"Yeah, just walked out of the bar," sagot ni Mr. Davis dahilan para mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa stool.
"Tasha will pay for my drink, I need to go."
Hindi ko na hinantay pa na magsalita si Mr. Davis. Mabilis kong tinakbo ang entrance ng bar kapagkuwan ay mabilis na lumabas nang bigla na lang ay napatid.
Napapikit na lang ako habang tila bumagal ang lahat ng nasa paligid ko.
Shit! This fall will hurt.
Naghantay ako na maramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa ngunit lumipas na ang ilang segundo ay wala akong naramdamang sakit.
Huh?
"Open your eyes, retard."
Agad akong napamulat ng mata dahil sa narinig kong iyon. Nakita kong malapit na ang mukha ko sa lupa kung kaya naman ay mabilis kong idinikit sa lupa ang dalawa kong palad.
"Tch, retard," biglang sabi ng lalake sa gilid ko pagkatapos ay binitawan ako mula sa pagkakahawak sa magkabila kong balikat na dahilan din para tuluyan akong bumagsak sa lupa.
"Oh, s**t. Ang sakit." Hindi ko mapigilang uminda habang nararamdaman ang hapdi sa magkabila kong palad.
Damn. Ang harsh naman nitong lalake ito. Talagang ibinagsak ako pagkatapos akong tulungan. Tch!
Inis akong tumingin sa lalakeng tumulong sa akin at gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita na ang lalake ay walang iba kung hindi si Alexander.
He has this kind of pissed-look but for some reason, I find him handsome instead of feeling humiliated.
Mas guwapo pala siya kapag front view.
"Miss, are you really a retard?" bigla niyang tanong kapagkuwan ay napamulsa.
He's handsome but he's a meanie. Ilang beses na niya akonv tinatawag na retard and it's not nice.
"Tch!" Naiiling na tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa lupa kapagkuwan ay pinagpagan ang damit kong medyo nadumihan.
Matapos kong alisin ang dumi na dumikit sa damit ko, agad ko siyang hinarap. "Well, thanks for being almost a... gentleman."
"I'm not born to please people, Lady," he said nonchalantly that quite made me chuckle.
"And you shouldn't have to but you pleased me," sabi ko.
Tumaas ang kilay ni Mr. Valerious sa sinabi ko kung kaya't muli akong napatawa bago humakbang ng isang beses papalapit sa kaniya. "You caught me before my face could even touch the dirt, Mister. So thank you. You are still a gentleman."
"Tch!" Agad na nanlaki ang mata ko nang walang salitang tinalikuran niya ako kapagkuwan ay naglakad palayo.
Aba't! "Bastos ka, ah! Nagti-thank you ako sa iyo!"
Napataas ako ng kilay nang bigla na lang tumigil sa paglalakad si Mr. Valerious. Hindi siya muling lumingon dahilan para medyo makaramdam ako ng pagka-inis.
"Guwapo ka sana pero ang pangit naman ng ugali mo. Para kang si Ely!" inis kong sigaw na tila nakakuha naman ng atensyon niya.
Muli siyang lumingon sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha nang magsimula siyang maglakad papalapit sa akin.
Hindi ko mapigilang mapalunok nang mapatitig ako sa guwapo niyang mukha. He's way more taller than me and I find it cute but his face. He has a face of a man who can make every woman drool in just one glance. Tipong mapatingin lang sa kaniya ay nakakadala na lalo na at mayro'n rin siyang misteryosong aura.
Sa huling pagkakataon ay muli akong napalunok nang mapagtanto ko na ang kaharap ko ay isang napakaguwapong nilalang.
"I know that kind of look," sabi niya sa akin na muli ko na naman ikinalunok dahil sa kakaibang excitement na nararamdaman ko.
Nakaangat ang mukha ko habang nakatingin pabalik sa mata niyang tila may hinahanap sa mata ko.
Oh, my gosh! Hindi kaya na-love at first sjght siya dahil sa mata ko? Kung totoosin ay mas maganda ang mata niya. Dahil na rin sa nakatingin siya pabalik sa akin ay may pagkakataon ako para makita ang asul niyang mata.
"I know you like me..." sabi niya na mas lalo kong ikinakilig.
Hala! Nakakahiya at alam niya na nilalandi ko siya. OMG!
"But sorry, Miss," he said that made my brows creased. "I don't do retards," sabi niya na dahilan para mabilis na mawala ang nararamdaman kong kilig.
What did he say again? I'm not a f*****g retard!
Gusto kong sumigaw nang pagkalakas-lakas. Who does he think he is? He thinks all bright and mighty even though he's a total jerk.
"So if you want to be called smart, I suggest you start going back there and forget that you and I had a talk because I promise..." sabi niya kapagkuwan ay medyo ibinaba ang kaniyang mukha ka-level ng mukha ko. "I promise, you will not want to get involve with someone like me."
Sa sinabing niyang iyon ay agad kong naalala na kasamahan niya ang dalawang mafia members na na-encounter ko kanina.
Shit, self! Bakit ko siya nilalandi? Hindi ako puwedeng madikit sa kaniya. Kahit na guwapo siya, mas mahalaga pa rin ang mahaba kong buhay.
"And seriously. Stop being flirtatious. Are you always like that to anyone? Tch!" he said before turning his back again on me.
Flirtatious? Napatingin ako sa papalayong bulto ni Mr. Valerious habang nararamdaman ang unti-unting pagsibol ng kakaibang galit sa buong pagkatao ko.
Kahit kailan ay walang tumawag sa akin na malandi. I am never the type to initiate conversations, especially flirty conversation to be called flirty.
I am not a flirt! Kaya nga wala pa akong boyfriend dahil aminadong maarte din talaga ako. Siyempre kung lalandi ako, hindi ba dapat do'n talaga sa magiging boyfriend ko na matino at talaga naman endgame ko.
Kung totoosin din ay ako ang lagi nakikipaghiwalay sa mga nakarelasyon lalo na at tuwing nalalaman ko ang ginagawa nilang kababuyan habang nakatalikod ako. Tch!
Inis na bumalik ang tingin ko kay Mr. Valerious. Ayaw kong umalis siya na hindi rin ako nakakapagsalita ng masama sa kaniya.
Ang judgemental niya! Siya kaya ang kauna-unahang lalake na sinundan ko kagaya ng ginawa ko kanina lang. Hindi porket guwapo siya may karapatan na siyang manghusga.
Napakunot ako ng noo nang hindi ko na makita si Mr. Valerious kung saan ko siya nakitang naglalakad kanina.
"Nasaan na 'yon?" Ang bilis naman niya yata nawala.
Lumakad ako papunta sa posisyon kung saan huli ko siyang nakita kapagkuwan ay napalingon sa paligid.
Sa kanan ko ay may malawak na parking lot para sa mga customers ng paborito namin na bar samantalang sa kaliwa ko naman ay may restaurant na kakasirado lang.
Hays! "Naglakad ba ang damuhong iyon? Hindi ba, mayayaman ang mafia? Baka may kotse siya?"
Dahil sa naisip kong iyon, agad akong napalingon sa madilim na parking lot. Maraming kotse na naka-park kung kaya't hindi ko masyadong kita ang likod na parte ng parking lot.
Tahimik na naglakad ako papunta sa gitnang parte ng parking lot. Halos lahat ng nilingon kong parte ng parking lot ay madilim kung kaya't hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng kaba.
I don't really like dark places. It kinds of trigger me to think about scary things that are possible to happen. Dumagdag pa na wala akong makita na ibang tao kaya binilisan ko na ang paglalakad habang tumitingin-tingin sa bawat parte ng parking lot.
Mabilis akong napatalon sa gulat nang bigla na lang malakas na nagbusina ang sasakyan na nasa harap ko.
Isa iyong pula na Maserati Levante Trofeo na alam kong mas mahal pa sa kotse ng ex-boss kong immature at ang mga kotse na kagaya ngayon ng nasa harap ko ay isa sa mga bagay na gusto kong makuha sa oras na makaangat ako.
But hell! Sino kaya itong talinpadas na halos patayin ako sa pagkagulat?
Heavily tinted ang kotse kung kaya't hindi ko makita ang pagmumukha ng gagong nanggulat sa akin sa loob ng kotse kung kaya't ang ginawa ko ay lumapit sa parte kung saan nakaupo ang driver.
Nang makalapit ako, malakas kong kinatok ang bintana na alam kong enough para matakot ang driver na mabasag ko ang bintana ng kotse niya.
"Ang angas mo, ah! Lumabas ka diyan! Sino nagbigay sa iyo ng karapatan para manggulat ng tao, ha? Pinanganak ka ba at lumaki ng walang respeto, ha?!" galit kong sabi kapagkuwan ay muling kinatok ang bintana.
Ilang segundo ang lumipas ngunit tila wala yatang balak lumabas ng kotse niya ang gago kung kaya't mas lalo kong nilakasan ang pagkatok sa bintana ng kotse niya.
Wala akong pakialam kung mabasag ko ang kotse niya. Kung may kotse siyang Maserati, ibig sabihin lang no'n ay isa siyang mapera ngunit walang manners.
Muli akong napatalon sa gulat nang bigla na nagbusina uli ang kotse at this time, mas matagal iyon kung kaya't sobrang ingay ngayon sa buong paligid ng parking lot.
Ang damuhong 'to! Ang kapal naman ng mukha niya para manggulat ulit.
Humanda siya sa akin. Ang kapal ng mukha niya. Wala naman akong ginagawa sa kaniya tapos mangbubusina siya.
Mabilis akong lumapit sa Maserati. Agad kong kinalampag ang bintana gamit ang dalawa kong kamay habang nararamdaman ang dibdib kong mabilis ang t***k ng puso.
Kung sino man ang demonyong driver na nasa loob ng mamahaling kotse na nasa harap ko ngayon, isa siyang sira-ulo.