"Hmm, that's intriguing. Us? The Valerious as murderers?" seryosong sabi ni Kate.
Hindi ko alam kung bakit sinasabi nila na pumapatay kami. Our clan has been good to others to say that we are a family of murderers because honestly speaking, we are not. And if ever it's true that we are a family of murderers, I will hold the truth in my heart and make a change because I don't have a plan to be a called a murderer.
"We heard your story, Kate Merilia Vrey and now..." sabi ni Lusio bago tinuloy ang kaniyang sasabihin. "... you are one of the Valerious which is a shame because the clan you have sided are once killers. You should have sided with us," sabi ng lalakeng nagngangalang Lusio habang nakatingin sa akin at nakangisi na para bang nang-aasar.
Tch!
What the hell is he talking about? Wala akong matandaan na pumatay kami kagaya ng sinabi niya. Our family has been kind to everyone ever since even if some clans are trying to put us out in their way to overpower.
"I'm sorry but I'm not into a solicitor. Inatake niyo rin kami kung kaya't hindi ko gugustuhin na mapasama sa mga kagaya niyong umaatake habang kami ay nakatalikod," sabi ni Kate kung kaya't napangisi na lang ako.
Take that, motherfucker. Kate knows what's best for her.
"We don't need the chosen one on our side, Lusio. She's good as dead when everything ended," sabi ni Helik na bago inangat mula sa lupa ang hawak niyang malaking palakol na ikinalaki ko ng mata.
I'll be damned. She can f*****g lift the whole axe! What the heck!
"Well then, good luck," sabi ni Lusio bago pa inangat ni Helik ng mas mataas ang hawak niyang malaking palakol pagkatapos ay iwinasiwas iyon na para bang napakagaan lang niyon para sa kaniya.
Pareho kaming hindi nagsasalita habang pinapanood ang ginagawa ni Helik nang bigla niya na lang ipinuntirya sa amin ang kaniyang palakol. Kasabay nang patuloy niyang pag-wasiwas sa hawak niyang malaking palakol. Nang makita na tatama na sa aking direksyon ang palakol, agad kong ipinosisyon ang aking katawan bago tumalon ng patalikod. Habang nasa ere ay mabilis akong humanap ng malilipatan.
Nang makakita ako ng ridge, mabilis akong kumilos upang makalipat doon. Habang nasa ere ay muli ko rin na inikot ang aking katawan kasabay nang mabilis kong pagkapit sa ridge.
"f**k!" I said as I look down over my shoulders and saw how high I am from the top of the building.
Muli akong bumuntong-hininga bago muling tumalon upang tuluyang makalipat sa rooftop na medyo may kalayuan na mula sa building kung nasaan ang babaeng mortal.
Damn it! Kung isa siguro akong normal na mortal, baka sa mga oras na ito ay tuluyan pa rin akong nahihirapan na maka-akyat pero dahil sa isa akong bampira, kayang-kaya ko dalhin ang sarili ko.
Mabilis akong lumingon para makita sila Kate at Theodore na kagaya ko ay nakalipat din ng ibang puwesto para makaiwas sa atake ni Helik gamit ang malaki nitong palakol na ngayon ay bigla na lamang nawala kasama ang lalakeng nagngangalang Lusio.
Tch!
Getting out in here that fast only means that they are vampires. But the real question is why I can't felt that they are vampires. I mean, dapat umpisa pa lang ay mararamdaman ko na bampira sila pero wala akong naramdaman na gano'n kanina lalo na nang umaatake na ang babaeng nagngangalang Helik kanina.
"Damn, akala ko mapapalaban na tayo, eh," nakangising sabi ni Nathan na kakaakyat lang mula sa rooftop kung nasaan ako kasunod si Kyle at Cody sa kaniyang likod.
"We don't even know them, Nathan. Hindi tayo puwedeng magsimula ng laban na hindi kinikilala kung sino ang kinakalaban natin at kung ano ang kakayahan nila. Marami pa tayong hindi nalalaman sa kanila at isa na ro'n ang dahilan kung bakit ayaw nila tayong tumapak sa lugar na ito," sabi ni Cody kasabay ng pagdating ni Georgina kasama sila Krizza at Dylan.
"Tama si Cody," biglang sabi ni Theodore na lumitaw na lang sa gilid ko kasama si Kate. "Hindi puwedeng kalabanin natin sila na hindi natin nalalaman kung ano a/?ng pinagmumulan ng galit nila sa atin at base na rin sa maikli naming pag-uusap, may dahilan ang kanilang pagkamuhi."
Dahilan? Paulit-ulit nilang sinasabi na pumatay ang angkan naming mga Valerious. May isa rin silang sinabi na nakakuha ng atensyon ko. Sinabi ng lalakeng nagngangalang Lusio na sila ay kinalimutan.
"Georgina," biglang tawag ni Kate kay Georgina na ngayon ay tulala habang nakatingin sa building kung saan nakatira ang babaeng mortal na si Sheena Dawson.
What's with Georgina? Something is off with her and that is also making me suspicious of her.
"How did you know that they are coming? Naramdaman mo ba ang presensiya nila?" seryosong tanong ni Kate na ikinatingin ko naman kay Georgina na hanggang ngayon ay tahimik.
That's right. Come to think of it. It's Georgina who said that she felt their presence while I think that any of us never really felt their presence.
"Hindi ko naramdaman ang presensya nila," sagot ni Georgina na ikinataas ko ng kilay.
Hindi niya naramdaman ang presensya nila?
"But you clearly said earlier that you sensed them. You said you sensed the four of them coming," walang ekspresyon na tanong ni Krizza.
Right. Sinabi niyang apat ang naramdaman niyang darating pero dalawa lang ang nagpakita sa amin. Where the f**k is the other two?
"This isn't the best place to talk everyone," Georgina suddenly said with a grim expression. "Let's go to Blackwell Academy, and there, I will say everything," sagot ni Georgina na ikinabuntong-hininga ko naman.
Well... She has a point. Baka nandito pa sa paligid ang dalawang iyon at binabantayan lang kami.
"Okay, let's go," sabi ni Kate kasabay ng pagtalikod niya sa amin direksyon namin habang si Theodore ay tahimik na sumunod sa kaniya.
Tahimik na sumunod na lang din ako at kagaya nilang sumunod kay Kate at Theodore, tumalon kami mula sa rooftop kung saan kami nagtipon-tipon. Habang nasa ere ay agad kong ipinosisyon ang aking katawan para sa maayos na paglapag hanggang sa payapa akong nakalapag sa lupa.
"Sunod na lang ako sa inyo. Dala ko ang kotse ko," agad kong sabi na tinanguan naman nila Kyle at Brian kung kaya't mabilis akong dumiretso sa aking kotse at pumasok.
Another meeting with another problem. Natanggal man ang babaeng mortal na iyon sa isa sa mga pinoproblema namin, mabilis naman iyong napalitan ng panibagong problema.
"Damn it." Napailing-iling na lang ako bago pinaandar ang aking Maserati at pinatakbo iyon ng matulin papunta sa Blackwell Academy.
LUSIO'S POV
"Do you think it's right that we showed up in thereand let them know us?" tanong ni Helik na ikinabuntong-hininga ko naman bago siya hinapit papalapit sa akin at hinagkan sa noo.
"We will be fine, Helik. Nakalimutan na nila tayo kung kaya't kahit anong gawin nila, hindi nila malalaman ang tungkol sa atin," sabi ko bago siya muling hinagkan kapagkuwan ay hinawakan ang kaniyang kanang kamay habang pareho kaming naglalakad sa tahimik na hallway kung saan tahimik na naghahantay ang dalawa pa naming kasama.
"Akala namin napalaban na kayo," sabi ni Dakoda pagkatapos ay ngumisi habang nanonood sa amin na papalapit sa kanila.
"Yeah, me and my husband wouldn't want to miss the fun," sabi naman ni Zuzela na ikinahilamos ko na lang sa aking mukha hanggang sa tumigil kami sa harap nila.
"No, hindi namin sila kinalaban. The plan is plain and simple. We can't fight them until our princessa is awake," sabi ni Helik kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "But I still don't think that we did the right thing back there, Lusio."
"Why? Did they appear smarter than me?" mayabang na sabi ni Dakoda pagkatapos ay mas lalong ngumisi.
"Hindi pero..." napabuntong-hininga na lang ako habang naalala ang mga nangyari sa labas ilang minuto lang ang nakalipas.
The Valerious family appears to be powerful together especially that they have Kate Merilia Vrey, the chosen one and the said butterfly princess, the chosen one's cousin, Krizza.
Can we even fight them off?
Inatake lang namin sila kanina upang lumayo sila sa lugar na pinoprotektahan namin pero dahil rin sa ginawa namin, napatunayan ko na hindi magiging madali na kalabanin sila. But doing what we wanted to do for so long what drives me to push everything.
The Valerious clan are f*****g murderers. They do not deserve everything that they have now. Ni hindi sila at ang pamilya nila ang karapat-dapat na namumuno sa kaharian ng mga bampira dahil kung ano sila ngayon, malayong-malayo sa kung ano ang pamilya nila noon.
"What? Naduduwag ka na bang harapin ang mga Valerious ngayon?" natatawang tanong ni Zuzela kung kaya naman nag-angat ako ng tingin at ngumisi.
"There's no way in hell that I fear them now, Zuzela. You know I'm driven to kill the King." sagot ko kapagkuwan ay iniyukom ang aking kamao habang nakakaramdam ng panggigigil na pumatay.
Hell. I've been waiting to kill a Valerious. Wala akong pake kung malagay rin sa panganib ang buhay ko dahil hindi matutumbasan ang mga buhay na nawala sa angkan namin noon dahil sa pagiging makasarili ng mga Valerious. Killing one Valerious is not enough.
"But what are we going to do now? Those Valerious may be confused now, thinking who we are---"
"You don't need to think of that, Dakoda. The only thing we need to continue right now is protecting our only salvation once our war started with them," I said, cutting him off.
"Fine, fine. Anyway, I'm hungry. Should we return now?" biglang sabi ni Dakoda na ikinailing ko na lang.
"Patay-gutom ka talaga, ano?" pang-aasar ko sa kaniya na agad naman niyang ikinakunot ng noo kapagkuwan ay ngumisi na ikinangiti ko.
"Parang ikaw hindi malakas kumain," sabi niya na ikinailing ko.
"Okay, let's go b---"
"Magiging ligtas ba siya dito?" biglang tanong ni Helik na aking ikinaseryoso bago tinignan ang pinto kung saan nagbabantay si Zuzela at Dakoda habang kaharap naming dalawa ni Helik ang mga Valerious kanina.
"Our princessa is going to be safe here. They have no idea what we are protecting when we mentioned it to them earlier so I'm sure, it will take them ages to know what we are talking about so for now..."
Napangisi na lang ako bago nag-angat ng tingin sa kanilang tatlo. "Let's enjoy playing with the Valerious. This is how we must play and have fun until our princessa is ready," I said that they answered with wide grins and nods.
SHEENA'S POV
Shit! It's so hot.
Hindi ko mapigilang mapapaypay sa aking sarili habang hawak ang isang plastic cup na may lamang pang ilang piraso ng tokneneng. Agad akong tumabi sa isang gilid ng sidewalk dahil sa rami din ng tao ngayong mga oras na ito.
Alas-sais pa lang ay gising na ako upang maagang maghanda sa gagawin kong job hunting ngayong araw. Since pinadalhan na rin ako nila Odessa ng pera, napagdesisyunan ko na rin kanina na mag-withdraw muna ng two thousand para gamitin sa araw na ito.
Pinili ko rin na magsuot ng floral dress na umaabot hanggang sa ibaba ng aking tuhod kapagkuwan ay pinaresan lang iyon ng flat shoes na kulay itim.
Alas-diyes pa lang ngayon ng umaga ngunit malakas na ang init na dala ng araw. Ramdam ko rin ang pamumuo ng pawis ko sa aking mukha at leeg ngunit hindi ko iyon pinansin bagkus ay kumain na lang muna upang mawala ang nararamdaman kong panghihinayang.
Dalawang kompanya na kasi ang napuntahan ko at sa dalawang kompanya na iyon ay hindi rin ako nagtagal para mag-apply. Sa unang kompanya na pinuntahan, mabilis natapos ang hiring at ang ibig sabihin lang noon ay may nahanap nang sekretarya sa kompanya na iyon. Sa pangalawa namang kompanya na pinuntahan ko, mabilis din akong umalis dahil sa nakikita ko na parang kakaiba maningin ang mga lalake lalong-lalo na ang nag-aassist sa aming mga nag-apply kanina.
Doon pa lang ay mabilis na akong lumabas ng kompanya dahil hindi porket nahihirapan akong maghanap ng trabaho ay lulunukin kong magtrabaho sa lugar na iyon. Gusto ko ng ligtas at payapang environment kung kaya't kung ano man ang hindi nilalabas ng pangalawang kompanya na iyon sa publiko, hindi rin ako magsasalita mula do'n.