23

2109 Words
Chapter 23 "Hindi bababa si Maxine?" tanong ni Anais na natatawa. Pinuntahan siya ni Gabriela kanina pero wala sumasagot kaya umalis na siya. Nasa mahaba silang table at madami pagkain. Katabi ni Gabriela si Max tapos umupo si Winny kaharap ni Max tapos kaharap naman ni Aslan si Gabriela. Nagkatinginan iyong apat. Mukhang nahalata iyon ng grupo kaya alanganin tinanong ni Peri sina Aslan kung sino gusto magpalit ng pwesto. "Bakit magpapalit?" flat na tanong ni Max tapos kumuha na ng makakain niya. "Paabot ng pepper—" Bago pa matapos ni Max ang sasabihin inaabot na sa kaniya ni Winny ang lalagyan ng paminta. Agad na naibaba iyon ni Winny sa gitna sa itaas na bahagi ng plato ni Max. "Halatang kilalang kilala mo na si master," ani ni Gabriela. Nakita niya bago pa makapagsalita si Max dinampot na ni Winny ang paminta at mukhang out of instinct niya iyon. "Magkasama na kami ni Maxy since grade school," ani ni Winny na napakamot sa pisngi. Medyo mahirap mabago ang kasanayan kaya— Tiningnan ni Winny si Max na ngayon nakatingin kay Gabriela sinasabi nito na ayaw niya ng carrot tapos nilalagay iyon sa plate ni Gabriela. Napatigil si Winny after makita ang side na iyon ni Max. Kahit pa magkaibigan na sila ni Max since grade school hindi niya nakita na ganoon ito kakomportable sa kaniya. "Master, sa dami ng aayawan mo carrot pa talaga? Alam mo ba masustansya ito sa katawan? Masyado ka picky at—" "Gabby sinisermonan mo na ako?" putol ni Max at tinaasan ito ng kilay. "No it's just— fine. Sino ba ayaw ng carrot? Ang sarap sarap nito." Bahagya bumaba ang tingin ni Winny at napatingin si Aslan sa babae. Napakamot si Sebastian sa pisngi dahil sa atmosphere. Kailangan nila makaisip ng topic. Siniko ni Sebastian si Jun na kinatingin ng lalaki. Bumulong si Jun sinabi na mag-open ng topic. "Ang awkward." "Ah!" Pumalakpak si Jun. Lahat sa kaniya napatingin. "Gabriela dahil bago ka tapos mukhang makakasama ka na namin in future at special kay Lambordi. Gusto mo ba malaman paano kami nagkakakilala-kilala? Tapos ilang details about kay Max na alam namin?" tanong ni Jun. Napatigil ang lahat ng nasa table tapos hinampas ni Sebastian si Jun sinabi na huwag iyon ikukwento. "What? Sure naman ako curious si Gabriela sa atin tapos sa master niya," ani ni Jun. Masama ang tingin na pinukol ni Max sa kaniya kaya naman nag-act si Jun na umiwas ng tingin at sumipol-sipol. "Gusto ko malaman," ani ni Gabriela. Nakapako ang tingin nito kay Jun at hindi pinansin ang pagkain na nasa harapan niya. "Gabby, wala ka matino na malalaman. Lahat iyan kalokohan," ani ni Max. Lumingon sa kaniya sandali si Gabriela. "Mas lalo ako nako-curious," ani ni Gabriela. Napa-pokerface si Max sinabi na bahala siya then sinubo ang tinidor na may nakatusok na meat. "Sa pagkakaalam ko since highschool magkaka-schoolmate kami may mga chance na nagiging magkakaklase kaming lima hanggang sa nag-college kami. Hindi pa din kami pagkakakilala 'non or mas maganda sabihin dedma kaming lima like may kaniya-kaniya kaming trip sa buhay. Noong 2nd year college kamj nakilala ko ito si Sebastian at Peri. Naalala ko nakaaway ko ito si Volkov dahil akala niya ako iyong nagkulong kay Peri sa stockroom dahil lang sa naka-chef uniform ako." Bigla tumawa si Peri sinabi na naalala niya iyon. Walang idea si Sebastian na uniform iyon nina Jun tapos madami estudyante na may ganoong uniform. Ang nangyari napunta iyong dalawa sa detention. "Tapos nagkiss sila ni Jun at Bastian," dagdag ni Peri. Nahampas ni Sebastian ang table tapos tinanong bakit kasama ang part na iyon. "Bakit hindi? Iyon nga reason bakit nagkakilala tayo tatlo tapos medyo naging mahaba pagsasama natin tatlo," ani ni Peri na tumawa. Nagtataka tinanong ni Gabriela kung bakit nag-kiss. "May relationship kayo na dalawa?" tanong ni Gabriela kay Jun at Sebastian. Napaubo si Aslan after marinig iyon. Nagpipigil naman ng tawa si Max. "Kung siguro walang fiancee si Volkov baka inisip din namin na may relationship ang dalawa na iyan," ani ni Max na tumawa. Napa-what the f*ck si Sebastian. "Aksidente lang iyon dahil sumampa si Volkov sa bintana para tumakas. Ayoko mag-isa sa mga unfamiliar places tapos 3rd floor iyon. Pinigilan ko siya pero iyong loko gigil na gigil sa akin. Napabitaw siya sa tapos sinalo ko then ayon bumagsak kami sahig sakto bumukas iyong pinto. Nandoon si Peri tapos dean." "Nag-stay pa sila ng 2 hours after 'non then kumalat nga ang issue na bakla si Jun tapos si Bastian." "Alam ko nasira front teeth 'non ni Bastian tapos namamaga labi ni Chen dahil sa pagkakabagsak nilang dalawa. Napa-pokerface si Jun at Sebastian 'nong nagtawanan lahat ng nasa table. "Reed, kayo naman magkwento ni Lambordi paano kayo nagkakilala? Nakilala namin kayo parang close na kayo ni Lambordi," ani ni Sebastian. Agad na napa-pokerface si Max at Aslan. "No, hindi sila close," ani ni Winny tapos pinag-cross mga braso niya. "Lagi niyo lang sila nakikita sa school ground dahil lagi sila may punishment. Araw-araw," dagdag ni Winny. Napahawak si Sebastian sa baba niya sinabi na hindi niya alam iyon. Akala niya mag-bestfriend iyong dalawa. "We're not," tanggi ni Max na kinatingjn ni Gabriela. Alanganin na sinabi ni Aslan na medyo special circumstance nila na dalawa. Kahit wala pa iyong issue about sa mga past girlfriend ni Max at iyong kay Winny hindi na nagkakasundo si Aslan at Max. Bakit? Nagtama ang mata ni Aslan at Max. Pareho sila ng personality. Magkadugtong palagi ang mga path nila at tadhana. Sa kalaliman ng gabi nag-iinuman mga lalaki sa room nila habang ang girls ay nakahiga sa mga nilatag nila na comforter at mga nagkukuwentuhan. "Wala ako alam sa sitwasyon sa barkada ni Piero. Nami-meet ko lang sila kapag pumupunta sila sa shop para magpurchased ng mga jewelries tapos sa business projects which is nagi-invest ako," ani ni Anais. Sinabi kasi ni Winny na ngayon niya lang nakita si Anais at hindi siya informed na may asawa isa ss mga barkada ni Max. "Tapos tuwing death anniversary ng madam ng mga Lambordi." In short wala masyado interaction si Anais sa mga barkada ni Peri kahit pa araw araw magkakasama iyong lima. "Why mukhang takot sa iyo si Maxine like— mukha siya nakakita ng multo kanina?" tanong ni Gabriela na nakaupo at sa lap niya nakahiga si Gemma na natutulog. "Binalackmail niya si Piero," sagot ni Anais at nagkibit-balikat. "Muntikan ko na siya mahulog sa rooftop dahil doon," ani ni Anais. Napanganga sina Winny at Gabriela. "What?" tanong ni Winny na nanlalaki ang mata. "Medyo sensitive ako that time dahil hindi talaga maganda kondisyon ni Piero at iyong sobrang emosyon ikamamatay ni Piero. Hindi ko napigilan sarili ko 'nong nalaman ko bakit nag-collapsed si Piero ayon— ihuhulog ko dapat siya sa rooftop." Inamin ni Anais na kung hindi dumating kapatid ni Piero patay na si Maxine. Magdamag nagkukuwentuhan iyong tatlong babae. Mula sa business, nabasa nilang books at ilang bagay about sa grupo ni Max. Maya-maya napagpasyahan na din nila matulog. Hindi magawa ni Gabriela matulog dahil hindi siya sanay na wala si Max sa tabi niya. Hindi naman siya makaalis dahil yakap niya si Gemma at ayaw niya doon iwan ang bata. Pumikit na lang ang babae tapos kaunting pinakalma ang sarili. Makalipas pa ang ilang oras dahan-dahan bumukas ang pinto ng kwarto ng room ng girls. Dahan-dahan sinara din iyon at tinungo ang kabilang side ng kwarto. May space doon at sumiksik ang lalaki. Madali lang nagising si Gabriela dahil hindi nga siya ganoon nakatulog tapos naamoy niya ang natural scent ng master niya tapos pinaghalong amoy ng wine. "Master—" "Shh let's sleep. Hindi ako makatulog," bulong ni Max. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Gabriela after marinig iyon. Hindi lang siya ang hindi makatulog dahil wala ang warm ng master niya. Naramdaman niya na inangat ni Max ulo niya tapos hiniga sa braso niya then sinandal siya sa dibdib ng lalaki. Naramdaman niya din ang paghinga ni Max sa likod ng ulo niya at init ng katawan ng lalaki. Doon maya-maya kang nakaramdam na ng antok si Gabriela at paunti-unti na pumikit. Malapit sa pinto si Winny katabi si Anais kaya nagising ang babae 'nong may nagbukas ng pinto. Nakita niya si Max na naglalakad patungo sa kabilang side ng kwarto kung nasaan si Gabriela. Bahagya naitikom ni Winny after makita iyon. Bakas sa expression ng babae ang sakit like— mahal niya si Max at makita ito na may ibang babae parang pinupunit ang puso niya. Dahan-dahan bumangon si Winny at naglakad palabas ng kwarto. Akala niya naka-move on na siya but— napahawak sa dibdib si Winny. Nasasaktan pa din siya. Paglabas niya ng kwarto bumungad sa kaniya ang madilim na hallway. Bumaba ang babae at tumungo sa living room. Napatigil si Winny 'nong makita si Maxine. Nakaupo ito sa sofa as usual at may hawak na can ng alak. "Pumasok sa room niyo si Max. Ano pakiramdam ng mapalitan?" natatawa na tanong ni Maxine. Naiyukom ni Winny ang mga kamao. "Sis, hindi bagay sa maganda mo na mukha. Wag ka magalit," ani ni Maxine. Sinabi ni Winny na si Maxine lahat may kasalanan 'non. "Nilagyan mo ng droga ang iniinom ko. Sinira mo ang engagement namin dahil sakim ka at ayaw mo mawala si Max. Nakakadiri ka." "Pero iniwan mo si Max hindi ba? Sumuko ka at iniwan mo siya sa gitna ng kaguluhan at pambabatikos ng pamilya mo." "Itinago mo ang tunay na nangyari? Pinotrektahan mo ang image mo hanggang sa huli at iniwan si Max," ani ni Maxine at tumawa. Tinanong nito si Winny sino sa kanila ang makasarili. "Sino ang nakakadiri? After mo siya lokohin, hinayaan mo protektahan ka niya at saluhin lahat ng panghuhusga." Napatigil si Winny. After ng biglaang back out ni Winny sa kasal out of guilt iniwan niya si Max. Saktong may mga kumakalat din na may mga babae nalilink kay Max at lumabas na isa iyon sa reason bakit ito iniwan ni Winny. Alam iyon ni Winny but hindi niya inabala na itama at hindi din nagsalita si Max about sa tunay na nangyari. "Huwag ka mag-act na malinis. Isa ka sa mga taong sumisira sa buhay ni Max," ani ni Maxine na may nakakaloko na ngiti sa labi. "Ang babae na iyon binili lang siya ni Max sa auction. Walang background at sariling pangalan. Sa tingin mo karapat-dapat ang babae na iyon kay Max?" Napatigil si Winny after marinig iyon. Tiningnan ni Winny si Maxine at tinanong ano ibig sabihin nito. "Mukhang ginagamit ngayon ng kapatid ko ang babae na iyon para hindi ko na siya ilink sa ibang babae at pagselosin ka," ani ni Winny tapos pinaglaruan iyong can na naglalaman ng alak. "Hah! Ano sa tingin mo Winny? Sino ang babae na fit sa kapatid ko?" ani ni Maxine. Sinabi ni Maxine na gusto niya si Winny bukod sa maganda ito may maganda din na background at— "Manahimik ka." Pinutol ni Winny ang sinasabi ni Maxine. Madilim ang anyo nito sinabi na kahit ano sabihin ni Maxine hindi na siya susunod sa gusto mangyari ng babae. "If gusto ko bawiin si Max gagawin ko dahil gusto ko hindi dahil sa gusto mo. Walang may pake sa gusto at opinyon mo. Hindi tools si Max," ani ni Winny at tumalikod. Naglakad ang babae patungo sa garden. Sumalubong ang kilay ni Winny at napamura. "Hindi tools? Nagpapatawa ka ba? Hay naku Winny— akala ko kilala mo na si Max." Nag-cross leg si Winny at ngumisi. Sinabi na hindi niya tinirained si Max para sa wala. Hindi ang tipo ng kapatid niya ang gagawa ng desisyon para sa sarili niya. "Hindi mo pa siya kilala at wala ka alam. Mahirap gawing leon ang pusa katulad ng kung paano mahirap paliparing parang saranggola ang isang drone." Nawalan ng expression si Maxine. Kailangan niya malaman ngayon sino nasa likod ni Max dahil nakikita niya nagrerebelde ang kapatid niya. Meron tao sinasadya i-pull out ang kapatid niya sa pagkakahawak niya sa leeg nito. "Just let me find out who you are—I will ruin your life and you will regret covet the things that never in yours,"bored at malamig na sambit ni Maxine. Paisa-isa niya inisip kung sinu-sino ang madalas nakakaharap ng mga kapatid niya na si Max. "Imposible may alam na ang mga kaibigan ni Max. Hindi basta hihingi ng tulong si Max at ioopen up ang about sa kaniya sa ibang tao." "Sino?" Ibinuhos ni Maxine ang natitirang alak sa can sa nakalapag na cake na nasa table. "Sino ang umaagaw sa kapatid ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD