Chapter 16

2040 Words
Naiyukom ko na lang ang aking kamao habang pinipigilan ang sarili ko na magsalita dahil sa sinabi ni Krizza. I'm not going to be convinced that easily just because Kate and Krizza got the information that they needed for that woman, Sheena Dawson.  Hindi nila alam kung ano ang sinapit ko sa kamay ng baliw na babaeng iyon. They don't know how painful the slap that crazy ass b***h Sheena Dawson gave me at first hand. I mean, yes. I said that I'll let slide what she did because I thought that I will never that mortal woman too but it seems like fate is not on my side.  Kung bakit naman kasi ang babae pa na iyon ang dapat hingian ng tulong ni Kate noong mga oras na nandoon sila sa bar.  "Base on her records, she's clean. No criminal records. No nothing. She's an excellent student with high credentials. Mabait at hard-working siya na sekretarya," sabi ni Kyle habang tumatango-tango na tila kumbinsido.  "If that's the case, then she's not a part of our growing problems anymore, right?" tanong ni Cody.  "Yes. Great to know that she has no connection with us just like I did back then," nakangiting sabi ni Kate bago tumingin sa akin na agad ko naman ikinatigil mula sa kinatatayuan ko.  Shit, no. Don't tell me that Kate is still pushing me to accept that crazy woman in my company?  "Alexander, this is a favor," sabi ni Kate habang may malawak na ngiti na nakaguhit sa kaniyang mukha. "Please accept that mortal woman if ever she's going to apply in your company. She deserves everything great in life and she can only greater things in life once you help her." Damn it. Kapag ganito na humihingi na ng pabor ang reyna, wala sa amin nila Kyle, Cody, Brian, Nathan, Dylan at Theodore ang makatanggi. At dapat din na makaramdam ako ng pagkatuwa dahil ako ang pinili ni Kate na hingian ng pabor pero hindi ang isang pabor na ito.  Ano bang makukuha ko sa oras na hayaan ko na magtrabaho ang babaeng iyon sa kompanya ko? That crazy mortal woman slapped my face and I will never forgive her but f**k me for saying... "Fine with me." Damn it! I'm sure going to regret this. Ayaw ko rin talaga na malungkot si Kate dahil lang sa hindi ko tinanggap ang pabor niya. She's a great queen too so I don't want to let her down on whatever she wants me to do. "Thank you," sabi ni Kate bago tumingin sa aming lahat. "Anyway, are you all still up to go in the kingdom? Inang Reyna has been expecting all of your presence since Amang Hari's birthday is getting near." "Ilang araw na lang ba bago ang kaarawan ni Amang Hari?" nakakunot ang noo na tanong ni Nathan. "Limang araw na lang bago ang kaarawan ni Amang Hari," sagot ni Theodore bago hinapit si Kate palapit sa kaniya. "Isa rin sa mga rason kung bakit hindi ako makaalis sa kaharian ay dahil sa nalalapit na kaarawan ni Amang Hari. I need to be the one who organizes everything before Amang Hari's birthday comes." "Damn, man. Buti at hindi ka pa nagpatiwakal sa sobrang boring do'n sa kaharian," natatawang sabi ni Brian bago lumapit kay Theodore at tinapik-tapik ito sa balikat. "Maybe, you should start thinking twice, Kate. Theodore is starting to look old being the King," natatawang sabi ni Brian na ikinailing ko naman bago ipinasok ang aking magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng suot kong itim na slacks.  There he goes again. Hindi na natuto si Brian. Hindi ko alam kung bakit ipinanganak na babaero itong si Brian samantalang napakatinong bampira ni Tito Bill.  "Do you want to die, Brian? Sabihin mo lang para tapusin ko na ang buhay mo," sabi ni Theodore bago binatukan si Brian na mabilis naman nitong naiwasan.  Mahinang napatawa na lang ako habang pinapanood si Theodore at Brian na magkulitan. Hay. Nakakatuwa at walang pinagbago si Theodore kahit na isa na siyang hari. Natatandaan ko pa noong unang mga linggo na naupo na si Kate at Theodore sa puwesto. Pareho silang mukhang pagod at nag-aadjust pero sa nakikita ko naman ngayon nakakayanan na nilang dalawa ang mga trabaho nilang bilang hari at reyna ng isang kaharian.  Aminado ako noong una na may doubt ako na magbabago si Theodore at Kate. Na baka ang maging turing na lang nilang dalawa sa aming lahat ay magbago pero nakakatuwa at hindi sila nagbago. Kung umakto pa rin silang dalawa ay para bang isa pa rin kaming grupo at hindi mga utusan. Masaya ako na ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kaming lahat kahit na halos matalo kami mula nang huli namin na laban against sa mga Hearthstone clan.  "I'm sensing something everyone," biglang sabi ni Georgina kung kaya't mabilis kaming lumapit sa kaniya. "What is it, Georgina?" tanong ni Krizza habang lahat kami ay pare-parehong nakatingin sa iba't ibang direksyon.  "They are getting close. I sense four of them getting near us," sabi ni Georgina kung kaya't mas lalo kong tinalasan ang aking pakiramdam.  Hindi pa naman malalim ang gabi ngunit dahil sa walang kaulapan ang tumatakip sa buwan, halos lahat ng direksyon na lingonin namin ay malinaw naming nakikita dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan.  Lahat kami ay nanatiling tahimik habang ang malamig ngunit malakas na hangin dito sa pinakabubong ng building ay naglilikha ng kakaibang tunog kasabay ng paghampas nito sa amin.  Mabilis na nanlaki ang aking mata nang makarinig ng tila matalas na sipol sa hangin. Nang makaramdam ng kakaibang bagay sa aking likod, agad akong tumalon upang maiwasan ang pag-atake na iyon. Kasunod noon, naging tuloy-tuloy ang pagtunog ng kakaibang matalas na sipol na naririnig ko sa hangin. Nang makatapak ako sa isang poste ng ilaw, sunod kong nakita sila Theodore at Kate na tumalon sa kabilang building na malapit lang kung saan nakaposisyon ang poste na kinatatayuan ko.  Damn it. Are we being attacked? Why can't I see a damn thing? Dapat ay madali naming nakikita ang lahat dahil sa liwanag na dala ng buwan!  Nang mapatingin ako sa iba, agad kong nakita sila Brian at Nathan na kakalapag lang din sa building kung saan nakatira ang babaeng mortal na sumampal sa akin habang sila Georgina, Cody at Kyle ay nasa magkakaiba rin na poste.  Fuck! Nasa iba't iba na kaming direksyon pero kahit isang bagay man lang ay wala kaming makita kung ano ang tila sumusubok na umatake sa amin. Tumigil na rin ang tunog na naririnig ko kanina. Kung ano man ang naririnig kong matalas na tunog kanina, parang tila galing iyon sa isang espada na iwinawasiwas sa hangin.  "May nakikita ba kayo, Theo?" sabi ko bago lumingon sa direksyon ni Theodore na sinagot ako ng pag-iling.  Damn it! Where the f**k is the attacker? Nakikita ko sa mukha nilang lahat na maging sila ay naguguluhan. Senyales na wala sa amin ang nakakita ng umaatake sa amin.  Nang mapatingin ako kay Kate, agad akong sumeryoso. Mix anger and calmness is shown to the queen's face but I can also see that she is frustrated for not seeing the attacker just now.  "Leave..." Agad akong napamulagat nang makarinig ng boses mula sa aking likod. Mabilis akong lumingon para makita ang isang babae na may kakaibang anyo.  "Leave now..." mahina ngunit enough para marinig ko na sabi ng babaeng kaharap ko.  Mula sa suot nitong puting long sleeve blouse rocker top na may chain hanggang sa suot nitong puting rivet shorts, lahat ng kaniyang kasuotan may iisa lamang kulay. Puti na kasing-kulay ng niyebe. Kapansin-pansin rin ang maputi niyang kilay na tila ilang taon siyang nakababad sa niyebe para ang iba't ibang parte ng kaniyang katawan ay maging kulay puti.  Tingin ko ay nasa around twenties ang babaeng kaharap ko ngayon pero hindi ko mapigilang magdalawang-isip dahil sa kakaibang kutis nitong mala-porcelana. Wala rin itong emosyon habang nakatingin sa akin.  Tch! What's the deal with this woman? Kahit na walang emosyon ang kaniyang mukha, ramdam ko ang matindi niyang pagkadisgusto sa aming lahat na nandito.  Agad akong natigilan nang makita ko ang isang mahabang bagay na hawak ng babaeng sa kanang kamay nito. Isa iyong mahaba at malaking palakol. Ang haba ng palakol na iyon ay may katangkaran ng isang tao at kung titignan ay sigurado akong hindi iyon kakayaning dalhin ng isang normal na mortal kung kaya't hindi ko mapigilang magtaka.  The woman we are facing right now is petite. I doubt that she can lift all the weight it has but seeing her holding it makes me wonder. I can't sense that she's a vampire but the pale skin she has makes me think twice. Isa ba siyang bampira? Siya ba ang umaatake ilang segundo lang ang nakalipas? I don't know if I can believe that she's the one who is attacking us.  "Why do you want us to leave this place?" biglang tanong ni Kate na ngayon ay kakababa lang sa ere kasama si Theodore na seryosong nakatayo sa tabi ng kaniyang asawa. Pareho silang dalawa na pumuwesto sa  likod ng babaeng nakaharap sa akin ngayon kung kaya naman na nasa gitna na naming tatlo ngayon ang babaeng tila binudburan ng harina dahil sa kaputian nitong medyo kakaiba kaysa sa amin.  "Because you shouldn't be here," sabi niya habang nakatingin na para bang nanghahamon bago niya ako tinalikuran at hinarap si Kate at Theodore na parehong walang ekspresyon habang nakatingin sa kaniya. "In fact, you and all of your clan should never go in this place." "This place is not yours to forbid us from coming," sagot ni Theodore sa kaniya. "In fact, we don't even know who you are and why you are forbidding us from coming here." Ilang segundong nagkaroon ng katahimikan hanggang sa bigla na lang tumawa ang babaeng kaharap namin ngayon. Hindi ko alam pero hindi gusto ko ang klase ng pagkakatawa niya lalo na't para isa iyong pang-iinsulto kay Theodore at sa sinabi niya.  Mas lalo pang lumakas ang tawa niya na ikinakuyom ko ng aking kamao bago nagsalita. "You don't even the right to laugh that shamelessly in front of our king and queen, woman. So shut the f**k up!" inis kong sabi na ikinatigil niya sa pagtawa bago siya bahagyang lumingon sa direksyon ko.  Muli kong naiyukom ang aking kamao nang ngumiti siya nang pagkalapad. Magsasalita dapat ano nang mapansin ko si Kate na itinaas ang kanan niyang kamay para pigilan akong magsalita kung kaya't bumuntong-hininga na lang ako bago nagbaba ng tingin.  Damn it! "Oh, of course, you don't know anything about us, Theodore Valerious," biglang sabi ng malaki at malalim na boses ng isang lalake.  Nakakunot ang noo na lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Nang makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, agad akong natigilan hindi dahil sa kaanyuan niyang kagayang-kagaya ng babaeng kaharap namin ngayon.  "The m-motherfucker can fly?" mahina kong sabi habang pinapanood ang lalake na nakalutang sa ere.  Wait a minute. Are they someone who has the same abilities as Kate? Because Kate can fly too. We all saw her levitating in the air from the first battle that we had against the Hearthstone clan.  "What a shame, Helik. It seems like we are really forgotten," sabi ng lalake bago bumaba mula sa pagkakalutang at tumabi sa babaeng halos kaparehas niya sa kaanyuan.  Mula sa namumutla nilang balat hanggang sa kakaibang kasuotan. They look exactly like brother and sister but after landing near the woman, they hold hands as if they are a couple. "Don't worry, Lusio. We will make them remember," sabi ng babaeng nagngangalang Helik bago muling hinarap sila Kate at Theodore.  "But we did not came here to fig---" "Hindi kayo dumating dito para kalabanin kami ngunit umatake kayo at ngayon..." Seryosong tumingin si Kate sa kanila. "... pinagbabawalan niyo kaming tumapak sa lugar na ito. I wonder why..." "For once, you murderers. Let us do what we want to do," biglang sabi ni Lusio na ikinakunot ko naman ng noo.  Murderers?  How did we become murderers when it's our clan who's been trying to save all the mortals for so many years?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD