Parehas silang late na nagising, masarap matulog, lalo na't katabi mo ang taong mahal mo, at lalo kapag masa probinsya kayo. Pero naunang nagising si Phrixx sa kanilang dalawa ni Stella.. Mahimbing pa ang tulog nito, napapangiti naman si Phrixx, habang pinagmamasdan ang mukha ng asawa. Masayang-masaya siya dahil ok na sila ng asawa niya. Hinalikan nito ang noo ni Stella, at naramdaman naman ni Stella ang halik na iyon nai Phrixx, bigla tuloy siyang nagmulat at parang nahihiya tuloy siya kay Phrixx, kaya isinubsob niya ang kanyang mukha sa may dibdib ni Phrixx. "Ngayon ka pa mahihiya?" pagbibiro ni Phrixx kau Stella, sabay yakap nito. "Sinong may sabang nahihiya ako." sagot ni Stella, pero sa totoo lang ay nahihiya pa talaga siya kay Phrixx, kahit pa sabihing mag-asawa na sila. Parang am