Chapter 23

1504 Words
Medyo umusog ako palayo nang bigla na lang magbukas ang pinto sa parte ng driver's seat. Nanatili akong galit habang hinahantay na lumabas ang driver mula sa Maserati nang bigla na lang... "I-ikaw?" nauutal kong sabi habang nakatingin kay Mr. Valerious na nag-iigting ang panga habang nakatingin sa akin na halatang inis. S-s**t! Gusto kong tumakbo palayo ngayon. Kung kanina ay matapang ko siyang nahaharap, ngayon naman ay gusto kong magtago dahil sa pinaghalong kaba at takot gawa nang iba na ngayon ang nakikita kong aura kay Mr. Valerious. Sa pinapakita niya pa lang na emosyon ay alam ko na nagpipigil lang siya na sakalin ako sa inis. God, Sheena! Kung kanina ay sinuwerte lang ako na walang pakialam ang lalake kanina na nananakal sa loob ng comfort room, ngayon yata ay wala na akong kawala lalo na't ininis ko pa si Mr. Valerious. Ewan ko ba at bakit naman niya kasi kailangan akong businahan. Nanti-trip din siya eh! "Didn't I told you to get lost?" inis siyang sabi na ikinakunot ko naman ng noo. "Hoy, wala kang sinabi na umalis ako. Ang sinabi mo lang, huwag dumikit sa iyo!" sabi ko kapagkuwan ay napanguso. "At saka, bakit ka ba nanggugulat? Hindi ko naman gustong sirain ang bintana mo kung hindi mo lang ako ininis." "Still, you..." He took one step that instantly made my system go crazy while his eyes are staring at me like I'm some... prey. "Still..." Napalunok ako nang muli na naman siyang humakbang palapit sa akin. "S-still what?"  Gosh! I can feel my heart starting to beat rapidly. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Mr. Valerious pero pakiramdam ko talaga ay para akong maamong hayop na dahan-dahan nilalapitan ng isang lion.  Alam ko na dapat ay makaramdam ako ng takot lalo na't isa siyang lalake. Kayang sabayan ng mga babae ang mga gawaing panglalake pero kung usapang pisikal na lang din ang pag-uusapan, mas may lamang pa rin ang mga kalalakihan.  Isang mafia member rin si Mr. Valerious. Natunghanayan ko na gumawa ng masama ang mga kasamahan niya kung kaya't hindi na rin nakakapagtaka na maaaring nakapatay na siya. I mean, sa sobrang guwapo niya ay aakalain mo lang na isa siyang guwapong nilalang na mukhang may magandang buhay pero kung titignan siyang mabuti, napaka-misteryoso niya.  "Still..." he said before taking another step that also made took a step back. "You are a woman, Miss," he said that made me gulped. "And I'm a man..."  So what if he's a man like he said? I mean, it's a good sign. Nakakahiya kasi na naa-attract ako sa kaniya pero iyon pala ay hindi siya straight. I have nothing against gays because they are fun to be with pero nakakapanghinayang kung sa huli ay malaman ko na wala siyang interes sa mga babae.  "A-ano naman?" hindi ko mapigilang mapalunok habang nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko lalo na nang muli siyang humakbang papalapit sa akin.  Napakunot ako ng noo nang bigla na lamang siya ngumisi sa akin. "You're unbelievable," he said that made me confused.  "A-anong..." sabi ko kapagkuwan ay nakaramdam ng pagkapahiya nang makita ang kakaibang tingin ni Mr. Valerious.  I can see it in the way he looks at me right now. He is grinning smugly as he scratches the side of his forehead before inserting his left hand into his pocket.  "Miss, are you this persistent? I know na guwapo ako pero ayaw ko ng mga babaeng kagaya mo," he said that quickly made my heart sank.  A-ayaw niya sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kaniya, ah! I mean, oo. Sinundan ko siya dito sa parking lot kasi gusto ko rin makapagsalita sa kaniya. Na-attract man ako sa kaniya pero hindi ibig sabihin no'n ay hahabulin ko siya. Nagsisisi din ako na sinundan ko pa siya dahil ang sama rin ng ugali niya. "Nakakatawa na hindi ka lumayo pagkatapos kitang sabihan na lumayo ka sa akin. Sinabihan na kita na hindi mo gugustuhing sa isang tao na kagaya ko," sabi niya habang ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay bumalik sa pagiging seryoso at nakakatakot.  "Bakit? Kriminal ka ba?" tanong ko na para bang nanghahamon sa kaniya.  Ha! Now that I asked the question, it's on him if he is going to reveal who he is because no criminal will let theirself be exposed. Maliban na lang kung matapang si Mr. Valerious at hindi siya takot na ipangalandakan kung sino siya. "Then, if I am a criminal? Shouldn't you be running starting right at this moment?" tanong niya kapagkuwan ay muling humakbang na ikinatibok ng puso ko dahil sa kaba.  Should I run? Tanong ko sa aking sarili nang bigla na naman siyang humakbang papalapit sa akin.  "W-wait!" sabi ko habang ang aking kamay ay nakaangat para pigilan siyang lumapit pa.  "You're so persistent and now..." sabi niya kapagkuwan ay nilibot ng tingin ang buong parking lot. "... now, you are in the middle of a dark place, with no one to see on what's going to happen to you," he said that instantly made my heart race in fear.,  Is that the sign that he's going to kill me? Napalunok ako ng ilang beses nang muli na naman siyang humakbang palapit sa akin. Oh, my gosh! Dapat siguro ay tumakbo na ako palayo. Hindi ko siya kilala at ang tanging alam ko ay konektado siya sa mga mafia men in the women's comfort room. "Oh, well..." bigla niyang sabi na nakapagpabalik sa akin sa sarili. Nanlalaki ang aking mata habang pinapanood ang kilos niya.  Hindi ko alam kung anong plano niya pero matapos ang pananakot niya, hindi na ako makaramdam ng kahit anong atraksyon sa kaniya. Umiiling-iling siya kapagkuwan ay inilagay ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang baywang bago ako nginitian.  Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa ginawa niyang pagngiti. Pakiramdam ko rin ay nag-iinit and pisngi ko habang  ang mata niya ay nasa akin.  "You're in luck that I'm not in the mood to do something bad to a woman like you," sabi niya bago pumalakpak na ikinakunot ng noo ko. "Congratulations, I saved you." "Sa-saved me? How?" tanong ko habang nararamdaman ang mabilis na t***k ng aking puso.  "You don't need to know. Just do me a favor..." sabi niya kapagkuwan ay mabilis na naglakad palapit sa akin. Huli na rin para mailayo ko ang sarili ko dahil hahakbang pa lang ako paatras ay naabutan na niya ako at hinawakan agad sa magkabila kong braso. Para akong nakuryente dahil sa kamay niyang nasa magkabila kong braso pero agad din ako natigilan nang magkatinginan kami sa isa't isa. Sobrang lapit din naminn sa isa't isa kung kaya't mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. I can smell his manly perfume and I don't know but I feel instantly turned on by it. Parang tumigil din ang oras at kasabay no'n ang tila pagkawala ng madilim na parking lot kung nasaan kami ngayon. "You are beautiful, Miss,"sabi niya na dahilan para mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko habang ang mata niya ay nakatingin pabalik sa akin. Oh, my gosh! What is this? Napansin na yata niya ang beauty ko, finally! Kinikilig ako ng sobra to the point na nai-imagine kong hawakan ang mukha niya at halikan ngunit agad din nawala ang kilig na nararamdaman ko nang unti-unting sumilay ang nakakainis niyang ngisi sa kaniyang mukha. "Really? I just touched and said words to you but already fell for it," sabi niya na dahilan para mabilis akong umalis sa pagkakahawak niya sa magkabila kong braso at unti-unting lumayo sa kaniya. I hate him. He is playing with my feelings. Napakasama ng ugali niya. Hindi porke't nakainom ako ay hindi na ako marunong makiramdam at makapag-isip ng tama para gawin niya akong tanga. Ayaw ko rin na pinagmumukha niya akong malandi dahil alam kong walang katotohanan iyon. Kahit na lumaki ako sa pamilyang magulo at may mga magulang na parehong naglolokohan sa isa't isa, kahit kailan ay hindi ko ginustong maging worst na tao. Kapag nagmahal ako, gusto ko na siya na rin ang maging kasama ko sa bawat hamon na dadaan sa buhay naming dalawa. Kaya naman hindi ko talaga matanggap kung ano man ang sinasabi sa akin niya sa akin. Kanina niya pa gusto iparating ang kung ano ang tingin niya sa akin pero hindi ako tanga para hintayin pa na sabihin niya sa akin ang gusto niyang iparating kung anong klase akong babae. Kahit na guwapo siya, hindi niya rin deserve na respetuhan siya dahil hindi niya rin ako nirerespeto. At ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang kriminal na kagaya niya? Dahil sa inis na narararamdaman ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko para makaganti sa kaniya. Ilang hakbang lang ang nagawa ko bago ako nakalapit at tumigil sa harap niya. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo kung kaya't ako naman ngumisi. Pagkatapos niyang makita ang pagngisi ko, hindi ko mapigilang makaramdam ng tuwa dahil sa nakita kong pagkawala ng nakakaasar niyang ngisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD