"Why would I not include you in this meeting, Georgina?" sabi ni Kate sa kaniya kapagkuwan ay ngumiti. "You're not an enemy so why not?"
Saglit akong tumingin kay Georgina. I can see that she's still pissed and it kinds of irritating me.
Hindi ko malaman kung bakit kakaiba umakto si Georgina kahit na isa siyang Valerious. Kahit umpisa pa lang ay hindi ko alam kung bakit gusto niyang nakikipaglaro, magmanipula ng mga kapwa niya bampira maging kaming mga kamag-anak niya ay hindi niya pinalampas sa pagmamanipula na ginawa niya.
"So let's start, shall we?" sabi ni Kate, patuloy pa rin na nakangiti bago siya huminga ng malalalim at tumingin sa akin.
"Alexander, what is that mortal woman's smell doing in you?" Kate asked which really startled me.
A smell is given to me by the mortal women? I have no f*****g idea what they are talking about.
"I don't---"
"Don't try and lie to the Queen, Alexander. Even I can smell something on you," seryosong sabi ni Georgina kung kaya't napalunok na lang ako.
Fuck! Does it because of the slap that woman gave to me? Damn it! Telling the Queen and Georgina that a crazy mortal woman slapped me is embarrassing and insulting. s**t! This is really embarrassing.
Sana lang ay hindi dumaldal si Georgina kanila Brian at Nathan dahil panigurado ay pagtatawanan ako ng mga iyon. Lalong-lalo na rin si Kyle dahil sigurado ako na sa oras na malaman niyang nasampal ako ng isang babae, buong buhay na niya iyong ipang-aasar sa akin.
"F-fine, that mortal woman Sheena Dawson actually stalked to the parking lot where you saw me, Kate. Of course, I know that it's because I'm handsome but I also do know that co-mingling with mortals is a bad thing to do that's why I said things so that she will go away but in the end, she didn't."
"Then what she did do to leave a smell that strong to you, Alexander? Tahimik man kaming lahat kanina pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi namin naaamoy mula sa iyo ang malakas na amoy na iniwan sa iyo ng mortal na iyon. Isa lang siyang mortal para mag-iwan ng ganiyang kalakas na amoy sa iyo," sabi ni Georgina na ikinagulantang ko naman.
A smell that strong? But why? I mean, I can't even smell anything other than Georgina's strong perfume.
"I f*****g swear Kate, I don't know why..." Napailing-iling ako habang naguguluhan dahil sa sinabi ni Georgina. "Hindi ko alam kung bakit malakas ang amoy ng babaeng iyon na nakadikit sa akin. Ni hindi ko nga alam ang amoy na tinutukoy ninyong dalawa," sabi ko na ikinakunot ng noo ni Kate.
"Wait, are you saying that you can't smell her?" naguguluhang tanong ni Kate bago siya tumingin kay Georgina.
"Georgina, wala ka bang nakikitang mangyayari tungkol dito? I want to make sure that Sheena Dawson isn't connected with something?" nakakunot ang noo na sabi ni Kate kung kaya't napatingin naman ako kay Georgina na ngayon ay nakapikit.
"Hmm..." Georgina continues to hum while her eyes are closed and both of her hands are tapping on the conference table. "Nope, nothing," sabi ni Georgina kasabay ng saglit niyang pagpalakpak habang nakangiti ng malapad.
I don't like this. I don't know why Georgina is acting all proud whenever she's being asked for help. I also don't want her to tick Kate's patience or I don't know what's going to happen when the Queen lets Georgina have a taste of her medicine.
"Are you sure, Georgina? Wala kang nakita, or anything?" tanong ko bilang paninigurado.
"Yeah," Georgina said with a smile. "Absolutely nothing," sabi niya kung kaya't napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos ay napahilot sa aking sintindo.
"No, nothing, huh?" tanging nasabi ni Kate bago tumatango. "But still, that Sheena Dawson's strong smell is still in question because that is the first time a mortal woman had a strong smell and you can't even smell it. There's must be some reason," sabi niya bago nag-angat ng tingin sa akin.
"Alexander, tanggapin mo ang babaeng iyon sa kompanya mo. I want you to continue watching, know what she's doing. Visit her in her place after work if possible. I want you to keep in touch with us also so that we will know what you just know," sabi ni Kate na muli ko na lang ikinabuntong-hininga.
"Fine," tanging nasabi ko bago tumingin kay Kate. "Am I still needed here?" tanong ko dahil gusto ko nang umalis.
I'm already okay that Kate didn't ask the whole detail on why I got the smell because it will be really embarrassing on my part. Getting slapped is already the worse but being slapped by a crazy b***h is the worst.
"Not anymore, Alexander," sabi ni Kate kung kaya't tumango na lang ako bilang sagot.
Tahimik akong umalis mula sa aking kinauupuan bago naglakad palabas ng conference room.
Something is really off and I want to know what it is.
SHEENA'S POV
It's already afternoon when I'm done removing the boxes. Punong-puno ako ng pawis habang saglit akong nagpapahinga sa sofa.
Salamat naman at natapos ko na ang pag-aayos sa panibago kong bahay. I mean, marami pa akong gustong gawin pero dahan-dahan ko pa na magagawa iyon sa oras na sumahod na ako sa panibago kong papasukan.
Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos ay napapaypay sa aking sarili dahil sa hindi pa ako nakakabili ng panibagong electric fan para sa living room.
"Hay, ang init!" tanging nasabi ko nang bigla kong makita ang malaking bintana na nakapuwesto lang sa likod ng sofa kung saan ko ito ipinuwesto.
Napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo. Itinukod ko ang aking kaliwang binti bago inabot ang lift upang buksan ang magkabilang bahagi ng bintana.
Nang tuluyan kong mabuksan ang bintana, agad akong bumalik sa pagkakasalampak sa sofa habang nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok na ngayon sa living room.
Good thing at nakahanap ako ng marerentahan at nakapuwesto pa sa mataas na lugar. Puwede na rin akong makatipid sa kuryente dahil puwede ko rin naman buksan na lang ang bintana tuwing gabi.
Sigurado rin naman ako na hindi ako mapapasukan ng masasamang-loob dahik bukod sa may grilles ang bintana na nakapuwesto rito sa living room, mayro'n rin itong aluminum screen kung kaya naman palagay ako na hindi ako malolooban ng bahay.
"And now, all I need is a job," sabi ko bago napatingin sa wall clock.
Alas-dose pa rin naman ng hapon kung kaya't naisipan ko na lang muna na magpahinga. It's already three-thirty six in the afternoon when I woke up.
Dahan-dahan akong bumangon kapagkuwan ay naglakad papalapit sa kusina kung saan nakalagay ang mini refridgerator na nabili ilang buwan lang ang nakalipas habang nagtatrabaho pa ako.
Agad kong binuksan iyon nang maabutan ko ang handle kapagkuwan ay kinuha ang isang bottled water bago muling isinarado ang mini refrigerator.
Habang hawak ang malamig na bottled water sa aking kamay, tahimik akong pumunta sa aking kuwarto at dumiretso sa lamesa kung saan nakapatong ang laptop ko na magwa-one year na rin since binili ko.
Agad akong umupo sa harap ng aking laptop pero bago ko binuksan ang aking laptop, uminom muna ako ng malamig na tubig. After quenching my thirst, I put down the bottled water before opening my laptop and powering it on.
Pagkatapos mabuksan ng aking laptop, agad kong itinipa ang password ng aking laptop. Ilang segundo lang akong naghintay bago tuluyang nagbukas ang aking laptop. Mabilis akong dumiretso sa Google bago hinanap ang mga article na tungkol sa Valex Corporation.
"No pictures of CEO, no anything, just a bunch of compliments from the media for being one of the best companies." Napabuntong-hininga na lang ako habang patuloy na naghahanap ng impormasyon tungkol sa Valex Corporation.
"What's with this corporation?" tanging nasabi ko pagkatapos ng isang oras na paghahanap ko ng impormasyon.
Nagpatuloy ako sa pag-scroll hanggang sa napagdesisyunan ko na lang na sumuko. "Ang misteryoso naman ng kompanyang ito. Puros compliment ang nakikita ko," sabi ko bago sinarado ang tab na tungkol sa Valex Corporation at nagbukas ng panibagong tab.
Gusto ko sanang pumasok sa Valex Corporation pero hindi ko kayang makampante dahil lang sa may magandang sinabi iyong Julia Vasquez na iyon tungkol sa kompanya. Paano kung hindi naman pala totoo ang mga pinagsasabi niya sa akin, hindi ba? Edi nakapasok na naman ako sa kompanya na hindi maganda kagaya lang ng inalisan ko.
Naka-ready na rin naman na ang ibang requirements ko sa oras na mag-apply pero ang pag-applyan na lang kompanya ang hindi ko pa nahahanap. I mean, kahit na wala akong masyadong nakuhang impormasyon tungkol sa Valex Corporation, hindi pa rin naman ito naka-cross out sa listahan ko ng papasukan na kompanya.
"Anyways, maghahanap na lang ako ng iba muna kompanya," bulong ko sa hangin bago nagsimula na magtipa sa aking laptop.
Ilang oras muli ang aking iginugol hanggang sa umabot na ng alas-singko. Napagtagumpayan ko naman na makahanap ng mga kompanya na nagha-hiring kaso hindi siya pasok sa sahod na gusto ko sanang natatanggap since I'm experienced at may mataas rin na credentials though dahil sa naghihirap ako makahanap ng kompanyang papasukan, hindi muna ako puwedeng mag-inarte kung kaya't napagdesisyon ko na lang na isama pa rin sa listahan ko ang ilang kompanya na hindi mababa ang pasahod sa usual na dapat sahod ko.
At end, nakapaglista ako ng limang kompanya na option kung puntahan bukas. Sa limang kompanya na nakalista sa Note ng aking cell phone, kasali na ang Valex Corporation na nakalagay sa number one though hindi muna ito ang uunahin ko na puntahan bukas.
Napabuntong-hininga na lang ako kasabay ng pagpatay ko sa aking laptop at pagsirado nito. Ngayon naman na tapos na ako sa paghahanap ng kompanya na susubukan kong puntahan bukas, ang problema ko naman ngayon ay ang pera na pagkakasyahin ko pa ng ilang araw. I mean sakto pa naman ito at confident ako na mapagkakasya ko pa ito ng isang week dahil minsan ko na rin ginawa na magtipid noon kaso kinakabahan ako.
Nag-take risk din kasi ako na magmadaling lumipat pagkatapos kong mapag-alaman na may interes sa akin si Sir Ely lalong lalo na nang bigla na lang itong lumitaw sa dati kung apartment na punong-puno pawis ang suot niyang damit.
Tandang-tanda ko pa kung gaano siya kaputla noon. Kung totoosin rin ay dapat balak ko siyang tulungan pero noong nagsimula siyang umakto ng kakaiba, mabilis akong tumakbo noon sa banyo at tinawag ang ama ni Sir Ely para sabihin na ang anak niya ay bigla na lang dumating sa bahay ko na hindi rin maganda ang pakiramdam.
"Sheena, please. Help me. Nauuhaw ako," rinig kong sabi ni Sir Ely mula sa labas ng banyo kung nasaan ako.
"s**t!"
Ewan ko pa pero para akong kinikilabutan sa inaakto ni Sir Ely. Hindi ko makalimutan ang tingin niya sa akin. Para bang gutom na gutom siya kung tumitig kaya himbis na tulungan siya mula sa pagkakasalampak sa sahig matapos ko siyang pagbuksan ng pinto, mabilis ko lang na lang hinablot ang cell phone ko noon kapagkuwan ay tumakbo papasok ng banyo.
Ilang minuto rin ako naghantay noon sa loob ng banyo habang patuloy na kinakalampag ni Sir Ely ang pinto ng banyo ko noon hanggang sa marinig ko ang sirena ng mga pulis at ang boses ng totoo kong amo sa trabaho, si Sir Ecuador. Ang matandang may-ari ng conceirge company na pinapasukan ko noon.
Isa ito sa mga bagay na hindi alam ng mga kaibigan ko kahit na dapat ay hindi ako nagtatago ng kahit ano sa kanila. Pinili kong itago ang nangyari dahil kilala ko na rin sila Odessa at Tasha. Paniguradong pipilitin nilang magsampa ng kaso kahit hindi naman na kailangan dahil nag-sorry na rin naman na sa akin si Sir Ecuador sa ginawa ng anak niya though what happened made me up the whole night.
"Sheena, please. Just a bite!"
Mabilis akong napailing nang maalala kung ano ang isa sa mga sinabi noon ni Sir Ely habang kinukulong ko ang sarili ko noon sa banyo. Ewan ko ba pero kung ano man ang nangyari ng gabing iyon, nagbigay iyon ng kakaibang kilabot sa aking pagkatao.
Parang hindi normal na sakit ang mayro'n si Sir Ely ng mga oras na iyon.