It was already six-thirty when I decided to buy something to eat. Since mag-isa lang rin naman ako dito, nasanay ako na puros instant food ang kinakain ko tuwing dinner kasi kapag nasa trabaho naman ako ay sa cafeteria na ako bumibili ng matitinong pagkain kagaya ng pakbet with rice o kaya adobo with rice.
Pero dahil wala pa talaga akong sapat na budget, hahantayin ko na lang muna na makapasok sa trabaho bago mag-advance para na rin makabili ako ng groceries, kasama na roon ang isang box ng instant food at mga de lata na minsan ay babaon-baonin ko rin sa trabaho para makatipid.
Pagkatapos kong suotin ang napili kong damit, agad akong lumapit sa full-length kong salamin na nakatayo malapit sa bintana ng kuwarto ko. Napili kong magsuot ng malaking hoodie jacket at simpleng leggings na parang jeans dahil sa disenyo na mayro'n ito.
Nang masatisfy sa itsura ko, mabilis kong hinablot ang aking cellphone at susi ng apartment bago lumabas. Bago bumaba ng building, sinigurado ko rin na nakasirado ang bintana sa living room para iwas temptasyon na rin sa mga magnanakaw na puwedeng nakawan ang apartment ko.
Pagkatapos kong gawin ang lahat, mabilis akong naglakad pababa ng building. Since pagkauwi ko kasi kahapon, agad akong sinabihan ng land lady na sira ang nag-iisang elevator ng building kung kaya naman wala akong ibang choice kung hindi ang gamitin ang hagdan.
"Hays, ang hassle naman. Pagkababa ko nito, pawis na ako. Buwisit!" inis kong sabi habang patuloy na bumaba sa hagdan.
Kaya nga ako nag-hoodie dahil siyempre, hindi ko pa rin naman nakakalimutan iyong damuhong Alexander Valerious na iyon. I mean, maybe. Maybe, hindi niya nga ako hinahanap dahil lumipas na halos ang buong araw ay wala naman kakaiba na kumatok sa apartment kanina pero hindi na masama ang nag-iingat lang dahil paano kung hinahanap rin ako ng damuhong iyon tapos hindi man lang ako nag-iingat na itago ang pagmumukha ko tuwing nasa labas ako, edi mabilis na niya akong natunton ng damuhong iyon.
"Pero nakakainis talaga!" asar kong sabi sa aking sarili habang nararamdaman na ang simulan ng pag-gapang ng pagod sa aking tuhod.
Kung bakit naman kasi nasira pa ang nag-iisang elevator dito sa apartment. Wala na sanang problema sa akin na nasa mataas na floor ang apartment ko dahil ang akala ko rin ay walang magiging problema sa elevator dito pero iyon pala ay mayro'n pa rin.
Palagay ko ay inabot din ako ilang minuto bago 'ko naabot ang pinakababang floor ng building. Napasandal na lang ako sa pader para magpahinga ng ilang minuto. Ramdam ko na rin ang pawis na namuo sa aking tiyan pero hindi ko iyon pinansin bagkus ay isinuot ko ang hoodie sa aking ulo bago tuluyang lumabas sa building.
Since malapit lang convenience store sa apartment kung saan ako nakatira, naglakad na lang ako papunta roon. Sa palagay ko ay dalawang minuto lang rin ang lumipas bago ako nakarating sa convenience store.
Nang makapasok ako sa convenience store, diretsong lumapit hygiene section para makabili ng ilang section ng sampo at dalawang sabon para sa panglaba ko ng damit at pangligo ko naman sa aking katawan. Pagkatapos kong makuha ang mga kailangan ko, dumiretso ako sa kabilang section para makita kung nasaan nakalagay ang mga noodles.
Mabilis naman akong napangiti nang makakita ng magkakapatong na cup noodles. Agad akong lumapit doon para kumuha ng lima pagkatapos ay dumiretso na ako sa counter para magbayad. Pagkatapos kong makapagbigay ng bayad, kinuha ko ang paper bag na ginamit upang ipagsama-sama ang lahat ng nabili ko.
"Thank you," nakangiti kong sabi bago mabilis na lumabas sa convenience store.
Pagkalabas ko ng convenience store, napakunot ako ng noo nang makita nang marinig ko ang malakas na pag-ring ng cell phone ko.
"Sino na naman kaya ang tumatawag sa akin?" bulong ko bago inilabas ang cell phone ko mula sa bulsa ng aking hoodie jacket.
Nang makita ko ang pangalan ni Odessa, nakakunot ang noo na sinagot ko ang kaniyang tawag. "Hello?"
"Inday, nag-transfer na kami ni Tasha sa bank account. Tig-five thousand kaming dalawa," sabi ni Odessa sa kabilang linya na ikinalaki ko naman ng mata.
"Anong sinabi mo?" Hindi ko mapigilang sigaw na agad ko rin naman pinagsisihan dahil sa naglingonan na mga tao sa akin.
"Gaga! Huwag ka na ma-shock, okay?" sabi ni Odessa sa kabilang linya bago siya natawa. "At huwag mo na rin kami bayaran, okay? Tulong namin iyan ni Tasha sa iyo," sabi niya na mabilis kong sinagot ng pag-iling kahit na hindi niya ako nakikita.
"Anong hindi 'ko babayaran?!" medyo inis kong sabi. "Ikaw ang gaga. Kahit ano pa sabihin niyong dalawa ni Tasha, magbabayad pa rin ako sa inyo, ano. Hindi kaya madali ang pera ngayon," sabi ko na muling tinawanan ni Odessa kabilang linya.
"Ano ka ba, Sheen? Huwag mong problemahin ang problema. Bumabalik naman iyan sa atin kaya huwag kang mag-alala. Hindi namin kami namomoblema ng bebe ko sa pera," sabi ni Odessa na ikinabuntong-hininga ko na lang.
"Still, magbabayad pa rin ako, Odessa. Hantayin niyo lang, please. Hindi mo ako mapipilit na hindi magbayad."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Odessa sa kabilang linya bago siya nagsalia. "Fine! Anyway, you have anything you need right?" tanong ni Odessa na mabilis ko naman ikinangiti.
"Of cou---"
"Huwag mo akong lokohin. Baka naman kakain ka na naman ng cup noodles, ha? Huwag mong tipirin ang sarili mo at kumain ka ng matino," tila inis niyang sabi.
"Don't worry." Oh, my god. Sorry. "Hindi ako kakain ng cup noodles para ngayong dinner," sabi ko habang nakakaramdam ng pagkakakonsensiya.
"Okay, good. Anyway, iyon lang. Mag-ingat ka diyan, ha? Call us if there's something weird happening there," sabi ni Odessa na sinagot ko naman ng pagngiti.
"Sige, bye," huli kong sinabi bago in-end ang tawag.
Mabilis lang akong nakarating sa building kung saan ako nakatira pero kagaya ng kung ano ang nangyari kanina, pawis na pawis ako nang makapasok sa aking unit. Tila nanggaling ako sa jogging dahil pagkatapos kong magpalit ng damit ay saka ko naramdaman kung gaano kabasa ang hoodie jacket ko ng pawis.
Hay nako. Dapat siguro sa susunod ay hindi na ako magsuot ng jacket. Kung bakit naman kasi nakalimutan ko na ang init pala sa Pilipinas.
Pagkatapos kong ilagay sa labahan ang basa kong hoodie jacket, dumiretso na ako sa kusina at nag-init ng tubig para ilagay sa cup noodle. Kumakalam na rin ang tiyan ko kung kaya't matapos na makapag-init ng tubig ay mabilis ko na iyon na inilagay sa cup noodle. Ilang minuto lang din ang hinantay ko bago tuluyang lumambot ang noodles at nakakain.
Pagkatapos kong kumain, muli akong nag-ayos sa kusina bago nagpalit ng damit na pangtulog. Alas-nuwebe na ng gabi nang makahiga na ako. Medyo inaantok na rin ako kung kaya't napagdesisyunan ko na lang na matulog ng maaga lalo na at iba't iba ang kompanya na pupuntahan ko bukas.
ALEXANDER'S POV
And now, I'm looking like a stalker.
Kung bakit naman kasi kailangan ko pa sumama sa pagbabantay sa babaeng mortal na sumampal sa akin.
"Bakit parang buong araw yata mukhang asar iyang si Alexander?" rinig kong tanong ni Theodore na ngayon lang pinayagan na makaalis sa kaharian.
"We don't know, Theo. All we know is that he is not handsome," rinig kong sagot ni Brian na dahilan para mabilis akong lumingon sa kaniya. "Because I am," dagdag niya na ikinaingos ko.
"Huwag kayo maniwala sa kaniya at baka lumaki na naman ang ulo niyan," pananaway ni Kyle na ikinangisi ko na lang bago muling tumingin kay Brian na napanguso dahil sa sinabi ni Kyle.
"Can you boys keep quiet?" inis na tanong ni Georgina habang nakatingin sa bintana kung saan nakikita namin lahat ang babaeng mortal na sumampal sa akin. "You dickheads will put us in danger if that mortal woman sees us spying on her!" mahina ngunit galit na sabi ni Georgina.
"Tch, ikaw kasi!" mahina ngunit sapat na para marinig namin lahat.
Napailing-iling na lang ako bago lumapit kay Georgina na seryosong nakatingin sa babaeng mortal na ngayon mahimbing na natutulog sa kuwarto nito.
"You look serious, feels like not the Georgina we know," sabi ko kapagkuwan ay napasilip kung gaano kataas ang building na katapat ng apartment kung saan nakatira ang babaeng mortal na pinapabantay sa amin ngayon ni Kate.
"Why do you care?" saad niya.
"I don't," sagot ko bago tumingin sa kaniya. "But why are you serious right now, seriously? You look different from the Georgina we know when you are serious like that," muli kong tanong kahit na alam kong kaiinisan niya iyon pero kabaligtaran ang nangyari.
Nanatiling tahimik si Georgina habang patuloy siyang nakatingin sa direksyon kung nasaan ang kuwarto ng babaeng mortal na ipinapabantay sa amin ni Kate. And now, she's not answering me? May kakaiba talaga kay Georgina simula nang huling meeting namin sa Blackwell Academy.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin sa mga nakikita kong pagbabago kay Georgina dahil ang Georgina na kilala namin lahat ay madaldal at punong-puno ng kayabangan.
"Fine, I will leave you alone," sabi ko kay Georgina na hindi man lang ako nilingon kung kaya't napailing-iling na lang ako bago lumayo at lumapit kay Theodore na ngayon ay nanatiling tahimik.
"How are things inside the kingdom, Theo?" agad kong tanong nang makalapit ako sa kaniya.
Bumuntong-hininga si Theo bago ako sinagot. "Boring but also the damn problem is also stressing me out. Some has been asking about what we are doing to stop those Unsound vampires from causing trouble that's why I needed to stay and postpone following Kate here."
Natawa na lang ako sa sagot niyang iyon. Sucks to be the king. Mabuti na lang at wala akong hangarin na maging hari lalong-lalo na ang maging hari ng kaharian namin mga bampira.
"Well, what about your kids? Are they okay being left alone?" tanong ko habang iniisip kung ano na kaya ang itsura nila Kurt, Trixie at Tristan.
"They're fine though they are still adjusting," sabi ni Theo na ikinakunot ko naman ng noo.
"Adjusting? Why?"
"Kakalipat lang nila sa Blackwell Academy pero sa kaharian sila umuuwi dahil doon na talaga kami nakatira," saad ni Theo na agad ko naman naintindihan.
"Well, they will get through it," sabi ko na tinango-tanguan naman ni Theo.
"Yeah, anyway," sabi ni Theodore bago lumingon sa direksyon kung saan ang kuwarto ng babaeng mortal na nagngangalang Sheena. "How long until Kate arrives here?"
"I don't know. She just said ordered us to come here and watch for that mortal woman."
"Wala na siyang ibang sinabi bukod doon?" tanong ni Theo na sinagot ko naman ng pag-iling.
Kung totoosin ay naguguluhan ako kung bakit kailangan pa namin lahat magbantay sa babaeng mortal na sumampal sa akin kung puwede naman na magkita-kita na lang uli kami sa conference room ng Blackwell Academy.
"Now, where's my wife? I miss her so much," sabi ni Theo na agad ko naman ikinangiwi.
Wow! Theo still misses Kate even though they are already husband and wife, plus kids. I don't get it. Kung bakit na umakto pa si Theo na hinahanap pa si Kate. Is that what love really does to us? Dahil kung oo, I don't think na gugustuhin ko talagang makahanap ng pag-ibig kagaya nila Theo at Dylan.
"Hello everyone," sabi ni Krizza na kakarating lang kasama si Kate na naglalakad sa likod niya.
"Sorry everyone, we're late," sabi naman ni Kate habang nakangiti at papalapit sa amin.
"Bakit naman ang tagal niyong dumating?" tanong ni Theodore na mabilis na lumapit kay Kate.
"Sorry na nga. Sinamahan ko lang kasi itong si Krizza na kumuha ng ilang dokumento at impormasyon tungkol kay Sheena Dawson. Inaalam namin kung anong klaseng mortal ang binabantayan niyo at base sa mga nakalap namin na impormasyon..."
Malawak ang ngiti ni Kate habang sinuyod niya kami ng tingin hanggang sa dumako ang tingin niya sa kuwarto ni Sheena na hanggang ngayon ay kasalukuyan pa rin mahimbing na natutulog.
"I don't think that Sheena Dawson is still someone dangerous everyone," sabi ni Krizza na ikinataas ko ng kilay.
How is that woman safe to be with? That crazy b***h just slapped me the other night for Pete's sake!