NAPATINGALA SI BERRY sa nagdidilim na langit. Uulan na naman sigurado. Parang isla na naman nito ang kanilang munting barangay kapag nagkataon. “Sana huwag masyadong malakas. Maawa kayo sa pridyider ko, Lord.” “Mataas na ng isang baitang ang bahay nyo, ah. Napataasan na ng Tiyang mo noong nakaraang buwan kaya huwag ka ng mag-alala na abutin na naman kayo ng baha.” Nakangiting nilingon ni Berry si Mang Roming. “Oo nga, eh. Nagulat nga ako pagdating ko. Yumaman kami ng isang baitang!” “Para daw hindi na kayo laging naghahabol sa pag-tataas ng mga gamit nyo tuwing bumabaha.” Naupo sa mahabang silyang kahoy si Berry at tinanggap ang ibinigay na isang mangkok na umuusok na sabaw mula kay Mang Roming. “Mabuti naman at nakaramdam din si Tiyang. Sumasakit na rin nga ang likod tuwing binubuhat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books