“O, BERRY. DUMATING KA NA PALA.” Si Aklay ang nabungaran ni Berry pagtingala niya mula sa kinuupuan niya sa harap ng nakabukas na pridyider. “Oo. Kadarating ko lang. Nakialam na ako dito sa pridyider mo, ha? Nagugutom na kasi ako, eh.” “Bakit, hindi ka ba pinakain ni Matthew? Magtatanghalian na, ah.” Inilapag ni Aklay ang isang basket ng mga gulay sa ibabaw ng lamesa. Sa kabila ng pagiging isang sikat na chef ni Aklay sa Sagada at sa Baguio, hindi maintindihan ni Berry kung bakit nasa mansion nila ito at ipinagluluto ang dispalinghagong pamilya ng mga Banal. “Natulog lang ako sa biyahe, eh.” Ipinagpatuloy lang ni Berry ang paglantak sa cake sa kanyang plato. “May LQ kayo ni Matthew, ano?” “LQ?” “Lover’s quarrel. Away ng magsing-irog.” Nakangiti pa siyang kinindatan ng kusinero haba