Napahawak na lang sa Phrixx sa kanyang ulo, hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Apat na babae na nasa kanyanh harapan, hindi niya alam kung sino ang uunahing suwayin. "Mom, Maxe, Tamina at Melvie, kung gusto n'yo mag-away-away dito sa loob ng opisina ko puwede pumunta kayo sa park at doon kayo, huwag dito!" sigaw ni Phrixx. "Ay aba, Sir, wala akong alam, hindi naman pati ako kasali ah." ani Melvie. "Lumabas ka na." utos ni Phirxx kay Melvie sabay turo sa pinto. Naiwan sina Tamina, Maxe at Donya Ellen sa loob, na parang mga tigre ang mga mata, parang nag-aaway ang mga mata ng tatlo. "Tamina, ano na naman ang ginagawa mo rito?" tanong ni Phrixx. "Aba, malamang ipipilit na naman niya 'yong anak niyang n***o!" galit na singit ni Donya Ellen. "Mom, hindi ikaw ang kinakausap ko." ani