Chapter 19

2058 Words
"Actually..." panimula ni Odessa bago siya umiling na ikinataas ko ng kilay. "No. I heard nothing about the Valex Corp. aside from the employees who are praising the company after quitting the company," sabi niya na muli kong ikinabuntong-hininga.  "Feels weird and odd to hear that. Kahit noong nag-research ako, puro mga artikulo at papuri lang din ang nababasa ko tungkol sa Valex Corporation kaya hindi siya ang unang pinuntahan ko na kompanya. Hindi ako puwede makampante sa kung anong sinabi sa akin ng babaeng iyon," sabi ko.  Narinig kong tumawa si Odessa kaya muli akong lumingon sa kaniya na ngayon nakaharap na uli sa cell phone niya.  "Gano'n talaga kapag nasa loob ang kulo, Sheena," komento niya na ikinakunot ko ng noo. "So are you saying that Valex Corporation also hides something? Sabihin mo lang para hindi na ako pumunta mam---" "Nope. I think you should go later, Sheena. Baka malay mo, mali lang rin ako ng akala, na baka I'm just being judgemental," sabi niya kapagkuwan ay nagkibit-balikat. "You will never know until you are finally working there." Napabuntong-hininga na lang ako bago nangalumbaba nang bigla na lang tumunog ang tiyan ko. Patay!  Nanlalaki ang mata ko habang dahan-dahang lumingon kay Odessa na ngayon ay nakangiti sa akin habang nakatingin sa akin. Written on her face is the words, I win.  "Told you. Tokneneng is not good enough," nakangiti niyang sabi kung kaya't napailing-iling na lang ako.  "Oo na, oo na," tanging nasabi ko bago muling nangalumbaba habang hinahantay namin dumating si Tasha at ang mga order.  Ilang minuto lang rin ang hinantay nang dumating si Tasha habang sumusunod na dalawang lalake at isang babae na paniguradong mga staff ng Greenwich dahil sa mga suot nilang uniform.  "Iyan na!" sabi ni Tasha nang makalapit sa lamesa namin kapagkuwan ay excited na pumalakpak. Tahimik na pinanood ko ang paglalapag nila ng pagkain habang si Tasha ay naka-focus kay Odessa habang sinasabi ang mga pinag-oorder niyang mga pagkain.  "Iyan, bale umorder ako ng hawaiian overload, pepperoni overload, lasagna supreme pan, creamy bacon carbonara pan, four pieces chicken saka potato waves, at isang spaghetti for me," malawak ang ngiti na sabi ni Tasha bago binigay ang receipt kay Odessa na ikinakunot ko naman ng noo.  "Ikaw ang nagbayad?" tanong ko sa kaniya na agad naman niyang sinagot ng pagtango.  "Yup, why?" aniya habang pinoposisyon ang mga inorder ni Tasha sa lamesa. "Wala lang," sabi ko kapagkuwan ay napatingin sa mga pinag-oorder ni Tasha.  Aminado ako, pakiramdam ko ay gusto ko nang kumuha ng pagkain at lumamon pero dahil lang din naman ako, kailangan kong mag-behave dahil nakakahiya rin kanila Odessa. Hay! Kung bakit naman kasi hindi pa nakakabusog ang tokneneng. "Okay, all set!" sabi ni Tasha pagkatapos ay nakangiti na lumingon sa tatlong staff na naghatid ng mga inorder ni Tasha. "Thank you sa inyo!"  "Sige na, Sheena," sabi ni Odessa kapagkuwan ay inilapag sa harapan ko ang pepperoni pizza. "Kumain ka na, ayaw ko ng hiya-hiya. Gusto ko ng walang-hiyang kaibigan," sabi ni Odessa na ikinatawa ko. "Sira ka talaga. Ito na, kakain na," sabi ko bago kinuha ang isang piraso ng pepperoni pizza at kumagat.  Shit! Ang sarap. Ngayong nakakain na ako uli ng pizza, ngayon ko lang rin napagtanto na ngayon lang ako ulit nakakain ng pizza. Hindi ko rin kasi maintindihan ko. Siguro nga ay tinitipid ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang mapagbigyan ang sarili ko na kumain ng masarap tuwing nakakasahod naman ako nakaraang nagtatrabaho pa ako.  "Ano, Sheena?" tanong ni Tasha na ikinaangat ko ng tingin sa kaniya habang patuloy na ngumunguya ng pepperoni pizza. "Masarap?" inosenteng tanong ni Tasha na ikinangiti ko naman bago siya sinagot.  "Malamang, gaga. Kita mong nasa Greenwich tayo, magtatanong ka pa kung masarap," natatawa kong sabi.  Natawa rin silang dalawa dahil sa sagot kung iyon. Bakit ba may mga baliw akong kaibigan? "Anyway..." panimula ni Odessa kapagkuwan ay sumubo ng isang kutsarang lasagna. "Sheena's applying to Valex Corporation," sabi ni Odessa bago tumingin kay Tasha na ngayon ay parang natigilan dahil sa sinabing iyon ni Odessa. "What do you think of it?" Napataas ako ng kilay dahil sa tanong na iyon ni Odessa kay Tasha. "What do you mean? Is Tasha going to disapprove?" nagtataka kong tanong bago napatingin kay Tasha na ngayon ay nag-aayos ng sarili habang nakatingin sa lasagna na nasa harap niya.  "Uh... no. I'm not going to stop or disapprove," sabi ni Tasha na mas lalong ikinakunot ko ng noo habang nakataas ang isa kong kilay bago tumingin kay Odessa na ngumiti sa akin bago umiling-iling.  "Eh, bakit ka tinatanong ni Odessa? May alam ka ba tungkol sa Valex Corporation?" tanong ko bago kumuha ng isang potato wave at kinagat iyon. "Kung may nalalaman ka, good or bad, sabihin mo na para malaman ko kung pupunta pa ako doon mamaya or maghahanap na lang ako ng panibagong pag-aapplyan." "Sira!" nakangiti nang sabi ni Tasha sa akin bago muling nagbaba ng tingin sa kinakain niyang lasagna at kumain.  Weird. Bakit parang ang weird ni Tasha simula nang banggitin ni Odessa ang Valex Corporation. May hindi ba ako nalalaman? "Ano nga?" medyo inis kong sabi pagkatapos ay nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Baka may gusto kayong sabihin, magsalita na kayo," asar kong pagbababala sa kanila. Ramdam kong may hindi sinasabi sa akin sila Tasha at Odessa. Akala ko noong una ay nagiging judgemental lang din si Odessa kaya may nasasabi siya kanina about sa Valex Corporation pero ngayong may kakaiba akong nararamdamam sa kanila, malakas ang pakiramdam ko na may hindi sila sinasabi sa akin.  Mabilis na umiling-iling si Tasha pagkatapos sumubo ng hawaiian pizza. "Seryoso, Sheena. Wala naman kaming masabi dahil wala rin talaga akong alam tungkol sa Valex Corporation. I mean, noong narinig ko kasi iyong name ng kompanya, inaalala ko lang kung may na-mention sa akin si bebe ko tungkol do'n kasi alam mo na, businessman din iyon," pagpapaliwanag ni Tasha na hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o hindi.  Napahinga na lang ako ng malalim bago nagkibit-balikat. Fine. Kung ayaw nilang sabihin, iintindihin ko. Tungkol din naman sa Valex Corporation ang pinag-uusapan namin kung kaya't iintindihin ko na lang kung anong kailangan nilang itago sa akin. Malalaman ko din naman iyon either sasabihin na lang sa akin or malalaman ko na lang sa oras na makapasok ako sa Valex Corporation.  "By the way, nakakatulog ka naman ba ng mahimbing doon sa bago mong nilipatan?" tanong ni Tasha na sinagot ko naman ng pagtango habang ngumuya. "Good, good," sabi ni Tasha bago muling sumubo ng isang kutsarang lasagna.  "Yup, I was able to sleep naman do'n kaso nga lang kapag noong nag-alas dos ng madaling araw do'n, may naririnig akong malakas na nagpapatugtog. Iyong parang naggi-gitara ng malakas," sabi ko habang naaalala ang pagkagising ko ng madaling araw.  "Gusto mo bang lumipat? Hindi ka makakapaghinga ng maayos do'n kung may inconsiderate at maingay kang kapit-bahay do'n," seryosong sabi ni Odessa na agad ko namang inilingan.  "No need. Gusto ko rin naman iyong rock song na pinapatugtog niya," sabi ko kapagkuwan ay tumawa.  "Aba't natuwa ka pa pero iyong tulog at pahinga mo, aba kung magbo-beauty rest ka, dapat kumpletuhin mo ang tulog mo," ani Tasha na muli kong ikinatawa.  "Sino ba kasi nagsabi na gusto ko ng beauty rest? Eh, sa rest lang naman, okay na ako," sabi ko na ikinabusangot ng mukha ni Tasha.  "Hay nako, loka-loka ka," sabi niya bago ako inikotan ng mata na akin na lang ikinatawa. "Seryoso kasi, 'di ba? Paano naman iyong tulog mo do'n? Sa oras na pumapasok ka na, hindi ka puwedeng kulang sa tu---" Napataas ako ng kilay dahil sa biglang pananahimik ni Tasha na ngayon ay parang mukhang may inaalala. "Oo nga pala, natatandaan ko na!" biglang sabi ni Tasha kaya naman napatingin ako kay Odessa para makita ang reaksyon niya.  Napatingin din sa akin si Odessa bago nagkibit-balikat. Senyales na walang alam si Odessa sa kung ano ang sinasabi ni Tasha na naaalala niya.  "Ano iyon, Tasha?" agad kong tanong para malaman kung ano ang naaalala niya.  "Sinabi sa akin ng bebe ko na iyong mga employees sa Valex Corporation, nagtatrabaho simula alas kuwatro ng hapon hanggang madaling araw kung kailan sila uuwi. Iyong parang night shift pero gano'n talaga ang oras ng trabaho ng mga employees do'n," sabi ni Tasha na ikinakunot ko ng noo.  Night shift?  "Kaya iyan ang sinasabi ko sa iyo," sabi ni Tasha bago sumubo ng isang potato wave. "Kung sakali na sa Valex Corporation ka maha-hire, mas mabuti na dapat sapat ang tulog at pahinga mo tuwing araw. Mag-vitamins ka rin since iba pa rin iyong natutulog ka sa gabi kaysa sa may araw," sabi niya na tinango-tanguan ko.  "Pero hayaan mo na muna," sabi ni Odessa. "Mag-aapply pa lang naman siya doon. Basta, Sheen." Tumingin sa akin si Odessa kapagkuwan ay hinawakan ako sa braso na ikinataka ko.  "What?" nagtataka kong tanong, "I-take note mo iyong mga sinabi ni Tasha. Makakatulong sa iyo ang mga sinabi niya para hindi ka maging anemic," sabi niya na muli kong sinagot ng pagtango-tango. "Okay..."  "Atsaka instead of coffee, tubig ang inumin mo kasi 'di ba? Nakaka-anemic ang puyat. Tubig is the best choice para hindi ka rin mabawasan ng dugo. Then kumain ka rin ng egg kasi from what I read, parang activator siya for brain," sabi ni Tasha na muli ko na lang sinagot ng pagtango-tango.  Bakit pakiramdam ko, mawawalay ako sa kanila? Ang dami nilang pinapaalala sa akin na gawin.  ALEXANDER'S POV "Stick to the plan. Since we don't know where to start searching information about them, we need to let them do their next step, just for once. Stick to the plan until they gave us more clue about them." Napailing-iling na lang ako habang natatandaan ang mga sinabi ni Theodore. After what happened the other night, our meeting was useless. Wala ni isa sa amin ang nakaisip o may ideya kung sino ang dalawang umatake sa amin.  The plan was originally suggested by Cody since siya rin talaga ang magaling na strategist sa amin and it was a good situation kaya naman inaprubahan din iyon agad ni Theodore. But knowing that we are giving Helik and Lusio to do another attack, it's putting us into danger.  Lalo na at may naiisip na kaming posibilidad kung bakit hindi rin namin sila maramdaman sa tuwing nasa paligid sila. Georgina may have said that she sensed them but the truth is, she lied. Because what truly happened is that she saw them in her vision coming for us.  Iyon ang dahilan kung bakit habang hinahantay namin sila Kate na dumating kagabi. Because Georgina is already seeing them and she is not speaking until they already came for us.  Hindi ko alam kung anong iniisip ni Georgina para itago ang nakikita niya kahit na kasama naman sa kautusan para sa kaniya na puwede siyang magsalita sa mga nakikita niya sa kaniyang vision lalong lalo na kung tungkol pa ang nakikita niya sa mga bago naming kalaban. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung kalaban ba talaga si Helik at Lusio. Inatake nila kami at paulit-ulit na sinabihan na pumatay kami pero in the end, ang nabuo naming teorya kaya galit sila sa aming mga Valerious ay dahil sa may prinoprotektahan sila which is a big possibility din dahil pinapaalis din nila kami noong mga oras na iyon.  At ngayon, may mga nabuo kaming panibagong plano. Habang nag-aasikaso kami sa panghuhuli ng Unsound vampire, isa-isa kaming binigyan ng mga gagawin at ang gagawin ko ay ang paglipat sa apartment kung nasaan nakatira ang babaeng mortal na nakasampal sa akin.  Napabuntong-hininga na lang ako bago napahawak sa pisngi ko kung saan dumapo ang malakas na sampal ng babaeng mortal na iyon. I'm sorry, self. I need to endure a bit more. Kasama sa pagpapapasok ko sa babaeng iyon sa aking kompanya ay ang paglipat ko sa building kung saan nakatira ang babaeng nakasampal sa akin. Why am I even the one to do the task that is connected to the crazy mortal woman?  Napabuntong-hininga na lang ako bago ibinaba ang aking sapatos mula sa pagkakapatong sa office table ko. Kasunod no'n, mabilis kong hinablot ang telepono na nasa mesa ko at ikinonekta iyon sa lobby.  "Mr. Valerious, how can I help you, sir?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD