Chapter 18

2022 Words
And it's enough. Getting myself involve with someone dangerous is already enough. I mean, yes. I'm brave enough to go out but I rather choose to go out because honestly speaking, I really need a job. Kaya naman kahit may nakikita akong hindi maganda sa pangalawang kompanya na napuntahan ko, sapat nang may isa na akong nakabangga. Wala rin talagang magagawa ang mga kagaya ko na naghihirap pa lang sa buhay dahil ang isa sa nagpapaikot ng mundo ay ang pera, na wala ako.  Hindi rin puwedeng umuwi ako sa probinsiya kung nasaan ang mga magulang ko na wala man lang akong naipupundar dito. Hindi rin puwedeng lagi akong umaasa sa mga kaibigan ko kahit na sabihin nilang hindi ko dapat sila bayaran. Simula pa lang nang makaalis ako sa probinsya at nakalipat dito sa siyudad, nangako ako sa sarili ko na hindi ako aasa sa mga tulong na ibinibigay sa akin ng mga kaibigan ko.  Kailangan kong magtrabaho ng sobra dahil ayaw ko na rin magkaroon ng utang ng loob. Kung kaya't kahit na dapat ay iniiwasan kong lumabas dahil sa may nakabangga akong mga kriminal nakaraang gabi lang, mas pinili kong lumabas. Kahit pa nanganganib ang buhay ay susundin ko ang kung anong nasa plano ko.  Nang makita na mag alas-onse na, agad kong kinuha ang stick mula sa plastic cup na hawak ko kapagkuwan ay tinuhog ang natitirang tokneneng at mabilis na kinain iyon. Matapos malulon ang huling piraso ng binili kong tokneneng, agad akong bumunot sa aking bulsa ng bente kapagkuwan ay lumapit sa isang stand na nagbebenta ng inumin.  "Iyong coke mismo nga po, ate," turo ko sa isa sa mga binebentang inumin na agad namang kinuha ng nagbebenta sa isang cool box kapagkuwan ay inabot sa akin ang napili ko na inumin na may kalamigan habang may tumutulo pang tubig mula sa pagkakababad sa cool box.  Matapos akong suklian ng nagbebenta, agad akong tumalikod habang binubuksan ang coke na hawak ko. Agad akong uminom mula sa bote ng cook na hawak ko habang patuloy na nararamdaman ang init na galing sa araw. Patuloy akong uminom ng coke hanggang sa makahalati ko na ang laman no'n.  Gosh! Ang sarap talaga uminom ng malamig lalong-lalo na kapag coke ang iniinom.  "Sheena!"  Mabilis akong napalingon-lingon sa paligid nang marinig ang pangalan ko nang makita ko agad sila Odessa at Tasha na magkasama. Kumakaway sa akin si Tasha habang si Odessa naman ay nginitian ako hanggang sa makalapit sila sa akin.  "Anong ginagawa niyo dito?" hinihingal kong tanong dahil sa pag-inom ko.  "Gaga, siyempre. Hindi mawawala sa to-do list naming babaeng ito ang mag-shopping," sabi ni Tasha habang nakaturo kay Odessa na ngayon ay may tinitignan sa cell phone nito.  "Ah, okay. Meet na lang ulit tayo later. Mag-aapply pa kasi ako ng trabaho," sabi ko na ikinalaki naman ng mata ni Tasha.  "Ay, gano'n ba? Gusto mo samahan ka na namin papunta doon?" sabi ni Tasha na agad ko namang ikinailing.  "It's no need, you guys," nakangiti kong sabi habang umiiling. "Malapit lang naman na dito ang kompanya na susunod kong pag-aapplyan. Tumigil lang muna ako dito para kumain," sabi ko na agad kong ikinatigil nang mapagtanto kung ano sinabi ko.  Patay. I shouldn't have said that. Dahan-dahan akong napatingin kay Odessa na ngayon ay nakakunot na ang noo habang nakatingin sa akin.   "Anong kinain mo? Nasaan ang kinain mo?" nakakunot ang noo niyang tanong habang tumitingin-tingin sa magkabila kung kamay kaya naman napakamot na lang ako sa ulo habang kinakabahan dahil sigurado ako.  Sa oras na malaman ni Odessa na tokneneng lang ang kinain ko, magagalit siya.  Since matagal na kasi naming kilala ang isa't isa, alam na rin nila ang ilang bagay tungkol sa akin at isa na ro'n ang pagiging matipid ko sa sarili ko, which is for me, hindi naman.  Sadyang sanay lang ako kumain ng unti pero para kay Odessa, hindi niya gusto na hindi ko binubusog ang sarili ko. Ayaw niya na tinitipid ko daw ang sarili ko kahit na para sa akin, nakasanayan ko lang kumain ng unti. "A-ano... iyong tokneneng ng manong do'n," sabi ko habang tinuturo ang direksyon kung saan ako bumili ng tokneneng kanina. "Ano?! Hindi nakakabusog 'yon, ah!" nakakakunot ang noo niyang sabi kung kaya't muli akong napakamot sa gilid ng aking noo.  "Hindi, hindi! Ano kasi, hindi ba bente pesos tapos limang piraso, gano'n," pagpapaliwanag ko na tinatango-tanguan ni Tasha habang si Odessa naman ay nakakunot pa rin ang noo. "Naka-tatlong order ako. I mean, fifteen pieces." "No, no, no," agad na sabi ni Odessa habang umiiling-iling. "What do you mean no Odessa," sabi ni Tasha kay Odessa na para bang nananaway. "Pabayaan mo si Sheena kung gusto niyang magpa-slim, okay? Kahit rin naman ako ay nagtitipid sa sarili kapag nagpaplano akong magpapayat," sabi ni Tasha kay Odessa para hindi na ito magalit sa akin na ikinahilamos ko naman ng mukha.  Kaya naman pala hindi nagagalit si Tasha sa akin. Sa pagkakaintindi niya ay nagpapayat ako which is hindi rin naman.  "No!" biglang saad ni Odessa pagkatapos ay hinablot ang kanan kong braso na ikinalaki ko ng mata.  "What? Ode---" "No, you are going to eat many foods, woman. You don't settle with a tokneneng," masungit na sabi ni Odessa bago ako tuluyang hinila kasama si Tasha sa aking gilid kung kaya naman ako ay napapagitnaan. Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mauubusan na naman ako ng oras dahil hinihila na naman nila akong dalawa. Mga bad influence talaga sila.  "Ano ba kayo, hindi ko na gustong kumain. Busog na ako, promise," nagmamaktol kung sabi pero hindi nila ako pinansin bagkus mas lalo nilang ang paglalakad hanggang sa tumigil kami sa harap ng Greenwich.  "Huwag na nga, ano ba naman kayo," patuloy kong pagmamaktol pero tinawanan lang nila ako bago tuluyang hinila papasok sa loob ng Greenwich.  Mabilis naman kaming nakahanap ng mapupuwestuhan para kumain kung kaya't agad nila akong tinulak paupo malapit sa upuan na nakadikit sa may salamin.  "Ayaw niyo talaga akong patakasin, ano?" medyo inis kong sabi na ikinatawa naman ni Tasha habang si Odessa ay umupo sa katabi kong upuan na para bang ayaw akong patakasin mula sa kinauupuan ko.  "Eh, kaysa naman gutumin ka habang nag-iinterview ka!" may kalakasang sabi ni Odessa habang nakasimangot kung kaya't napatahimik na lang. Ang hirap talagang hindian ni Odessa. Kung hindi magagalit, hindi siya mamamansin na para namang trauma sa akin kasi minsan na rin niya akong hindi pinansin. Pinagpilitan ko lang kasi kumain noon ng pancit canton at kagaya ng dahilan niya ngayon, hindi raw ako mabubusog.  "So, anong oorderin natin?" malawak ang ngiti na sabi ni Tasha.  "Something heav---" "Gaga ka talaga!" natatawang sabi ni Tasha kay Odessa. "Nasa Greenwich tayo, malamang lahat ng nandito heavy sa tiyan," sabi niya habang si Odessa naman ay nakabusangot na nakatingin sa kaniya.  "Kung pinatapos mo sana ako, 'di ba? Sasabihin ko san---" "Ano?" muling pagputol ni Tasha kay Odessa habang ang mga mata niya ay tila nagniningning na para bang excited sa kung anong sasabihin ni Odessa.  Napabuntong-hininga na lang ako habang pinapanood ang dalawang kaibigan ko na mag-usap kahit nakatingin lang sila sa isa't isa at parang mga baliw na biglang nagsingitian ng malawak.  "Anong mayro'n?" naguguluhan kong tanong habang nakatingin na para bang nag-uusap gamit ang kanilang utak.  "Okay!" biglang sabi ni Tasha na para bang kinikilig kapagkuwan ay tumayo habang hawak niya ang purse niya sa kaliwa niyang kamay bago siya tumingin sa akin. "I'm going to order everything," sabi niya na agad kong ikinalaki ng mata.  "Ano?!" may kalakasan kong sabi bago ko tinignan si Odessa na ngayon ay nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin. "Odessa, huwag na kayong umorder ng marami!" Itinaas ko ang isa kong kamay na para bang nanunumpa sa kaniya. "Promise, busog na talaga ako." "Fifteen pieces of tokneneng will not make your stomach full, okay? Huwag ka na magsalita at kumain ka na lang," saway sa akin ni Odessa na ikinanguso ko naman bago ako tuluyang napayuko sa lamesa.  Hays! Ang hirap talaga nilang tanggihan. I mean, okay lang naman sa akin na kumain pero kasi sasagutin na naman nila iyong kakainin ko. Lagi na lang nila akong nililibre. Walang meetings namin na hindi ako nakauwing busog dahil ang lakas nilang manlibre sa akin.  Ewan ko ba kung bakit din ang lakas nilang gumastos ng pera para lang sa pagkain. Last time I checked, parehong mga bebe lang nila ang nagtatrabaho pero hindi ko alam kung anong trabaho. Hindi ko rin kasi talaga madalas makita ang bebe nilang dalawa kaya hindi ko masyadong nakakakuwentuhan maliban noong nakaraang gabi na birthday ni Tasha.  "Oo nga pala, anong mga kompanya susunod mong pupuntahan?" tanong ni Odessa na ikinaangat ko ng tingin sa kaniya.  Seryoso siyang nagsi-cell phone kaya muli na lang akong napayuko sa mesa. "Hay, hindi ko alam Odessa. May tatlong kompanya na lang nasa listahan ko ng pag-applyan." "Eh, bakit matamlay ka? Ayaw mo talagang kumain?" rinig kong tanong ni Odessa na agad ko namang ikinaangat ng tingin.  "Hindi naman iyon. Ano lang..." Shit! Lagot talaga ako sa oras na mainis si Odessa. Ayaw ko na hindi niya rin ako pinapansin kasi ang bigat rin sa kalooban ko.  "Ano? Sabihin mo lang para tawagin ko na si---" "Hindi, hindi na! Kakain na nga," mabilis kong sabi kapagkuwan ay napanguso.  "So ano ngang mga kompanya iyong nasa listahan mo? Gusto kong malaman," sabi ni Odessa na ikinabuntong-hininga ko na lang bago tumingin sa direksyon kung saan nakapila si Tasha para umorder.  "Lara Ventur---" "Nope. Lacking," agad na sabi ni Odessa kaya muli akong napalingon sa kaniya. "The company is lacking spirit. Last time I heard, the employees there are quitting because of rumors of bankruptcy," pagpapaliwanag niya kung kaya't napabuntong-hininga na lang ako bago inilabas ang cell phone ko at pumunta sa Note app.  Pagkabukas ng app ay agad akong kong pinindot ang isang note kung saan nakalista ang mga pangalan ng kompanyang balak kong pag-applyan. Agad kong pinindot ang box na magko-cross out sa Lara Ventures na nasa listahan ko.  "Ano pa iyong dalawa?" tanong ni Odessa na agad ko namang sinagot.  "FG Holdings saka Valex Corporation." "Valex Corporation?" sabi ni Odessa na ikinalingon ko naman sa kaniya. "Paano mo nalaman na may hiring sa kanila?" curious niyang tanong.  "Ano, 'di ba tanda mo maaga akong umuwi nakaraang kaarawan ni Tasha. Pagkalabas ko kasi, may nagpapatulong sa aking babae na pumunta sa comfort room," pag-eexplain ko.  "And you blurted out something that makes her gave you the name of that company?" sabi ni Odessa na ikinakunot ko naman ng noo. "Paano mo nalaman?" nagtataka kong tanong.  "Malamang, kilala kita. Tuwing nakakainom ka, kung sinu-sino na lang ang kinakausap mo kahit na hindi mo kilala," sabi niya na ikinakamot ko na lang sa gilid ng aking noo. "Anyway, from what I heard FG Holdings has some conflicts too. Do you want to hear it?" Napabuntong-hininga na lang ako bago umiling-iling. "Nope. Hindi na. Since huli at natitira na lang itong Valex Corporation, ito na lang ang pupuntahan ko mamaya," sabi ko kapagkuwan ay napatingin kay Odessa.  "Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa mga kompanya?" tanong ko sa kaniya na sinagot niya ng pagngisi.  "All of their issue just came out now," sabi niya na ikinataas ko ng kilay habang nakatingin sa kaniya na nakatitig sa cell phone niya.  "What do you mean they just came out now?"  Inilahad sa akin ni Odessa ang cell phone niya na agad ko namang kinuha. Agad kong binasa ang artikulo na naka-display sa cell phone ni Odessa at nang mabasa ko iyong lahat, tahimik kong ibinalik kay Odessa ang cell phone niya na agad niya rin namang kinuha.  "Don't settle for less, Sheena. Alam kong pinili mo ang apat na kompanya na nasa listahan mo dahil sa gusto mo na kaagad makahanap ng trabaho. Maybe, going to Valex Corporation will disappoint you too like the four companies you listed or I don't know," sabi ni Odessa kapagkuwan ay narinig ko siyang bumuntong-hininga.  "Have you heard anything about Valex Corporation?" tanong ko na ikinalingon niya sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD