Chapter 9

2012 Words
Mabuti na lang at nagsalita si Odessa. I don't really know kasi after my last relationship, the breakup really hurt me kahit na ako iyong nakipaghiwalay. I just don't understand why some men decide to cheat even though they have a partner who is dead serious in their relationship like I do.   Nasaktan ako because of what happened but I guess, I just always need to think positive kasi wala rin naman akong mapapala kung magmukmok ako pero after din kasi ng breakup ay nagkaroon pa ako ng problema sa trabaho kaya ngayon, ito ako. Namomoblema pero salamat ay mababait ngunit nakakaaasar akong mga kaibigan.  Oh, my god! Kanina lang ay muntikan na akong mamatay kung hindi lang ako mabilis tumakbo. Isang mafia member lang naman ang sinampal ko pero ito ako ngayon, nandito pa rin sa bar kahit na nasa panganib ang buhay ko. Tapos ngayon lang ay gusto pa akong ipag-blind date ni Tasha at ng asawa niya.  Diyos ko naman. Bakit ba nakakabaliw ang gabing ito?  "By the way, bakit ang tagal mo kanina, Sheen? Pumunta ka lang naman sa comfort room, hindi ba?" biglang tanong ni Odessa na ikinasamid ko habang umiinom ng margarita na bagong order ko lang. "H-ha?" tanong ko pagkatapos kong makabawi mula sa pagkakasamid.  "Oo nga, Sheen. Ang tagal mo kanina. Anong nangyari? May nangbastos ba sa iyo? Sabihin mo para puntahan natin ngayon," sabi ni Tasha na ikinatawa ko naman bago napakamot sa gilid ng aking ulo.  Should I say to them that I just encountered some criminals in the women's comfort room? Baka mabaliw itong si Tasha sa oras na malaman niya ang mga na-witness ko lalong-lalo na ang ginawa kong pananampal sa isang guwapong mafia. Hmm. Siguro hindi ko na lang sasa- "Sinabi ni Mr. Davis lumabas ka daw ng bar," nagtatakang sabi sa akin ni George na ikinalaki ko naman ng mata.  "Pa-paanong sinabi sa iyo ni Mr. Davis? Kinausap ka ba niya?" tanong ko na sinagot naman ng asawa ni Tasha ng inosenteng pag-iling.  "Nah, umorder pa kasi ako ng maiinom tapos bigla niyang binanggit sa akin na tumakbo ka palabas ng bar. Ang sabi niya sundan daw kita dahil baka ano pa mangyari sa iyo sa labas. Pagkalabas ko naman, wala ka rin sa entrance ng bar. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin," sabi niya na ikinalunok ko dahil sa kaba.  Oh, s**t. Hindi ko na dapat sasabihin. Akala ko naman hindi rin madaldal si Mr. Davis. Hay, nakakaloka! Agad akong natigilan nang maalala ang pagkausap ni Mr. Davis sa nagngangalang Alexander Valerious na sinampal ko kanina. Tila dinig ko pa kung ano ang sinabi ni Mr. Davis sa Alexander Damuho na iyon kanina.  "Leaving so early, Mr. Valerious?"  Dahil doon, agad akong tumayo na ikinataka naman ng apat na tao na nasa harap ko ngayon habang sila ay nakatingin sa akin na tila nababaliw ako.  "What?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanila.  "Saan ka naman pupunta? Hinahantay ka namin sumagot, gaga," halata ang inis sa sinabing iyon ni Odessa kaya naman napanguso naman ako habang dahan-dahang bumabalik sa pagkakaupo.  "Eh, ano..." Hays! Ano bang sasabihin ko? Ang weird naman kasi kung hindi ako sasagot rin sa tanong nila.  Kung bakit naman kasi sinabi pa ni Mr. Davis na lumabas ako ng bar. I could have just said that I thought saw someone but George knowing that I'm not outside the bar is the one that put me in interrogation right now.  "Ano? May ayaw ka ba sabihin sa amin?" tanong ni Tasha na mabilis ko naman sinagot ng pag-iling.  "Hi-hindi... Ano lang..." Napakamot na lang ako sa aking ulo bago bumuntong-hininga.  Maybe, I should just say something to make them stop from asking me. Gusto ko rin muna manahimik lalo na't hindi ko alam kung nasa panganib ang buhay ko o hindi. Sinampal ko lang naman ang isang lalake na alam kung may kakayahan at kapangyarihan para p*****n ako kung kaya't dapat na rin ay magdoble-ingat ako.  "Ahm... Actually, there's this men---" "What did they do to you, Sheen? Did they hurt you?" nag-aalalang tanong ni Odessa na sinagot ko naman ng pag-iling.  "No, it's just, while I was in the comfort room. I heard two men taking someone who's also inside the comfort room. I didn't go outside the cubicle I was in until they are gone," sabi ko kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "Also, I saw the man that they are trying to take out---" "What do you mean? There's a man in women's comfort room?" biglang tanong ni Tasha pagkatapos ay isa-isa kaming tinignan. "Maybe, we should tell this to Mr. Davis. May mga kalalakihan sa women's comfort room at hindi iyon tama." "Wait, let me finish first. Ganito rin kasi iyon. Iyong mga lalake na nakita ko. I mean, they are not together. Noong sumilip kasi ako, ang nakita ko ay sinasakal ng isang lalake iyong isa pang lalake. Tapos may dumating pa na isang lalake. So that's two of them against one. Pagkatapos dinala na nila sa labas iyong isang lalake na sinasakal kanina noong isang lalake kung kaya't lumabas din ako." Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos sabihin ang mga iyon.  "I thought this bar is a safe place but after seeing those men. Naawa ako doon sa lalake kung kaya't hinabol ko sila sa labas para kung sakali na may gamit silang sasakyan, matatandaan ko iyong plate number tapos ire-report ko ito sa pulisya. They look kind of criminals and they have these mafia thug vibes iyong pananamit nila, parang gano'n, " sabi ko na ikinatahimik nilang apat bago nagsalita si George.  Okay. I know that I'm lying in the part na magpa-file ako ng report sa pulisya because honestly, wala iyon sa isip ko kanina. Mas iniisip ko pa kung ano ang susunod na gagawin ng mga kalalakihang nakita ko kanina kaysa tumawag sa mga pulis. I'm more curious as to what they are planning for the guy that they are calling Unsound.  But it's better that I said about reporting dahil alam ko ang ire-react nila Tasha at Odessa sa oras na malaman nilang mas curious ako at hindi iniisip ang sarili ko sa pagsunod kay Alexander Valerious which I wish I never did.  "But think about it, Sheena. If they are the bad guys, why are they the one who's taking out the man you said they are hurting inside the women's comfort room? Baka hindi naman sila ang masama, Sheena. They could have killed you if they don't want anyone seeing what they are doing but you are still here, right? Iyong lalakeng sinasaktan nila sa women's comfort room ang habol nila at hindi ikaw," sabi ni George na sinagot ko ng pag-iling.  Damn. Kung nakita lang nila kung ano ang mga nakita ko. Panay ang sabi ng lalake ng dugo as if kailangan na kailangan niya iyon. He looks ill to me dahil sa pagkakatanda ko rin ay maputla ang balat niya. Kawawa naman iyong lalake pero dapat na rin siguro ay hindi na ako magsabi pa tungkol sa kung ano man ang nakita ko. I don't want my friends to get involved once that something already happens to me because of what I did to that man, Alexander Valerious.  Hindi ko alam kung pag-aaksayahan ako ng oras ng damuhong iyon para hanapin at patayin dahil lang sa sinampal ko siya. He deserves it for judging me like I'm some women who are probably going crazy whenever he is around. Napaka-feeling guwapo niya. Hmp! "No. I still think that this bar is not a safe place to hang out anymore, guys. Kung nakita niyo lang kung ano ang mga nasaksihan ko kanina, I bet you will already leave this place. Right at this moment," sabi ko na muli nilang ikinatahimik kaya naman napabuntong-hininga na lang ako uli. Hay nako. Dapat siguro ay hindi ko na sila isama pa sa kung ano man ang desisyon ko simula ngayon. I mean, nakakapagtampo na ayaw nila akong pakinggan but I get it. Matagal na kaming mga ciustomer dito kaya mahirap baliin ang paniniwala nila na hindi na  ligtas na lugar ang paborito namin na bar to hangout.  At isa pa, It's me that those men know and not them. Ako ang kilala ni Mr. Valerious kung kaya't hindi  ko na dapat idamay pa silang apat dahil sa kagagahan na ginawa ko. I just wish that they will not come here often because me. I will not come back here until I'm old and my friends hardly recognize me.  Napahinga na lang ako ng malalim bago ko hinarap si Tasha na nakatulala sa kaniyang inumin. "Sha, I'm sorry for spoiling this night. I think uuwi na lang ako ng maaga. May kailangan pa kasi ako gawin para bukas ay makapag-focus na lang ako sa paghahanap ng mapapasukan. Just enjoy the night, okay?" sabi ko na sinagot naman agad ni Tasha ng pagtango kung kaya't tumayo na ako mula sa aking upuan. "Do you need a lift? I will drive you home," biglang sabi ni Odessa na ikinangiti ko naman habang nakatingin sa mukha niyang seryosong nakatingin sa akin.  "Nah, don't leave your husband alone in here. Sige ka, baka lapitan iyan ng mga babae," biro ko na ikinanguso ni Odessa bago masamang tinignan ang asawa niya. "Don't worry, Odessa. I will be fine. Kukuha na lang akong Grab para hindi na ako maghantay sa sakayan."  "O-okay. Tawagan mo na lang ko or chat if nakauwi ka na, okay?" sabi ni Odessa na mabilis ko naman sinagot ng pagtango habang ako ay nakangiti sa kaniya.  "Sure," tanging sinabi ko bago nag-wave sa kanila at lumabas ng VIP room.  Napahinga na lang ako ng malalim bago tumingin sa buong hallway ngayon na walang katao-tao. I can feel my heart beating fast in nervousness. Thinking that in the corners of this hallway, there is someone who is already watching me pero agad din gumaan ang pakiramdam ko nang bigla ay makakita ako ng isang babae na lumiko sa hallway kung nasaan ako.  Natigilan ako nang bigla ay tumigil sa harapan ko ang babae kapagkuwan ay malawak na ngumiti sa akin.  "Hello, puwede ko ba matanong sa iyo kung saan ang comfort room? Bago lang kasi ako dito at hindi ko rin mahanap kung nasaan iyong mga kaibigan ko para tulungan ako. Can you help me?" sabi niya na ikinatigil ko.  The comfort room? Just thinking about what I just witnessed in the comfort room makes me want to not help this woman. I mean, gusto ko siyang tulungan dahil baka kailangan niya na talaga pumunta ng comfort room pero paano kung biglang bumalik ang tatlong lalakeng iyon at mabiktima siya? Paano kung bumalik sila dito para sa akin? "You look pale and worried. Is everything okay?" nag-aalala niyang tanong kapagkuwan ay mas lalo pang lumapit sa akin. "A-ano... sorry, Miss---" she cut me off by suddenly smiling so sweetly.  "Julia, Julia Vasquez is the name," pagpapakilala niya kapagkuwan ay hinawakan ako sa noo. "Wala ka naman sakit pero namumutla ka. Do you feel something wrong?" tanong niya na mabilis ko naman sinagot ng pag-iling pagkatapos ay lumayo sa kaniya.  "So-sorry, Julia. I can't help you kasi ano, eh..."  Think, Sheena! I don't want to be rude pero mas gusto ko na hindi siya tulungan makapunta sa comfort room.  "A-ano... I need to go na kasi. Mag-gagabi na rin, baka wala akong masakyan pauwi," sabi ko na mabilis naman niyang sinagot ng pagtango.  "Oh, it's okay. I understand naman. You know, women. Mag-ingat ka pauwi," sabi niya nang nakita bago ako tinalikuran. Shit! Tutuloy pa rin siya sa pagpunta sa comfort room. I should do something. Ayaw kong mapahamak rin siya kung sakali na tutuloy kung kaya't hindi pa siya nakakalayo ay mabilis ko siyang tinawag.  "Ju-julia!" pagtawag ko sa kaniya na ikinatigil naman niya sa paglalakad.  Maybe telling her to find her friends first before going to the comfort room is the best option. Mas maganda talaga na may kasama siya para naman kung may mangyari ay mabilis na makakatawag ng saklolo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD