Chapter 2

1076 Words
SHEENA'S POV May tatlong oras pa rin naman ako bago pumunta sa bar kung saan ko kikitain sila Tasha at Odessa kaya naman nag-ayos muna ako at naglabas ng ilang gamit ko sa mga kahon. Mas nag-focus ako sa pagsasa-ayos sa kuwarto para na rin sigurado ako na maayos ang matutulugan ko bago umuwi mamaya.  Nang matapos ako sa kuwarto ay may natitira pa rin akong oras kung kaya't naisipan ko muna tumambay sa mga sites kung saan puwede ako makahanap ng trabaho. Ilang minuto rin ako nagba-browse sa second hand kong laptop nang biglang marinig ko ang pag-pop up ng cell phone ko, senyales na may na-receive akong message. Kinuha ko ang cell phone ko kapagkuwan ay binuksan ito para makita ang isang message galing kay Odessa. Odessa Mendez: Wear something bold. Birthday girl's order.  "What?!" gulat kong sabi kapagkuwan ay napatingin sa suot kong simpleng polo shirt at jeans. "s**t! Akala ko pa naman okay na 'tong suot ko. Wala na akong oras maghagilap pa!" inis kong sabi kapagkuwan ay mabilis na lumapit sa mga kahon na itinabi ko.  Natataranta na ako. Hindi ko alam kung saan ko inilagay ang mga damit kong pang-night out tuwing lumalabas ako kasama sila Odessa. Dapat pala talaga nilagyan ko ng pangalan ang lahat ng kahon para alam ko kung saan hahagilapin iyong mga gamit ko. Kainis! Pumili na lang ako nang isa sa mga kahon na itinabi ko at binuksan iyon. Puro gamit pang-kusina ang bumulaga sa akin kung kaya't agad akong gumalaw at binuksan ang mga kasunod na kahon hanggang sa makita ko ang mga damit ko sa ika-anim na kahon na binuksan ko.  I sighed in relief as I fix myself and stood straight. Napaisip ako sa message ni Odessa kung saan sinasabi niyang magsuot ako ng something bold. I don't know what Tasha means about wearing something bold but what I know is that I should look sexy.  "Right, I will wear..." I took my violet lace top with a low cut in the back out of the box. "Sexy and..." Napatingin ako sa ilan pang pagpipilian ko hanggang sa mapansin ko ang itim kong leather leggings. Nakangiti akong nilabas iyon sa kahon kapagkuwan ay mabilis na kinuha ang cell phone ko para i-message si Odessa.  From Sheena Dawson: Challenge accepted! Matapos kong mai-sent ang message ko ay agad rin akong dumiretso ng banyo para mag-shower. Ilang minuto rin ang nakalipas bago ako natapos kapagkuwan ay mabilis na nag-apply ng make-up at nagbihis.  Saktong alas-dyes ng gabi ay natapos akong mag-ayos. Pinatay ko muna ang kuryente sa buong apartment bago ni-lock ang apartment ko at umalis. Nang makababa ako sa building ay mabilis rin akong pumara ng taxi. Hindi rin masyadong ma-traffic dahil sa gabi na kung kaya't mabilis lang rin akong nakarating sa destinasyon ko. Agad akong nagbayad sa taxi driver bago bumaba.  Mula sa labas ng bar ay rinig ko na agad ang malakas na tugtogin mula sa loob. Marami-rami rin ang nakapila para pumasok ngunit dahil sa customer na kami nila Odessa sa bar ay kilala na ako ng mga bouncer.  Agad na ngumiti sa akin ang bouncer nang makita ako nito na papalapit sa entrance. "Good evening, Miss Sheena." Ngumiti ako bago nagsalita. "Magandang gabi rin, Kuya. Nasa loob na ba sila Tasha?'  "Yes, Mam. Pasok na po kayo at kanina pa po kayo hinahantay nila," magiliw na sagot sa akin ni Kuya kaya naman tumango ako bago nagpasalamat.  Nang makapasok sa loob ay agad na sumalubong sa akin ang malakas ngunit may pagkamakiri na musika sa loob ng bar. Pansin ko ang ilang paglingon sa akin ng mga lalake habang patungo ako sa usual spot namin nila Odessa ngunit hindi ko iyon pinansin at umiling.  Boys. So obvious when they want something.  Dumiretso ako sa pangalawang private room kung saan nakita ko si Tasha at Odessa na parehong kasama ang mga asawa nila. Ngumiti ako bago sila binati. "Hello everyone!" Nanlaki ang mata ni Tasha nang makita ako samantalang si Odessa naman ay nginitian lang ako. Tumayo si Tasha para salubungin ako kung kaya't agad ko rin siyang niyakap.  "Oh my gosh, you are really here! You know for a second, I was thinking that you're having second thoughts but you're really here! You have no idea how much you made me happy!" masayang bati sa akin ni Tasha na ikinatawa ko naman.  "And I'm happy that I made you happy, Tasha. Our birthday girl!" sabi ko nang biglang magsalita si George na asawa ni Tasha.  "You are making me jealous, Sha. Pinaglilihian mo ba si Sheena? Parang mas masaya ka pa kay Sheena, ah!" may pagtatampong sabi ni George na agad naman ikinasimangot ni Tasha.  "Heh! Ang drama mo," inis na sabi ni Tasha kay George na ikinanguso rin ni George. "Gosh, since when your boyfriend become so childish?" natatawang bulong ko kay Tasha na ikinahagikhik naman niya. " Since he found he's having child. Lagi nga akong iniinis, eh. Unting galaw ko lang ay pinapahiga na agad ako," Tasha said that made laugh.  Thank God my friends are blessed. Ilang beses ko rin sila nasubaybayan na nasaktan at umiyak nang napakaraming beses bago sila nabigyan ng mababait na mga kinakasama. Halos pareho lang rin kami tatlo ng estado sa buhay. Noong nasa probinsya pa kami ay halos pare-pareho lang ang tingin sa amin.  Mula sa mayayamang pamilya na may pagmamay-aring hacienda. Malaki ang expectation sa aming tatlo in which made the three of us pressured. When Odessa revealed that she's pregnant, her family wasn't so happy about the baby. Pareho pa kaming gulantang nang malaman na binalak na ipalaglag ng mga magulang ni Odessa ang anak niya ngunit nang malaman rin iyon agad ni Odessa ay agad itong umalis sa kanila.  Instead of her parents, it's Odessa who knew that abortion and killing an innocent life is forbidden and terrifying. Kaya naman kahit buntis si Odessa habang ang asawa niya ngayon ay naghihirap pa sa pagtatrabaho noon ay pareho silang naglakas ng loob para lumuwas patungong lungsod.  Noong mga panahon na iyon ay nawawalan na rin ako ng komunikasyon kay Tasha dahil na rin sa balitang natanggap nila Mama at Papa na nabuntis si Odessa. Tasha was pressured for being one of the top notcher in our university to the point that she rebelled against her parents. Nakipagrelasyon siya sa lalakeng hindi niya kilala ang pagkatao kung kaya't nang madisgrasya siya nito ay iniwan siya nitong buntis. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD