Biglang natauhan si Stella, at naitulak niya si Phrixx. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kanyang room at agad nagsara ng pinto. Habol hininga siyang nakatayo sa likod ng kanyang pinto. Kung hindi siya natauhan ay baka kung ano pa ang nangyari. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung anong nangyayari sa kanya, alam niyang mali ang mahalin si Phrixx, dahil una boss ito ng kanyang mga magulang, at sa lupain ni Phrixx sila nakatira, simula noong nagmulat na siya ng kanyang mga mata sa lugar na iyon na siya lumaki. Malaki ang utang na loob nila sa kanilang amo na si Phrixx, lalo na ngayon na kinupkop muna siya nito, dahil sa kanyang nararamdamang sakit. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga magulang at si Phrixx. -- -- -- Dali-dali namang uminom ng malam