Chapter 3

1542 Words
But to make the story short, my best friends experiencing early pregnancy is no joke. Mahirap dahil minsan na nila nakuwento sa akin kung paano nila nalagpasan ang mga panahong nahihirapan silang mag-alaga sa kanilang mga anak, lalo na si Odessa na umalis sa puder ng mga magulang niya na buntis. I could not imagine how complex her problem was since she's pregnant, but if  I were put in her position too, I don't wish to abort my own baby. Masyado iyong hindi makatarungan lalo na't inosente ang bata mula sa mga pagkakamaling nagawa ni Odessa at ng desisyon ng magulang ni Odessa na ipa-abort ito. Kaya masaya ako na pinili ni Odessa na maging matapang at maging Ina. Deserve niya ang kung anumang bagay na nararapat para sa kaniya at kahit ano man klase ng kasiyahan na minsan nang ipinagkait sa kaniya ng mga magulang niya. Pareho nakaranas ng paghihirap ang mga kaibigan ko kung kaya't naiintindihan ko kung bakit minsan ay mas mature pa silang mag-isip kaysa sa akin. Kilala ko sila pero mas kilala nila ako na hindi nagpapatalo tuwing may argumentong nagaganap, na hindi ako basta-bastang napapa-oo o agree sa kung sa ano man ang kanilang pinaniniwalaan. Pero not to the point na nagkakasakitan kami kasi nasanay na rin kami na medyo harsh magsalita sa isa't isa at isa pa, they're like sisters to me. I mean, unica hija kasi ako kung kaya't natutuwa ako na mga kaibigan s***h kapatid ko sila. May mga differences man kami sa way ng pag-interpret namin sa mga bagay-bagay o interest, our differences ways of thinking has never become the reason for us to drift apart. We are more like, tinatanggap din kung ano ang opinion ng isn't is. And I love their way of taking care of me. Because just like what Tasha has said, I was overworked. Hindi biro ang mga dinanas ko dahil sa walang kuwentang CEO ng pinagtrabahuan kung kompanya. Kahit na ang issue ay pinuwersa ang boss ko ng tunay na CEO ng kompanya para ito ay matuto nang humawak ng business, they should have known na kahit kailan ay hindi seseryosohin ni Ely ang pagkokompanya. And the word overworked is just an understatement to describe what I have experienced because the son of a b***h was also a burden. Pinagkalat ni Ely ang pagiging kasali ko daw sa mga babae niya na naging dahilan para magalit sa akin ang ilan sa mga kababaihan na kasama ko sa trabaho. Guwapo rin naman sana si Ely at kung masipag ito ay baka nga talagang landiin ko ito pero hindi nakaka-turn on ang pagiging tamad at pagkababaero niya. Sadyang bulag din ang mga kababaihan na nagseselos sa akin dahil sa pinagkalat ni Ely na wala rin naman katotohanan. Hindi ako tanga para hayaang madikit ang sarili ko sa kagaya ng boss kong wala naman naging dulot sa kompanya ng sarili niyang ama. Totoosin ay medyo naiinis ako sa pagiging carefree ni Ely dahil maraming mahihirap ngayon sa Pilipinas at hindi rin naman sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa buong mundo. Kung ako ang nasa posisyon ni Ely ay marami akong gagawin hindi para lang sa kompanya kung hindi pati na rin sa mga taong nangangailangan. Napabuntong-hininga na lang ako. Dahil sa mga naiisip ko ay hindi ko na napansin na kasama ko pa rin sila Odessa at Tasha. Nang mapalingon ako sa kanila ay hindi ko rin mapigilang mapailing. Now, look at them. Pinapunta nila ako dito to unwind and chill but here I am, feeling pressure to find a guy as I watch   both of my best friends getting close to their husbands, making me jealous as I can see that it's not just the hormones kicking on their system but love. Hmp! Bakit naman kasi ang tagal dumating ng magiging baby ko. I don't want to feel left out anymore every time that I'm with them and seeing them with their husbands so happy. Tch! I can't help but feel frustrated. Asar na hinablot ko ang isang bote ng beer sa babasaging mesa na nasa harap namin kapagkuwan ay uminom. I don't know kung ilang oras na kami nandito but I'm already starting to feel tipsy. Not that I have a low alcohol tolerance. After putting down the beer, I rolled my eyes after seeing Tasha and Odessa so close now with their husbands. "Oh, god! Guys, get a room!" medyo inis kong sabi na ikinatawa naman ni Odessa at Tasha habang nakatingin sa akin. "Opps, sorry. Definitely not remember there's someone single here," may pang-aasar na sabi ni Odessa na muli ko na naman ikinaikot ng mata. "Ewan ko sa inyo," sabi ko bago muling hinablot ang beer sa babasaging mesa na nasa harap namin at uminom. "Hay, kailan ka kasi magkaka-jowa ng matino?" tanong ni Odessa kapagkuwan ay sumimsim sa kaniyang inumin. "Hindi ko tuloy alam kung ikaw ang may problema. Hindi ka naman na mukhang multo." Napangiwi naman ako sa sinabing iyon ni Odessa. "Grabe ka naman sa akin," hindi makapaniwalang sabi ko. "Multo talaga?!" "Eh, kasi naman. Hindi ba at sa gano'ng itsura ka namin nakilala? Long hair, loner and kind of creepy," sabi ni Tasha na ikinahilamos ko na lang ng mukha. Well, what Tasha said is kind of true. Medyo weird talaga ako noong nakilala nila ako noon dahil na rin sa nakahulugan ko mag-emo but of course, isa talaga iyon sa phase ng mga kababaihan kagaya ko. "Ang layo ng pagiging multo sa pagiging emo, ha," sabi ko na ikinatawa nilang dalawa. "But still, I do believe in ghost. If there's balance in this world then I believe that there's dead coexisting with us living," sabi ni Odessa na ikinatawa ko naman ngayon. "Why are we even talking about ghost?"    natatawa kong tanong. "Just to past time but I don't believe in ghosts. Only Odessa does," sabi ni Tasha na para bang ikinahihiya si Odessa. "Heh! Tignan mo, kapag ako namatay ng maaga sa atin tatlo, ikaw una kong mumultuhin nang malaman mong totoo sinasabi ko," sabi ni Odessa kapagkuwan ay uminom. "Whatever," tanging sinabi ko bago tumayo. "Excuse me, love birds. Comfort room lang ako," sabi ko bago sila tinalikuran at lumabas ng VIP room. Geez. Naaalibadbaran ako sa kalandian at pagka-weird ni Odessa. Iba talaga ang tama ng alak sa dalawang iyon. Dapat siguro ay hindi na muna ako pumunta dahil nagmumukha lang din akong third wheel. "Tsh," inis akong naglakad palapit sa comfort room habang pinipilit ang sarili ko na hindi matumba. Dapat rin siguro ay hindi ako uminom ng marami ngayon dahil paniguradong late na naman ako magigising nito bukas kaysa makagawa pa ako ng maraming bagay na kailangan ko ma-accomplish. Ayaw ko na naman umabot sa punto na umasa ako kanila Odessa at Tasha habang sila Papa at Mama. "Excuse meeee," agad kong sabi nang bigla na lang ay sumulpot na lalake sa dinadaanan ko. Balewala ang pag-excuse ko dahil nabangga pa rin ako sa matikas niyang likod. Hihi, yum. Tila nanigas sa kinatatayuan nito ang matangkad na lalake na ngayon ay pinipisil-pisil ko ang braso. Oh, may muscles! I giggled before shaking my head, stopping myself from being embarrassed more. s**t. "Sorry, I'm just tipsy. I will let you go now," sabi ko kapagkuwan ay marahan na tinapik-tapik ang braso ng lalake na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako hinaharap kung kaya naman ay agad na akong tumalikod. Mabilis akong naglakad palayo habang nakakaramdam ng medyo pagkahiya dahil sa ginawa ko. Buti na lang at hindi siya lumingon pero nakakapanghinayang din na hindi ko nakita ang mukha niya. I bet guwapo siya. Hihihi! Kinikilig na pumasok ako ng comfort room habang ini-imagine ang mukha ng lalakeng nabangga ko kanina. Mabilis na pumasok sa ilong ko ang mabahong amoy ng comfort room. Yuck! Agad akong lumapit sa isang sink at yumuko nang maramdam kong nasusuka ako at hindi nga ako nagkamali lalo na nang makakita ng dugo malapit sa strainer ng sink. Patuloy kong nilabas ang suka ko pero medyo naiilang ako sa dugo na nakikita ko kung kaya't pumikit ako habang patuloy na nilalabas ang nakain ko kanina. Shit! Ang dumi naman dito ngayon. Ang unusual lang dahil laging malinis dito tuwing nagko-comfort room ako noon kasama sila Odessa at Tasha. Medyo nakaramdam ako nang panghihina matapos kong maisuka ang lahat ng nakain ko. Agad kong binuksan ang faucet para ma-drain ang pinaghalong suka at dugo na nasa pinag-gamitan kong sink. Yuck. Kung nakikita lang ako nila Odessa at Tasha ngayon, parehong mandidiri rin ang dalawang iyon. Buti na lang at wala rin akong kasabay dito sa comfort room. Nang makita ko na wala na ang bahid ng suka at dugo sa sink, nanghihina na naglakad ako palapit sa sink at hinugasan ang bibig at kamay ko. Medyo binasa ko rin ang mukha ko nang sa gano'n ay mahimasmasan ako sa pagkalasing. Matapos kong gamitin ang sink, agad akong pumasok sa isang cubicle, sinarado ang pinto no'n at ni-lock para maka-ihi. Agad akong nakaramdam ng ginhawa habang nakaupo sa toilet. "Oh, s**t," mahinang bulong ko. Natigilan ako nang bigla na lang ay nakarinig ako ng malakas na pagbagsak na sa tingin ko ay pinto ng isa sa mga katabi kong cubicle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD