Gulat na gulat naman si Maxe sa kanyang nakita. "Anong ginagawa mo rito?" taas kilay na tanong ni Maxe sa kararating lang. "Anong pakialam mo kung nandito ako? ikaw ba mag-ari ng kumpanyang ito?" mataray na sagot ng babae kay Maxe. Naiiling na lang si Phrixx, dahil magsisimula nanamang sasakit ang kanyang ulo. "Dexie, please stop!" suway ni Phrixx dito, alam niya kasing hinding-hindi ito papatalo mula noon hanggang ngayon. "Hindi ko alam na rito pala nagwowork ang babaeng 'to." ani Dexie kay Maxe, sabay taas kilay. "So you mean dito ka rin magwowork?" kunot noong tanong ni Maxe kay Dexie sabay tingin kay Phrixx na nagtatanong ang mga mata. "Yes. bakit may angal ka?" tanong ni Dexie kay Maxe. "Phrixx, naman." ani Maxe. "Maxe, please bumalik ka na muna sa work mo." ani Phrixx. "Hin