"Bakit daw ano'ng nangyari?" napatayo pa si Phrixx sa pag-aalala. "Pinatay na niya ang tawag." ani Brent. "Kunin mo ang sasakyan dali! pupuntahan bati siya sa condo!" sigaw ni Phrixx sa dalaqa at nauna na itong lumabas kang kanyang opisina. Sumunod at nagmamadali ring lumabas sina Brent at Jake. Habang nasa beyahena sila ay panay pa rin ang tawag ni Brent kay Stella ngunit walang sumagot. Mas lalong nag-aalala si Phrixx kay Stella, kung ano ang nangyari sa kanya. "Bilisan mo pa ang pagpapatakbo si Jake!" utos ni Phrixx. Halos paliparin na nga ni Jake ang kanilang sasakyan makarating lang kaagad sa condo. Habang papalapit na sila condo ay sinuot ni Phrixx ang isang itim na facemask at nagsuot din ito ng sombrero para hindi siya makilala ni Stella. Pagdating nila ay kaagad na umakyat sin