Chapter 1

1090 Words
SHEENA'S POV Mariin akong napapikit habang nakakaramdam ng kaunting pagkakonsensiya dahil sa sinabing iyon ni Tessa.  Damn it! Of all occassions, bakit ang kaarawan pa ni Tasha ang nakalimutan ko. Matampuhin pa naman ang babaeng ito lalo na ngayon dahil sa pagbubuntis nito. Sana lang ay hindi siya magtampo ng sobra.  "Teka, Tasha..." Napameywang ako habang tinitignan ang buong living room na puno ng kahon kung saan nakalagay ang mga gamit ko. "Pasensiya na kung nawaglit sa isipan ko na kaarawan mo ngayon. I'll make it up to you, I promise," malumanay kong sabi.  "No..." sabi ni Tasha na ikinabuntong-hininga ko na lang. At nagsimula na nga ang pagtatampo niya. "Ano ka ba, Sha? Anong gusto mong gawin 'ko? Ewan ko iyong apartment na magulo?" tanong ko na sinagot naman niya agad.  "Yep. But it's not just because of my birthday but because..." Rinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "I also want you to chill, Sheen. Iyong pagkakatanggal mo sa trabaho. I think blessing in disguise na rin 'to. Alam kong hindi ka boba, Sheen. Iyon nga lang ay nagpapakamanhid ka sa katotohanan na overwork ka naman sa boss mo na iyon samantalang minimum naman ang sahod mo. Hindi ka pa nagawang bigyan ng tip ng boss mong madamot noong Christmas."  Malalim akong napahinga matapos marinig ang sinabing iyon ni Tasha. Totoo nga at labis na trabaho ang ibinigsak sa akin ng boss ko. Masyado itong tamad sa mga meetings at mas gusto laging magpa-party kaysa basahin ang mga dokumentong iniiwan ko at natatambak sa lamesa nito.  Kaya naman ay nagkataong lagi akong stress at puyat kakaisip hindi lang sa pamilya ko ngunit pati na rin sa trabaho ko at maging sa kompanya. Halos ako na rin ang nagpapatakbo ng buong kompanya noong mga panahon na iniiwan sa akin ng boss ko ang mga gawain niya ngunit kahit kailan ay hindi ko magagawang  maisalba ang kompanya mula sa pagkaka-bankrupt.  Nang ma-bankrupt ang concierge company na pinapasukan ko ay maraming tao kagaya ko ang nadismaya lalo na't sa balitang lahat kami ay ipapatanggal na lamang sa trabaho. May puntong gusto kong sugurin at bulyawan na rin ang boss ko dahil sa pagiging wala nitong pakialam sa sarili nitong kompanya ngunit wala na lang akong ibang nagawa kung hindi sumabay sa mga katrabaho ko na umalis sa trabahong buong taon kong ikina-stress.  We workers did what we can do best but it's our leader who has done nothing but let us work without being led. Tama si Tasha sa sinabi niya ngunit kailangan ko pa rin kumikilos kahit wala na ako sa trabaho. Kakalipat ko lang rin ngayon at hindi ko alam kung hanggang anong petsa pa aabot ang natitirang pera mula sa huling sahod na nakuha 'ko.  "Pero ano ba dapat ko gawin? Anong gusto mong gawin ko? Iwan 'tong apartment na magulo? Sha, I understand that you will hate me for having second thoughts about this but I really need to focus on finding a job first. Hindi puwedeng umasa ako sa inyo ni Odessa na laging humi--" Tasha cut me off. "And who said na umaasa ka sa amin, kahit nga ayaw ka namin pabayarin ay binabayaran mo pa rin ang hiram mo , 'di ba? Saka huwag ka mamoblema sa pera. Huwag ka gumaya sa mga taong puro pera na ang pinoproblema. May iba pang bagay ka dapat isipin, Sheena. Like my birthday. I want you to come. Magba-bar kami." Marahan akong umiling kahit na alam kong hindi iyon nakikita ni Tasha. "I can't, Sha. Really. I don't..." Malalim akong huminga habang iniisip kong paano 'ko sasabihin kay Tasha na wala akong maire-regalo sa kaniya.  "What? You don't what?" nagtatakang tanong ni Tasha sa kabilang linya. "Maybe you just don't want to go." The heck! Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Umaandar na ang pagkamatampuhin ni Tasha. Mahina akong napasabunot sa buhok ko kapagkuwan ay napangiwi sa mga sumunod na sinabi ni Tasha. "Fine! I get it! You don't want to go? I understand you don't--"  "Sha, stop. It's not because I don't want to come." Saglit akong tumigil para huminga bago nagsalita. "Wala akong regalo na maibibigay sa iyo. Nahihiya akong pumunta dahil do'n." Saglit na tumahimik sa kabilang linya bago ko muling narinig si Tasha na ngayon ay tumatawa. "Seryoso ka diyan, Sheena? Alam mo, hindi na uso ang rega-regalo sa kaarawan. Kung bata pa tayo, siguro magagalit ako pero noon iyon. Sa mga kaarawan ngayon, mas uso lumantakan kaysa magbigay ng regalo." Hindi ko mapigilang mapatawa sa sinabing iyon ni Tasha lalo na't nang maalala ko iyong araw na kaarawan ni Christine kung saan pumunta kaming tatlo ni Odessa at Tasha na parehong walang dala na regalo. Iyon ang unang beses na pumunta ako sa isang birthday na walang dalang regalo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ni Christine na mukhang dismayado habang pinapanood kaming tatlo na kumain ng marami at nag-uwi pa ng makakain. Hiyang-hiya ako ng mga oras na iyon pero dahil kay Tasha at Odessa ay nawala rin ang pakiramdam na iyon. "So ano? Pupunta ka na? Later this night? At our usual favorite bar?" biglang tanong ni Tasha sa kabilang linya. Napaisip ako habang tinitignan ang mga kahon na nakalat ngayon sa living room. Should I go?  Kung pupunta ako ay paniguradong hindi ako magigising ng maaga bukas para rin makapag-ayos pa. Knowing Tasha and Odessa, they won't let me go too if I ask to go home. Kahit kailan ay hindi  nila ako pinayagan umuwi mag-isa. They know me well. Kahit lasing sila ay hindi nila ako papayagan umuwi ng maaga. Mas gugustuhin nilang sumabay ako ng pag-uwi sa kanila.  Should I go? Muli kong tanong sa isip ko.  "So are you going? Are you going? Are you going?" Makulit na tanong ni Tasha na ikinailing ko na lang habang nakangiti. "Are you sure you're not going to kill me after knowing that I don't have a gift for you?" Nakangiti kong tanong bago muling nagsalita. "Kasi kilala kita, Tasha Singson. I know you fancy gifts. Baka naman pagkadating ko sa bar ay sambunutan mo ako o baka painumin ng lason, ha?" Narinig ko ang pagtawa ni Tasha sa kabilang linya bago niya ako sinagot. "Sira! Hindi naman ako immature ano. Saka your presence on my birthday is more important than a gift. If you don't have a gift, then, might as well come later. Give your presence as a gift."  Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ni Tasha bago siya sinagot. "Fine." I'm going.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD