CHAPTER 15

961 Words

“BERRY, WAIT!” Diretso lang sa si Berry paglalakad kahit siya sigurado sa direksyon niya. Bahala na basta makaalis lang siya sa lintik na lugar na iyon. At gusto na rin niyang makaligo dahil nanlalagkit na siya sa amoy niya, mabuti sana kung puwede niyang kainin ang amoy kalderatang damit na iyon. Isa pa… Hindi na niya kayang magpanggap na matapang sa harap ng hinayupak na mga taong iyon. Oo, kulang pa ang ginawa niyang pagmumura sa mga ito sa harap ng presidente ng bansa. Kulang pa iyon, dahil para lang sa mga kapatid niya ang ginawa niyang iyon. ‘Yung para sa hinanakit na nararamdaman niyang walang kinalaman sa pamilya Banal, iyon ang gusto niyang mailabas pero hindi sa harap ng mga taong iyon. Ayaw niyang ipakita ang parteng iyon ng pagkatao niya sa mga punyetang iyon. Lalo na sa ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD