Chapter 8

1568 Words
I feel like I want to surprise him so bad. Like I know and it's obvious that he thinks of me as a flirtatious woman but what if I change the character that he thinks of me? Paano kung biglain ko siya gamit ang isang babae na palaban? Dapat nga ay nakakaramdam ako ng takot ngunit gusto ko rin makaganti dahil sa lahat ng mga pinagsasabi niya sa akin kung kaya't hindi ko na inisip pa kung ano ang mga susunod na mangyayari. Mabilis naman ako tumakbo kaya alam ko sa sarili ko na makakatakbo agad ako palayo sa kaniya sa oras na mag-turn on na ang mafia beast mode niya. Hihihi!  And without further ado, I instantly raised my hand. Agad naman niya iyon sinundan ng tingin habang nakikita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. Napangisi na lang ako bago ko ginawa ang bagay na alam kong ikakagulat niya.  I slapped him. I slapped him hard. I slapped him so hard that even the sound of my slap to his face echoed to the whole parking lot.  I can feel my heart beating fast as I stare at Mr. Valerious while his face is facing to his right side.  "Oh, my god..." tanging nasabi ko nang ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin siya kumilos.  Oh, my god! I shocked him. Gumana ang plano ko at nakaganti pa ako. OMG!  "Do you know what you just did?" bigla niyang sabi na ikinakunot ko ng noo habang nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin na bigla na lang din dumating sa buong parking lot.  Napatingin ako sa paligid lalong-lalo na sa mga punong nakapaligid sa parking lot dahil sa kakaibang paggalaw ng mga ito dulot ng hangin na hanggang ngayon ay tumatama sa aking balot. What's happening right now is kind of creeping me. Lalo na nang magtama muli ang mata namin dalawa ni Mr. Valerious.  He's looking at me like I'm some pest that he wants to crush. Halatang-halata ang galit sa kaniyang mukha kung kaya't hindi na akong nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis akong tumalikod sa direksyon kapagkuwan ay mabilis na tumakbo palayo sa kaniya. Oh, my god! Oh, my god! Oh, my god!  I can feel my heart beating way faster than usual as I continue to run away from the dark parking lot where I could still see the headlights coming from Mr. Valerious' Maserati. s**t!  I think hit him too hard. What if he wants to kill me? What if because of what I did, he will use those mafia boys I've seen in the comfort room to send and kill me?  Dahil sa naisip kong iyon ay mas lalo kong binilisan ang aking pagtakbo hanggang sa makarating ako sa entrance ng bar kung nasaan sila Odessa at Tasha. Hindi ko na pinansin pa ang nagtatakang mukha ng bouncer na kakilala namin ni Tasha at Odessa nang makita ako na tumatakbo papasok ng bar bagkus ay dire-diretso akong pumasok sa bar.  Kahit na nasa dance floor na ako ay patuloy pa rin akong tumatakbo hanggang sa maabutan ko ang VIP room kung nasaan sila Odessa at Tasha. Hinihingal na tumigil ako sa harap ng pinto ng VIP room pagkatapos ay napahawak sa doorknob para suportahan ang aking sarili dahil sa nanghihina kong binti kakatakbo.  Rinig na rinig pa rin ang maingay na tugtugin sa buong bar ngunit himbis na ma-relax at maki-party ako ay labis na pagod ang nararamdaman ko ngayon. Nagsimula na rin ako mainitan dahil sa pawis na ngayon ay namumuo sa aking noo.  Shit. Buti at nakatakbo na agad ako palayo bago pa magkaroon ng serial killing sa parking lot. I know that what I did is rude and really wrong but that man has been judging me since he saved me from falling and getting my face ruined.  Napailing-iling na lang ako nang maalala ang pagtulong niyang iyon. What he did was something... nice. But the moment that he's done being nice, he started saying things that are not really nice. The words he said are kind of insulting but I guess, gano'n na talaga kapag lumaki na guwapo.  I bet na hindi lang ako ang babaeng sinundan siya at sinabihan niya na rin ng mga nakakainsultong salita. At saka, dala na rin siguro na galing siya sa isang pamilya ng mga mafia kung kaya't masama siya manalita.  Napailing na lang ako habang iniisip ang mga nangyari ilang oras lang ang nakalipas. I'm supposed to be chilling and partying, and I guess, drunk but those things did not happen. Unang-una ay nagmukha lang akong third wheel pero hindi ko rin kasi matanggihan si Tasha lalo na at kaarawan nito pero inis pa rin ako dahil ginugol ko lang ang buong oras ko na pinapanood ang dalawa kong kaibigan na makipaglampungan sa kanilang mga bebe samantalang ako ay nganga.  Gosh! I'm already twenty-seven pero hindi ko alam kung bakit napakamalas ko sa pag-ibig. Araw-araw naman ako naliligo at lagi akong maporma kahit na sa trabaho. Mabait din naman ako at hindi mabunganga para sa lokohin ng mga ex-boyfriend ko.  Hay. Napahinga na lang ako bago pinihit ang doorknob ngunit mabilis akong napangiti nang bigla ay malakas na bumukas ang pinto ng VIP room. Kasabay din ng pagbukas ng pinto ay ang pagkahila ng katawan ko papasok sa VIP room gawa ng nakahawak pa rin ako sa doorknob kung kaya't halos masubsob ako sa sahig kung hindi lang may nakahawak ng braso ko para muli akong makatayo.  "Sheena!" rinig kong sigaw ni Odessa.  "Oh, my gosh! Sheen, are you okay?" rinig ko naman na sabi ni Tasha.  Oh, my god! Muntik na naman akong masubsob. Dahan-dahan akong napalingon sa taong sumagip sa akin mula sa pagkakasubsob. Hindi ko mapigilan na mamula nang makita kung sino ang sumagip sa akin.  "Thanks, man. Buti at nasagip mo itong si Sheena," rinig kong sabi ni George para sa lalaki na ngayon ay nakatingin rin sa akin.  Shit. This Kyle who seems someone George knew is so handsome. He has this white hair that I don't know if he dyed it or if it was his natural hair color but it looks so cool in him. He's also tall just like Mr. Valerious that I even need to look up just to look at his face.  "T-thank you," tanging nasabi ko habang pinipigilan ang sarili ko na mapangiti ng sobra dahil sa kilig.  Ngumiti siya sa akin na mas lalo kong ikinakilig. Oh, my f*****g gosh! He's the second guy that I found so handsome after Mr. Valerious. I mean, hindi man ako nakapag-chill kagaya ng sabi ni Tasha pero parang blessed naman ako sa mga nakikilala kong lalake ngayong gabi.  "Nah, sorry. I am the one at fault. If only I opened the door not so hastily, you will not fall like that," he said, apologetically which made my heart swoon.  "But you save me so still..." I said before smiling sweetly. "Thank you." "Okay. You're welcome, Sheena. Always be careful, okay?" sabi niya habang nakangiti na agad ko naman sinagot ng pagtango bago niya ako sinaludohan at tuluyang lumabas ng VIP room.  "Well, I guess we have found someone you can have a blind date with," biglang sabi ni Odessa na dahilan para mapalingon ako sa kanilang apat na ngayon ay pare-parehong nakatingin sa akin ng kakaiba.  "W-what do you mean?" tanong ko kay Odessa kapagkuwan ay dahan-dahan lumapit sa upuan kung saan ako nakapuwesto.  "Kyle is also finding someone to date with and I'm one of his friends so..." sabi ni George na ikinakunot ko ng noo.  "You want me to have a blind date with him?" hindi ko makapaniwalang sabi kay George.  "Kyle is a good guy, Sheena. Siya ang tumulong kay George para makahanap ng trabaho na may malaking sahod. Siya nga din ang ninong ng anak ko. Spoiled na nga ang panganay ko na iyon dahil kada linggo ay may pinapadala si Kyle na laruan, kung hindi laruan ay puro school supplies na puro mamahalin ang presyo sa National Book Store," sabi ni Tasha na ikinataas ko ng kilay.  "Sha, pahingi nga ng number ni Kyle. Try ko rin siya gawin ninong ng sunod namin na baby," sabi ni Odessa na ikinatawa ni George at Tasha.  "No can do. May one ninong policy iyon si Kyle," sabi ni Tasha na ikinataas naman ng kilay ni Odessa. "Seryoso ba iyan? Damot mo, ha!" sabi ni Odessa kapagkuwan ay napahalukipkip sa bebe niya na ikinaikot ko naman ng mata.  "Pero seryoso, hindi ko kilala iyong ta---" "Hay nako, Sheena. Kaya nga tinawag na blind date, hindi ba? Iyon nga lang ay kilala mo na siya samantalang iyon si Kyle ay hindi niya alam na ikaw ang blind date na sinet up ni George para sa kaniya," sabi ni Tasha na ikinabuntong-hininga ko.  Ready na ba ako para makipag-date uli? I mean, nasaktan pa rin naman kasi ako kaya medyo takot ako at napapaisip na baka si Kyle ay wala rin naman pinagkaiba sa mga lalakeng nakilala ko na parehong hindi naman seryosong relasyon ang hinahanap kagaya ng gusto ko.  "Nako, huwag niyo na lang madaliin iyan si Sheena. Saka na ang boy problem kapag nakahanap na siya ng trabaho at nakapag-settle na siya doon sa nilipatan niya. Matagal pa naman siguro ang blind date, blind date na iyan hindi ba, George?" biglang sabi ni Odessa na ikinaluwag naman ng kalooban ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD