"Ano sabihin mo, Phrixx!" sigaw ni Maxe. "Sir." singgit ni Jake at lumapit ito sa kanya at may binulong ito. "What?!" sabi naman ni Phrixx, saka kinuha nito ang kanyang phone at nauna na itong lumabas sa opisina. "Phrixx!" sigaw ni Maxe, hahabulin pa sana niya ito ngunit wala na si Phrixx. Kaya gigil na gigil si Maxe. "Sabi ng huwag papasok, buti nga sayo." pasaring ni Melvie nang makitang lumabas si Maxe sa opisina ni Phrixx na galit na galit. "Hoy! Kulot may sinasabi ka?" galit na tanong ni Maxe. "Kausap ko hangin." sagot naman ni Melvie. Hindi na nagsalita pa si Maxe, at umalis na rin ito. "Brent, sunduin mo muna si Stella, at ihatid mo muna sa condo. Puntahan mo kami kapag naihatid mo na siya, at siguraduhin mong walang sumusunod sa inyo. Alam kong gagawa ng paraan si Maxe, mat