita niya si Gabriela na nakatayo sa harap ng pintuan ng kusina. 
"Master?"
Humakbang si Max patungo sa direksyon ni Gabriela at agad na binuka ni Gabriela ang nga braso. Niyakap ni Gabriela si Max na agad sumiksik sa kaniya.
"Akala ko umalis ka."
Tinanong ni Gabriela saan siya pupunta. Nandoon ang master niya. 
"Max!"
Pumasok si Winny kasunod si Aslan na sapo ngayon ang noo. Napatigil si Winny after makita si Max na yakap si Gabriela at napatigil ang lahat after sila diretso tiningnan ni Gabriela. 
Kumislap ang kulay ginto nitong mga mata at tinanong si Winny kung anong nangyari. 
Hindi nagawa ni Winny makapagsalita. Tiningnan ng babae si Max na ni ayaw siya nito tingnan. Napu-frustrate ang babae dahil doon. 
Kahit medyo mabigat ang atmosphere tuloy ang biyahe. Nasa backseat si Max at Gabriela sa unahan nila si Aslan at Winny na pareho din walang imik. 
Malakas ang ulan 'nong araw na iyon tapos medyo madilim. 
"Master, kapag umuulan ano ginagawa mo kapag nasa room ka lang tapos nakahiga?" tanong ni Gabriela. Bahagyang napatingin si Max at tinanong kung ano kalokohan iyon. 
"Malamang tulog, nagkakape or nagbabasa ng documents," ani ni Max. Napanguso si Gabriela sinabi na ayon din ginagawa ni Max kahit hindi umuulan. Boring. 
Napaubo sina Peri at natawa si Anais. Mukhang hindi lang kasi Max gumagawa 'non sa mga taong kasama nila sa van. 
"Ikaw? Ano ginagawa mo?" tanong ni Max. Sinabi ni Gabriela na sumisipol siya. 
"Sumisipol?" ulit ni Max. Tumango-tango si Gabriela tapos nag-start siya sumipol. 
Napatigil si Max after marinig ang familiar na beat. Hinawakan niya si Gabriela sa balikat at tinanong saan narinig iyon. 
"Hindi ko alam. Master? Anong problema?" tanong ni Gabriela. Bigla niya na lang kasi pumasok sa isip niya ang musika na iyon tapos tuwing malungkot siya, mag-isa at natatakot ginagamit niya iyon pampakalma. 
"Nothing, it's just may naalala lang ako sa kanta na iyan," ani ni Max at dahan-dahan naibaba ang kamay. Tinanong ni Max kung pwede ituloy iyon ni Gabriela gusto niya ulit marinig. 
Pinagpatuloy ni Gabriela ang pagsipol at umayos ng upo si Max. 
Flashback
"Baby, ito kumain ka. Kainin mo agad para mainitan tiyan mo," ani ng isang babae habang may inaabot ng baso ng noodles sa isang batang lalaki na nasa tatlong taong gulang. 
Kahit madumi ang suot nito na damit, medyo magulo ang buhok at medyo madumi ang mukha hindi mapagkakaila na may maganda itong mukha. Sapat para ilan sa mga dumadaan sa kalsada napapatingin sa mag-ina. 
"Ikaw mama? Hind ka kakain?" tanong ng batang lalaki. Hawak nito ang cup tapos nakatingin sa ina na bahagya ngumiti at hinawakan ang ulo ng anak. 
"Busog si mama."
Iyon palagi ang mga linya na naririnig niya sa ina tuwing tinatanong niya ang babae kung kumain na. 
Habang kumakain ang anak nakatingin lang ang babae na may ngiti sa labi. Sa kabila ng gutom at pagod nagagawa pa din ng babae na tumawa at ipakita sa anak na maganda ang mundo. 
Malinis ang suot na damit ng anak dahil bago sumikat ang araw naglalaba ang babae sa fountain malapit doon sa gayon walang tao at hindi siya mapagdiskitahan. Paggigising ang anak may pagkain na ito, ganoon din sa tanghilaan at gabihan. Hindi niya hinahayaan magutom ang anak kahit madalas siya ay hindi kumakain sa isang buong araw para makakain ang anak. 
May mga trabaho naman siya nahahanap pero madami sa mga ito hindi pwede isama ang bata sa oras ng trabaho. Ayaw niya iwan ang anak kahit isang minuto— bakit? 
"Mama, ayos lang naman po ako. Hindi ako aalis dito. Naiintindihan ko na kailangan niyo magwork."
Iyon ang exactly na sinabi ni Max but niyakap lang siya ng ina sinabi na ayaw niya bawasan ng sitwasyon na iyon ang natitirang araw kasama ang anak niya. 
Noong una hindi iyon maintindihan ng batang lalaki. Iniisip niya masyado lang anxious mom niya dahil bata pa siya at natatakot na mawala not until—
Kinakantahan ng ginang si Max habang nakahiga sila sa kariton at nasa bisig ng ina nang may huminto na van. Bumaba dito ang napakaraming body guard tapos tinawag ang ina ni Max. 
Naalarma ang babae at agad na tinago ang anak. Sinabi nga nito na hindi siya sasama pero isa sa mga ito sinabi na kapag hindi sumama ang babae mawawalan sila ng choice kung hindi kaladkarin ang ina ni Max or kuhanin si Max. 
"Mama!"
End of the flashback
Nagising si Max at nakita niya wala ng tao sa sasakyan. Umayos ng upo si Max tapos tumingin sa tabi niya. Napalingon si Gabriela. 
"Gising ka na, Master."
Tinanong ni Max kung nasaan iyong iba. Sinabi ni Gabriela na nasa labas ng sasakyan. 
Pagbaba nila ng van nakita ni Max ang mga kasama na kumukuha ng litrato habang iyong iba nasa harap na ng lapida ng mom niya at naglalatag ng tela kung saan ilalagay mga pagkain. 
"Master, lalapit lang ako kina Bailey," ani ni Gabriela tapos tinuro ang girls na nag-aayos ng latag. 
Tumango si Max kaya binitawan na siya ni Gabriela at tumakbo palayo. Nilapitan naman siya ni Aslan sinabi na tulungan sila kumuba ng mga pagkain para mabilis. 
Sumunod si Max at sinabihan sina Aslan na dapat ginising siya kanina. 
"Ayaw namin masapak ng alaga mo ano," ani ni Jun. Nagtaka si Max. Kinuha ni Max iyong isang container kung nasaan nakalagay ang mga plato and utensils. 
"Si Winny, nag-confessed ba sa iyo?" tanong ni Aslan. May hawak si Aslan na lalagyan ng tubig at kung saan nakalagay iyong mga yelo. 
Hindi umimik si Max. Tinanong ni Aslan kung bakit hindi balikan ni Max si Winny. 
"Hindi na iyon mangyayari."
Mabilis ang naging sagot ni Max kaya napatingin si Aslan. After mag-prepare nag kaniya- kaniya na sila upo doon. 
Humiga si Max sa lap ni Gabriela na kasalukuyang nakikipagtawanan kay Gemma. 
"Master ano gusto mo kainin?" tanong ni Gabriela at yumuko. Kasalukuyang may hawak na jam si Gabriela. 
"Ayoko kumain. Gusto ko matulog," bulong ni Max tapos tumagilid. Tumapat ang lalaki sa side ni Gabriela at pumikit. 
Napatanga si Gabriela. Kaunti lang kasi kinain ni Max kaninang umaga tapos ngayon ayaw nito kumain. 
"Master, kaunti lang talaga kinain mo kanina," ani ni Gabriela tapos inayos ng higa si Max at hinawakan ang noo ni Max. 
"Master, wala ka naman lagnat. Ayaw mo kumain," ani ni Gabriela. Napa-pokerface si Max sinabi na ayaw niya nga. 
"Master nanghihina ka kapag hindi ja kumain," pagpupumilit ni Gabriela. Sumasagot lang ng no si Max kaya ang ginawa ni Gabriela binaba nito ang lalagyan ng jam tapos hinawakan ang dalawang pisngi ni Max. 
"Master, kapag nanghina ka tapos bumaba sa 8 rounds making out natin hahanap na ako ng ibang master."
Naibuga ni Peri ang iniinom na tubig at tinakpan naman ni Garan ang dalawang tenga ng kapatid na babae. 
"What the f*ck are you saying?" 
Imbis maasar tumawa si Max. As in tumawa ito dahilan para mapanguso si Gabriela sinabi na hindi pwedeng hindi kakain master niya at mawalan ng energy. 
"It's gross," banat ni Sebastian na kasalukuyang may binabalatan na orange. Nailing na lang si Jun habang si Lumina hindi na lang nagreact. Sanay na siya sa dalawa as in. 
After kumain ni Max katulad ng palagi nila ginagawa tuwing death anniversary ng ginang. Magtitirik sila ng kandila tapos maglalagay ng bulaklak. 
Nakaupo sina Gabriela sa puting tela habang si Max nakaupo sa harap ng lapida. 
"Gabriela, kung ano gagawin mo kung  i-blackmail ka ni Maxine? Iiwan mo ba si Lambordi?" tanong ni Aslan tapos tiningnan si Gabriela na nakaupo sa tabi niya at nakahalumbaba. 
"Kasama ka ni master 'nong binili niya ako sa auction. Wala magagamit sa akin si Maxine. Isa lang ako mga item na nandoon, dekorasyon, kumikinang na bagay na maganda lang sa mata ng ibang tao at walang silbi— but lahat iyon may presyo at kung sino may pinakamataas na bid sa kaniya mapupunta ang item. Mr Reed isa ako sa mga bagay na iyon."
Lumingon si Gabriela. Sinabi ni Gabriela na wala siyang pangalan, walang bahay, walang pamilya, walang kaibigan— either suot niya sa mga oras na iyon galing sa taong bumili sa kaniya. 
"Mula paa hanggang ulo, kay master ako," ani ni Gabriela tapos tinuro ang ulo niya at ngumiti. 
Sinabi ni Gabriela na hindi si Maxine dapat katakutan nila. Bahagya napatingin sina Jun. May mga bagay na nakakatakot pa sa mundo na iyon kaysa sa inaakala nila.
Pumasok sa isip niya ang isa sa mga nakasama niya sa lab. Isang babae na halos kasing edad niya. Nagwawala ang bata, galit na galit ito, puno ng sugat ang katawan dahil sa kalmot at pulang-pula ang mga mata. 
'Anong nangyari sa kaniya? Bakit binalik ang bata na iyan dito?'
Nasa loob siya ng capsule at naririnig niya usapan ng mga tao sa labas ng capsule. 
'Gusto ibalik ng parents iyong bata dahil natatakot sila para sa anak nila. Hindi daw kasi nilalayuan ng bata iyong anak nila at nagiging kakaiba na din kilos ng anak nila.'
Then makalipas ang araw narinig ni Gabriela na namatay iyong master 'nong isa sa kanila after nito mag-suicide.