"Mom, may asawa na ako!" sigaw ni Phrixx, dahil sobra na talaga siyang naiirita sa pagiging pakialamera ng kanyang ina tungkol sa kanyang love life. "Ha? tama ba ang narinig ko?" gulat na tanong ni Donya Ellen. "Tita, babalik na lang ako soon." paalam ng babaeng kasama ni Donya Ellen, at umalis na. Nagkatinginan naman sina Jake at Brent, dahil sa sinabi ni Phrixx. "Mom, ilang beses kong sinabi sa'yo na please lang, huwag n'yo nang panghimasukan ang buhay ko." inis na sabi ni Phrixx sa ina. Ang dami na niyang problema dumagdag pa ang kakulitan ng kanyang ina. "Huwag mong sabihin sa akin Phrixx na totoo ang sinabi mong may asawa ka na?" ulit ng ina. "Mom, anong tingin n'yo sa akin?" ani Phrixx. "Hindi ako papayag na may asawa ka na, at nililihim mo pa sa akin! Hindi Phrixx!" galit n