22

2170 Words
Chapter 22 Hindi maipinta ang mukha ni Maxine habang nakaupo sa backseat habang si Gabriela nasa passenger seat katabi si Max na nagda-drive. Papunta sila ngayon sa probinsya Bicol since nandoon ang Villa kung saan dati nakatira sina Max at malapit doon ang sementeryo kung saan nakalibing ang parents nila. Maya-may may puting sasakyan ang pumantay sa kotse nina Max at binaba ang bintana. Napatingin si Max. "Oh my god si Gemma!" Napatili si Gabriela after makita sa backseat si Gemma kasama si Lumina. "Sis Gabby!" Agad na tinabi ni Max ang sasakyan. Kumunot ang noo ni Maxine dahil doon. Bumaba si Gabriela ng sasakyan at sinalubong si Gemma na agad bumaba din sa sasakyan. "Sis Gabby!" Tinalunan ni Gemma si Gabriela na tumawa after makita si Gemma. "Oh my god! Ano ginagawa niyo dito?" natutuwa na sambit ni Gabriela ay lumuhod. Niyakap ni Gabriela si Gemma na bakas sa mukha ang pag-aalala. "Pumunta kami sa mansion niyo kanina tapos nalaman namin na papunta kayo sa Villa. Niyayaka ko si kuya pumunta dito tapos kasama si sis Lumina!" Napakamot sa ulo si Garan at tiningnan si Max. Lumapit si Max kay Garan at tinanong kung nababaliw na ito. "Nag-insist si Gemma pumunta. Kagagaling lang niya sa hospital at binilin ng doctor na hindi siya pwede ma-stress." Bumaba si Maxine sa sasakyan sinabi na hindi bakasyon pinunta nila doon. "But every year pumupunta kami dito para samahan si mr Lambordi." Makahulugan na tiningnan ni Maxine si Max. Ayaw ni Maxine na nandoon sina Garan. Hindi nito tinatago ang pagkadisgusto. Napatigil sina Max after may dumating na isa pa na sasakyan. Pumarada ito sa likod ng sasakyan nina Max and bumaba sina Winny at Aslan. "Bakit hindi mo naman tinawagan ang buong barkada? Buti naka-save sa calendar ko ang— ow." Nag-act si Aslan na nagulat after makita si Maxine. Sinabi ni Maxine na nandoon na siya hindi na sila kailangan ni Max. Bumaba din sa van si Anais kasama ang asawa nito na si Peri. Napatigil si Maxine after makita ang babae. "Ano sabi mo?" tanong ni Anais at tinaasan ng kilay si Maxine. "Natural lang na pumunta kami dito para makiramay. For your information ilang years na namin ito ginagawa. Ngayon ka lang dumalaw kasama si mr Lambordi. Hindi death anniversary ng dad mo ang pinunta namin dito kung hindi iyong mom ni mr Lambordi. So? Back off Maxine." Ngumiti ng matamis si Anais Bailey Madrigal- Nicastro. Pinsan ni Anais sa ina si Maxine at talagang malaki ang takot ni Maxine kay Anais kaya naman hindi na nakapagsalita pa si Maxine. Pumasok ito sa sasakyan at binalibag ang pinto. Nanlaki ang mata ni Gabriela after makita si Anais— kilala niya lang ito sa pangalan dahil 'nong pumunta siya sa club nasabi nga ni Peri na may ari ng jewelry shop ang asawa niya at marunong ito gumawa ng mga accessories. Cool na lumapit ang babae at inabot ang kamay niya kay Gabriela. "Anais, Peri's wife." Agad na inabot iyon ni Gabriela at bahagya ngumiti. "Gabriela," ani ni Gabriela. Hindi maiwasan ni Gabriela ma-intimidate like— hindi dahil sa malaki itong babae kung hindi may something sa babae na talagang hindi mo nanaisin mapunta sa bad side nito. "Kasama niyo si Jun at Sebastian?" tanong ni Max. Tinuro ni Peri ang likuran kung nasaan ang sasakyan sinabi na natutulog iyong dalawa. Napagpasyahan nila na bumiyahe na ulit dahil gagabihin sila. Napangiti si Gabriela 'nong sumakay si Max na may kaunti na ngiti sa labi. Sa isip ni Gabriela nakahanap si Max ng mabubuting kaibigan. Sinadya ni Max hindi kontakin ang mga barkada niya dahil kay Maxine but hindi nito inaasahan na may makakaalala ng exact date ng death anniversary ng mom niya tapos bumiyahe mga ito dahil alam ng mga ito kung saan sila pupunta. "So? Every year sinasama mo ang mga taong iyon sa Villa? Ano ginagawa niyo napaparty?" ani ni Maxine na may nakakaloko na ngiti. "Hindi ko sinabi sa kanila sumama sa akin taun-taon umuwi para sa death anniversary ni mom. Ginagawa na nila iyon yearly para samahan ako," ani ni Max. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Gabriela ang gigil ni Maxine. Palihim na napangisi si Gabriela. Actually, before sila umalis kinontak niya si Garan at sinabihan ito sumunod incase na may gawin si Maxine para ilayo siya kay Max. Kung hindi kasi nito malalapitan si Max dahil sa kaniya sigurado si Gabriela lalapitan nito. Kahit ano mangyari hindi niya pwede hayaan mapag-isa si Max kasama si Maxine. Ngayon sa dami nila 100% sure na siya ang lalapitan ni Maxine at safe si Max. Iyon ang gusto niya at malaya niya magagawa mga plano niya. Noong makarating sila sa villa agad na namangha si Gabriela sa ganda ng lugar. As in malaki ang villa, may napakalaking garden tapos maganda ang tanawin. May ilang caretaker doon na agad sila binati after sila makita. Kinuha din ng mga ito ang mga gamit nila sa sasakyan. "Malaki ang mansion but ilan lang ang mga kwarto na magagamit. Ayos lang ba ilan sa inyo mag-share ng kwarto since mas madami tayo ngayon?" tanong ni Max habang papasok sila sa mansion. "Ilan ang room na available?" tanong ni Winny na may pagtatakha sa mukha. Sumagot si Max ng apat. Kasama na doon ang room niya at room ni Maxine. Second floor lang ang may maayos na mga kwarto, kama at tulugan. Sinabi ni Winny na ayos lang sa kanila magsama-sama ng girls sa iisang room. "Walang bago sama-sama naman kami sa iisang kwarto kapag nandito kami," ani ni Sebastian tapos inakbayan si Jun at Peri. "Ayos lang sa inyo girls?" tanong ni Max at tiningnan sina Anais. "Walang problema," sagot ni Winny at bahagya ngumiti. Napahawak sa ibaba ng lani si Gabriela habang nakatingin kina Winny. Gusto niya sumama at makipag-friends. Yumuko si Max tapos nialpit ang bibig sa tenga ni Gabriela. "It's okay na sumama ka sa girls mamaya," ani ni Max. Napatigil si Gabriela at tiningnan si Max. Pinaglaruan ni Gabriela ang mga daliri at tinanong si Max kung seryoso ito. "Yeah, nandito mga loko sigurado may inuman mangyayari mamaya," ani ni Max tapos tinuro mga barkada niya sa likuran niya. Bahagya lumiwanag ang mukha ni Gabriela at nag-thank you. "Sis Gabby! Tingnan mo may binigay sa akin si ninang Bailey na bracelet!" Agad na lumapit si Gabriela sa mga babae. Paunti-unti nawala ang ngiti ni Max. Hindi alam ni Max kung kailan pa siya naging sensitive sa mood ni Gabriela at instinctively na mabasa ito. Napakamot sa ulo si Max. Natatawa na inakbayan ni Aslan si Max at tinanong kung ito ba talaga si Max na kilala niya. "Tama ba narinig ko. Hahayaan mo matulog si Gabriela sa ibang room?" Siniko ni Max si Aslan sinabi na huwag ito mag-overthink masyado. Dinispatsa niya lang sandali si Gabriela dahil siguradong kukulitin siya ng mga barkada makipag-inuman. Ayaw niya iwan si Gabriela unattended sa room nila mag-isa. Sa kabilang bahagi ng living room ay madilim ang anyo na nakatitig si Maxine sa mga kaibigan ni Max lalo na kay Gabriela na tumatawa kasama sina Winny. Bahagya napangisi si Maxine after may maalala may alas pa siya at tamang-tama ang pagkakataon na iyon. Pinako ni Maxine ang tingin kay Winny na palingon-lingon sa side ng mga lalaki kung nasaan sina Max. "Nag-grocery kami bago bumiyahe," ani ni Garan. Napamura kasi si Max after maalala na hindi sila nakadala ng makakain. Masyado malayo ang lugar na iyon sa city. "Yes kami din," ani ni Peri tapos tinuro ang sarili. Muntikan din nila makalimutan kanina kung hindi pinaalala ng asawa. "Kami na ng girls magluluto para sa atin lahat," ani ni Winny. Nagtatalon si Gemma at tinaas ang kamay sinabi na he-help din siya. "Meron sa inyo marunong magluto?" tanong ni Sebastian tapos tiningnan ang mga babae. Personal maid si Lumina at hindi pinapahawak ng kusina. No idea sila. Mahabahg katahimikan nangyari sa living room. Nagkatinginan ang mga babae. "Tayo na magluto. Marunong ako," ani ni Peri na tumatawa tapos siniko si Sebastian. Pagluluto din business ni Jun kaya marunong din ito magluto. Lumingon si Pero kay Sebastian tinanong kung may kaunti ito alam sa pagluluto. "Mamatay ako sa gutom kung hindi ako matututo magluto dude," ani ni Sebastian na sinapo ang noo. Napatingin si Jun at bigla humagalpak ng tawa. "So? Ikaw nga nagluluto sa inyo?" tanong ni Jun. Nagtataka sila tiningnan ni Aslan tinanong kung ano meron. "Nasiraan ng ulo mom ko. Last year pinatira niya ako sa apartment ni Beryl para tigilan ko daw mga bisyo ko at pambabae tapos ang babae na iyon ginawa ako alila." Bahagya lumingon si Winny kay Anais at tinanong sino si Beryl. "Kakambal ni Peri at fiancee ni mr Volkov. Makikilala niyo after two or three days mukhang nasa business trip siya kaya wala dito ngayon." "Nagpaalila ka naman?" tanong ni Jun na tumatawa. Napa-pokerface si Sebastian sinabi na walang nakakatawa. "Last na hindi ko siya sinunod pinadala niya sa mga tauhan niya iyong mga sasakyan ko sa auction pati na din mga collection ko." Nagtataka si Peri. Iyong mga collection kasi ni Sebastian at mga kotse nito nakita niya sa basement ng main house nila. Narinig niya din pinagagalitan ng mom niya si Beryl about doon. Napatigil si Winny 'nong may narinig siya na huni ng ahas. Naghilakbot ang babae 'nong paglingon niya may nakita nga siya na ahas. Hindi nakasigaw ang babae dahil sa takot. Gumagapang ito palapit sa kaniya bago pa siya makasigaw may dumampot ng ahas at hinawakan ito sa ulo. "Anong ginagawa ng ahas dito?" "Gabby!" sigaw ni Max. Nakita niya may hawak na ahas si Gabriela. Noong lalapit siya sinabi ni Gabriela na huwag lalapit. Ayos lang siya. "Parang dami ko nakita caretaker kanina. Hindi ba nila nililinisan itong mansion?" tanong ni Gabriela. Napangiwi ang mga lalaki. "Pakilabas na iyang ahas. Hindi mo kailangan iwagayway pa iyan sa harap namin,"ani ni Jun. Kinilabutan siya bigla. Anyway malaki takot ni Jun sa mga ahas at mga gumagapang. "Mukhang masarap din ito ulam. What do you think?" tanong ni Gabriela at tiningnan master niya na napangiwi. "Gabby madami tayo pagkain. Huwag mo paginteresan iyang ahas," saway ni Max sa babae. So? Ayon ang boys ang nagprepare ng pagkain nila habang iyong girls nagpresinta na aayusin ang tulugan nila kasama iyong kwarto ng boys. "Teka Lambordi. Nipisan mo pa paghiwa sa carrot," ani ni Jun after makita na malalaki ang hiwa ni Max sa carrot. Napasigaw si Sebastian 'nong masipit siya ng nililinisan niya na crab. "Pukpukin mo muna kasi," ani ni Aslan at hahampasin ito ng hawak na mangkok nang pigilan siya ni Jun. "Hindi mo sila kailangan kuskusin Sebastian," ani ni Jun na sapo ang noo. Kalaunan sa room ng girls. Tinaas ni Gabriela ang kurtina ng kwarto at sumilip sa mga taas. Tinitingnan kung may cctv or may something na nasa loob ng kwarto. "Masyado maliit ang kama. How about sa sahig na lang tayo matulog. Kumuha na lang tayo madami comforter,"ani ni Winny. Napalingon si Gabriela. Nakita niya si Winny na hinihila iyong comforter sa kama. Babae si Gabriela pero hindi niya maiwasan matulala kay Winny kapag nakikita niya ito like may maganda ito mukha tapos kutis. Napakaamo din nito at talagang imposible hindi mo siya mai-compare sa isang anghel. Bigla siya na-insecure like— ito iyong first love ni Max. Walang-wala siya sa ganda ng babae. Hinawakan ni Max ang pisngi tapos isang tiningnan ang kamay. "Gabby?" Napatigil si Gabriela at napatingin sa pinto 'nong bumukas iyon. Pumasok si Max at diretso siya pinuntahan. "Kanina pa kita hinahanap. Pakitago itong phone at bag ko. Niloloko ako nina Chen," ani ni Max tapos may inabot sa kaniya na bag. "Oy Lambordi! Nasaan ka na? Hindi pa tayo tapos magluto!" Rinig na rinig doon ang boses ni Sebastian. Napa-pokerface si Max sinabi na ayaw niya talaga sa mga kaibigan niya. "Alis na ako." Nagulat pa si Gabriela 'nong halikan siya ni Max sa labi. As in malalim iyon at puno ng pagkasabik. Noong maghiwalay ang labi nila ngumisi si Max tapos tumakbo palabas ng kwarto. Napanganga si Gabriela. Bigla siya nahiya at tiningnan sina Anais. Nakatakip naman ang kamay ni Lumina sa mga mata ni Gemma. "I'm curious, paano kayo nagkakilala ni Max? May balak na ba kayo magpakasal?" tanong ni Winny. Napatigil si Gabriela at naitikom ang mga labi. Wala silang label paano pa kaya iyong kasal. Bakit curious si Winny? Hindi niya maiwasan mag-overthink. "Naging fiancee niya ako ng ilang taon at na-engange once but— hindi niya pa ako hinalikan sa labi." Awkward na ngumiti si Gabriela sinabi na siguro masyado lang sincere si Max sa feelings niya 'nong sila pa ni Winny. "Sa tingin mo?" tanong ni Winny na natatawa. Hindi alam ni Gabriela kung dahil napaka- ridiculous ng sinabi niya or naappreciate iyon ni Winny. Bigla niya gusto tanungin kung may feelings pa ba si Winny kay Max. Kung meron? Ano gagawin niya? Tiningnan ni Gabriela si Winny. Wala siyang laban sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD